Part 4(Drug)

27 2 3
                                    

Jc POV

"babae hinay-hinay lang, magtubig ka kaya" kala mo isang buwan hindi nakakain itong babaeng kasama ko.

"alam-mo-da-mii-mo-arsh-dal-dal" tamo toh nagsasalita dami pang pagkain sa bibig , walang manners tsss.

"hoy! nag-aaral ka ba? wala kang manners!" saway ko sa kanya

"ikaw itong walang manner! hindi HOY ang pangalan ko!!! bwiset!" narinig ko pa yun huling sinabi nya kahit pabulong lang iyon

"tss. sino ka ba? at bakit kilala mo ako!?" tanong ko "stalker ba kita?" hirit ko pa pero sya kain lang ng kain kaya napasigaw na ako at binagsak ko pa yun kamay ko sa mesa "HOYYY!!" tumingin din sya sa wakas.

"alex" sabi niya kaya anu daw? anung sinasabi nya natulala lang ako.

"hoy! babae anung trip mo?" nakakapag-init ng ulo >_

"alex santiago ang pangalan ko at hindi mo ko stalker kaya hwag ka feeler dyan," nagtaray pa bago kumain ulet..

"bakit alam mo yun pangalan ko? at-at-at bakit alam mo ang school ko?" tanong ko ulet

"kase dun ako nag-aaral, syaka hindi mo school yun" ngumiti pa sya na nakakaasar

"ehh yung pangalan ko , bakit mo alam?"

"kase--" tumingin muna sya sa likod ko "shet" napatayo pa ito kaya tumingin din ako sa likod ko "halika" hinila nya ko waaaahhhhh bakit nya ko hinihila? lagi na lang T_T

"Hoy! babae anu bang gina--" tinakpan nya yun bibig ko. "shh.. hwag ka nga maingay!" pabulong na sabi nya kasi naman nagtatago kame dito sa sulok , bakit ba kame nagtatago?

"Drug dealer" sabi nya na mahina lang,

"hahH? anu na-" tinakpan nya ulet ang bibig ko anu ba!!

"tara sundan natin" aya nya sakin.

"ayoko nga" akmang aalis na ako pero hinila nya ako at may parang may nilagay sya banda sa kamay ko anu yun? pagtingin ko naka-locking handcuff kame O_O

"anu ba!! alisin mo toh!" reklamo ko tinawanan pa ako nitong babae "gimme the key!" hingi ko sa kanya ng susi.

"Let's go" hila nya, aray ko yun kamay ko >.< wala na ako nagawa kung hindi ay sundan sya kasi sinusundan namin un lalaki na Drug dealer daw, baka hindi naman drug dealer un makapagbintang naman sya,

"Aray!" bulong ko kasi baka marinig kami ng lalaki, madilim pa naman kasi ginabi na kame , hindi ba sya napapagod maglakad, tumakbo at ngaun nagtatago naman kame na parang may ginawa kaming kasalanan..

"sabi na nga ba ehh tsk.tsk" anung sinasabi nitong babae "buti nasundan natin" tuwang-tuwa pa sya haysTT

"peram ng cellphone" abot ko naman yun cellphone ko

"ano toh!?" tanung nya na nagtataka.

"cellphone" cellphone lang di pa alam , tanga lang

"tinalo mo pa yun landline namen sa bahay ahh" asar nya at tumawa pa na nakakaasar

"akin na nga yan" kuha ko sa kanya , buti nga pinahiram pa "hindi kasi ako mahilig sa mga cellphone o gadget kasi sagabal lang sila sa pag-aaral ko at book ang hilig ko.

"may load yun?" tanong nya nakakaasar, bakit ko ba kasi toh kasama..

"meron!" pagmamayabang ko "text at call lang naman ang kailangan ko kaya bakit kailangan pa ng magandang cellphone" paliwanag ko

"edi. peram na" lahad ng kamay nya.

"ayoko nga pagkatapos mo laitin yun cellphone ko!" pagmamadamot ko sa kanya,

"gusto mong mamatay?" tanung nya. ahhh mamatay daw? takot ko sa kanya..

"tatawag ako sa pulis" paki ko kung tatawag sya sa police cellphone ko pa ang gagamitin bakit hindi nalang yung cellphone nya.

"ayaw mo hah" sabi nya at sabay hila sakin sa loob WWAAHHHhhh ang dami nilang tao sa loob , dapat hindi nalang kami pumasok kasi lahat sila may hawak na baril at nakatutuk samin, pinahamak nya lang buhay namin

"sino kayo!!?" tanong ng lalaki kala mo nakalaklak ng drug sa sobrang pangit,

"Alex Santiago" aba nagpakilala pa. pahamak talaga kailangan ko magpakalalaki dito.

"ahh boss, pasensya na kasi hindi naman namin alam na may tao pala dito" paumanhin ko "promise po hindi namin ipagsasabi na may drug dealer, aiy este na may meeting dito" tinaas ko pa ang kaliwang kamay ko dahil un isa kong kamay ay nka-lock.

"hwag po kayo makinig sa boyfriend ko," anong pinagsasabi nya hindi nya ko boyfriend, "ang totoo po nyan ehh sinundan namin yun lalaking yan at alam namin ang ginagawa ninyu!" patay na tayo nyan, kung pwede lang umuwe at iwan sya eh

"Miss, nagkakamali ka kung anu man ang nasa isip mo" paliwanag ng lalaki at ang tapang ng babae kasama ko.

"ehh . Anu yan? Di ba drug yan?!" Tapang naman nito kso epal masyado

"Hindi ka ba natatakot miss?" Nakangiti pa yun lalaki sa kanya

" bukod sa muka mo , wala na ako ibang kinakatakutan!"

"Hahahaha--" tawa ko yan,

*bang*

Nagulat ako sa putok pero itong babaeng kasama ko parang sanay makarinig ng putok ng baril.

"Umalis na kayo hangga't may oras pa!!!" Sigaw ng lalaki

One...

Two...

Three..

"Hoy . Babae ayaw mo pang umalis o gusto mong mamatay?" Pano kasi ayaw pang-umalis.

"Hindi tayo pwede umalis, papatayin tayo" bulong nya sakin "tanga ka ba?"

"Hoy. Pag-nkaAlis tayo dito, patay ka sakin" pabulong ko rin sa kanya.

"Ewan ko sau!" Sabay takbo nya at nagpaputok yun mga kalaban

*bang-bang-bang* 3x

nakapagtago din kami sa gilid, kala ko patay na ko "tumawag ka na ng police!" Utos nya sakin kaya tarantang-taranta kong kinuha yun cellphone ko at nag-dial

..

...

"shet!! Unli text na lang!" haisst , bakit naubos agad yun pang-Call ko! kung kelan kailangan na kailangan!!





**hahahahahhahahaha XD

Kawawa naman c papa JC , sino may pang-call dyan? tulungan natin ang ating bida ^_^



Please vote and comment Guys . thanks

Perfect GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon