Prologue

160 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa puntod ng ate ko para bisitahin siya dito. 6 months na din ang lumipas ng mawala si Ate sa buhay namin at hindi naging madali sa akin ang pagkawala niya.

Ang bestfriend, nanay at isang mabuting ate ang ipinaramdam niya sakin. Siya lang ang nakakaramdam kung may problema ako at naiintidihan niya lahat ng problema ko. Nanjan siya lagi sa tabi ko kapag kailangan ko ng makakausap.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit pa siya nawala sa buhay ko at kung kailan kailangan ko ngayon ng makakausap.

"Ate hindi ko na alam kung ano na ang kailangan kong gawin ngayon." nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko.

"Talaga bang nakalimutan niya na ako ate?"

Mukha akong tanga dito na nagsasalita mag-isa na para bang hangin ang kinakausap ko.

"Ate bakit kailangan mangyari lahat ng to?"

Humangin ng malakas at duon nagsitayuan ang balahibo ko.

"Alam ko ate na nanjan ka at nakikinig ka sakin, pero ate hindi ko alam kung kaya ko pa ba to."

Binuhos ko lahat ng iyak ko dito at lahat ng sakit na nararamdaman ko hanggang sa mawala ito.

Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba yung lahat ng sakit at sa tuwing nakakasama ko siya. Feeling ko unti unti akong pinapatay tuwing nakikita ko siyang masaya ngunit hindi ako ang dahilan nito.

"Ate kailangan kita ngayon." nagsimula na namang tumulo ang luha ko kaya pinunasan ko ito. "Alam kong ayaw mo akong nakikitang umiiyak ate pero kailangan kong maging matatag ngayon pero paano ko gagawin yun ate?" pinatong ko ang noo ko sa tuhod ko.

Maya-maya nakaramdam ako ng mahinang pagpatak ng ulan kaya tinignan ko ang langit. Ambon lang siya kaya hindi muna ako umalis dito sa tabi ng puntod ni ate. Gumagaan kasi yung pakiramdam ko tuwing nandito ako parang dati lang kapag kasama ko si ate gumagaan din ang pinagkaiba nga lang hindi ako makapatong sa balikat niya.

Napatingin ako sa langit dahil sa pagwala ng ambon. Kala ko wala na pero merong lalaki ang pumayong sa akin at nagsmile ito sa akin.

Umupo ito sa tabi ko at hinawakan niya ang balikat ko at ipinatong ito sa balikat niya. Ang isa niyang kamay hawak ang payong at ang isa naman ay nakapatong sa balikat ko.

"Miss ko na din siya." sabi niya.

Hindi ako umimik at tumahimik lang ako. Umiyak na naman ako dahil sa nararamdam ko. Ang sakit sakit na.

"Sige iiyak mo lang yan." tinap niya ang balikat ko. "Nandito lang ako, Sheya."

Hindi ko na napigilan ang luha ko at ibinuhos na nito ang lahat. Matagal ko na ding hindi narinig ang pangalang Sheya. 5years ding hindi ko narinig yun sakanya. Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko yun sakanya.

Paano nangyari lahat ng to?

Why Don't You Choose Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon