Agosto 22Solace POV
Malapit na time ni ma'am, pag-tapos ng subject niya ay recess na.
“Ma'am time na po!” sigaw ko
“Wala pa, excited?” sabi ni Arys na katabi ko.
Apat kami na nakaupo sa isang row. Anim talaga kaming magkakaibigan pero yung dalawa ay hindi lumilipat, minsan lang. Nagiging anim ang upuan sa row namin imbis na lima lang kapag lumilipat yung dalawa ko pang kaibigan.
“Excited si Almiró lumabas, una ka nalang nak. Susunod nalang kami.” saad ni ma'am na natatawa pa.
Namuo nang tawanan ang silid-aralan namin. Sus, baduy. Hindi naman nakatutuwa.
Tumunog ang bell na hudyat na break time na namin, lumapit na yung dalawa pa naming kaibigan sa row namin para ayain kaming lumabas.
“Hoy Potato at Saya!” tawag ko sakanila. Hindi 'yan ang mga pangalan nila. Yung potato ay nakuha ko sa apilyedo ni Jennifer. Potario kasi apilyedo niya. Yung saya naman ay sa first name ni Saiya.
“Ano?!” Sagot nilang dalawa. Sabay pa talaga.
“Hindi kayo sasama?”
“Sasama malamang, hindi ka ba makahintay?”
“Edi sorry, potato” sagot ko sabay takbo sa labas. Hahampasin na naman kasi ako niyan.
Sabay-sabay kaming bumaba para pumunta sa canteen. 30 minutes break time namin, okay na rin naman.
We're currently in here sa canteen, kumakain ako habang nakikipag-kwentuhan sakanila.
Oh I forgot na ipakilala yung tatlo. Let's start kay Arys. Full name niya ay Arys Perslae. Kaklase ko nung grade 6, grade 8 pa lang kami ngayon. Second ay si Chelly Aness Costes. Kaklase ko nung grade 7, hindi ko siya ka-close before pero ngayon close ko na siya. Last ay si Aia Nile raye. Hindi ko siya kilala dati. All of them are beautiful, matalino at masisipag. Naligaw lang ako pero cute naman ako so..
After eating ay we decided na doon muna sa labas ng amin classroom, public school yung pinag-aaralan ko kaya marami talagang estudyante. My father said na sa private raw ako mag-aral but I insisted. Gusto ko sa public.
Nagmamasid-masid lang ako tapos minsa'y kumakaway sa mga kakilala ko.
“Anong pangalan nung babae na 'yun?” tanong ko sakanila.
“Sino?” tanong din ni Potato
“Ayon oh! Brown yung hair nya tapos nakasalamin.”
“Ahh, si Eilves.”
“Full name nya?”
“Eilves Nalistra Jauseer. Kaklase namin siya nung grade 7 ni Saiya.” Saad ni Arys
“Ahh, okay.” nakikita ko na siya before pero hindi ko alam ang name niya.
“Why? Crush mo?” Asar ni Aia
“Hindi no! Tinatanong ko lang.” pambabara ko.
“Sus solace, pass sa halata” Asar din ni Chelly
Tinarayan ko nalang sila na nagbibiro at sinundan ng tingin yung Eilves. Oo na, crush ko na siya okay?
“Crush na crush na crush kita, 'di mo ba nadarama? Crush mo rin kaya ako? Cross my heartj nenahnah~~” kanta nilang lahat na sinabayan ko nalang.
“Aba-aba, galing nyo palang kumantang anim ha. Pasok sa classroom! Time ko na the six dwarfs.” Putol ni ma'am Dena.
“Seven po 'yun ma'am, hehe.” sambit ko at nag-peace sign.
YOU ARE READING
Arranged Marriage
Romance"Anong pangalan nung babae na 'yun?" "Sino?" "Ayon oh! Brown yung hair nya tapos nakasalamin." "Ahh, si Eilves." "Full name nya?" "Eilves Nalistra Jauseer." "Ahh, okay." "Why? Crush mo?" "Hindi no! Tinatanong ko lang." "Sus solace, pass sa halata"