"Ben halika ka nga rito, may ipaguutos ako sayo" saad ng aking papa.
Ano po yun pa? Tanong ko rito ng may halong kaba, kaba na baka kung ano na namang masamang bagay ang ipagawa nito sakin.
"Pumunta ka sa baryo Hindik, hanapin mo si Mang Estong. Siya ang nagsasaka ng lupain natin doon, tanungin mo siya kung bakit wala man lang siyang balita ukol sa kung anong lagay ng lupain natin doon. Ang walang hiyang yon! Maghihigit isang taon ng hindi man lang nagbabahagi aa atin ng ani" utos ng aking ama.
Ngunit papa, hindi ko alam kung saan ang lugar na iyon. Saad ko dito na ikinataas ng kilay nito senyales na umiinit na naman ang ulo niya.
"Puny*ta! Heto ang mapa! Puntahan mo na ngayon din!" Galit at pasigaw nitong utos sakin kaya wala man lang akong nagawa.
Paalis na sana ako ng tinawag ako ng isa sa mga tauhan ni papa.
"Sir Ben! Sasama po ako sayo" saad nito.
Tinanguan ko na lamang siya at tsaka sinimulang paandarin ang sasakyan at pagkatapos ay sinimulan na naming baybayin ang kalsada papunta sa baryo Hindik.
"Sir Ben? kung hindi niyo po mamasamain, pwede ko po bang malaman kung bakit po kayo pinapapunta ng papa niyo sa baryo na yun gayong alam naman niyang delikado ang baryo na yon?" Tanong nito na ikinakunot ng noo ko.
Delikado? Takang tanong ko dito, ngunit agad niyang iniba ang usapan. Isinawalang bahala ko na lamang ito sapagkat kilala si pedrito na mahilig umiba ng usapan lalo na pag mga ganoon na ang pinag-uusapan.
"Sir Ben pwede po bang dumaan muna tayo sa bahay ko? May kukunin lang po ako saglit."pakiusap nito sakin.
Tanging tango na lamang ang aking naging tugon sa kanya. Pagkarating namin sa kanyang bahay ay agad siyang lumabas ng sasakyan at dali-daling kinuha ang mga kung anong bagay.
Ano ho ba yang mga hawak-hawak niyo mang Robert? Naguguluhang tanong ko.
"Ahh ito po ba? Buntot pagi ho at tsaka langis." Sagot niya na ipinagtaka ko.
"Para saan ho ba ang mga yan?" Tanong ko rito na may kuryusidad.
"Malalaman mo rin ho mamaya Sir Ben kung para saan ang mga tao, saglit lang ho at may kukunin pa po ako ulit." Saad niya, wala akong nagawa kundi ang tumango na lang. Pagbalik niya ay may dala siyang dalawang patalim, ang desenyo nito ay kakaiba na wari'y walang katulad.
Para saan naman ho yan? Tanong ko kay mang Robert ngunit hindi man lang niya ako pinansin at agad na siyang pumasok ng sasakyan.
Habang binabaybay namin ang daan papunta sa baryo Hindik ay biglang nagsalita si Mang Robert.
"Alam mo iho delikado ang pupuntahan natin, kaya maigi na yung handa tayo. Ang baryo na pupuntahan natin ay hindi basta basta."
Huh?
"Iho bago tayo makarating sa baryo na iyon ay may daraan muna tayong isang sitio, ipagdasal na lang natin na sana makalabas pa tayo ng ligtas sa sitiong yun."
Bakit ho? Takang tanong ko
"Iho pag sinabi kong wag kang huminto, wag kang hihinto." Saad nito.
Gusto ko pa sanang magtanong subalit hindi ko na lamang ginawa at nagfocus na lang sa aking pagmamaneho.
"Iho anong oras na ba?" Tanong niya
Alas-sais na po ng hapon. Sagot ko dito.
"Pwede ko bang matingnan ang mapa na dala mo iho?" Pakiusap nito, kaya't agad ko na lamang itong ibinigay.
"Malapit na tayo iho, tandaan mo pag sinabi kong wag kang hihinto, wag na wag kang hihinto, Isang liko na lang." Saad nito
Pagka-liko namin ay agad na sumimoy ang napakabahong amoy. Amoy na parang nabubulok na laman.