Chapter 1
Aiah’s POV
“Ano’ng gusto mo, betamax, isaw or ako?” Nakangiting tanong ni Christopher sa akin.
Napangiwi ako sa kakornihan niya. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng mga babaeng p’wede niyang ligawan, e sa beauty ko pa ito nahalina. I'm not saying na chaka ako, pero palagay ko, e saktong ganda lang talaga ang kinaya ko. Morena ako, 5’5 ang tangkad, slim pero hindi mukhang sakitin. Gandang di mo inakala ganyan.
Valedictorian ako n'ung Junior High at palaging nasa top honors nung SHS. Pero n’ung nag-collge medyo lulamlam ang interes ko sa pag-aaral. Nursing ang course na kinuha ko, pero hanggang 2nd year lang ako sa university.
“Ano kasi… Hindi ako kumakain ng mga ganyan,” direktang sagot ko pero in a good way naman.
Kumunot ang noo ni Christopher at saka muling nagsalita. “A, gano’n ba? Sige, lipat na lang tayo du’n sa kabilang kalye. Masarap daw ang pares do’n, e.”
“Okay,” maikling tugon ko. Pagkatapos ay tamad akong sumunod sa kanya.
Nang nasa tapat na kami nitong Fairy Pares ay napaisip ako nang matindi. Hindi naman ako matapobre pero ayokong maging end game ‘to si Christopher. Una sa lahat, alam kong hindi ko matatapatan ang pagiging loyal niya. Pangalawa, hindi niya kakayanin ang topak ko. At pangatlo, ayoko ng asawang dukha.
And one more thing, I lived by the quote: ‘Hindi makakapili ng magiging tatay nila ang future kids mo, pero ikaw, makakapili ng gusto mong maging tatay nila.’ Strong and independent woman ako, pero pangarap ko rin naman maging Disney Princess ‘no. Besides, I don't want my kids to live the life I had.
“Lika na, Aiah, andito na ‘yung pares natin,” aya ni Christopher. Nakaupo na siya sa monoblock chair. “Gusto mo ba sa tabi ko o d'yan sa katapat na upuan?”
“Dito na lang sa tapat mo.” Hinila ko ‘tong isa pang monoblock chair at saka naupo.
Ngumiti si Christopher pero bahagya lang akong tumango. G’wapo siya, matangkad, matikas ang pangangatawan pero ekis talaga. Hindi ako ipokrita. Gusto ko talaga ng mayamang jowa. Periodt.
“Dahan-dahan sa paghigop. Mainit pa ‘yang sabaw,” paalala niya habang nilalagyan ng pamintang durog ang pagkain niya.
“Oo, kaya ko na ‘to. Sige na, kumain ka na,” malumanay na sagot ko.
I took a sip. In fairness, masarap ‘tong mami. Hindi na rin masama. Tahimik akong kumain habang iniisip kung saan ako mag-a-apply ulit. Two weeks na akong walang trabaho dahil nag-immediate resignation ako sa trabaho. Manyakis kasi ‘yung TL at supervisor ko. Gusto akong gawing kabit. Kadiri! Kahit hampaslupa ako ay pang-legal wife naman ang ganda ko ‘no.
“Masarap ba?” mahinang tanong ni Christopher.
Tumingin ako sa kanya. “Yes, masarap siya.” Kumuha ako ng chili oil at nilagyan ko ‘tong mami.
Ngumisi naman siya at bahagyang umisod palapit sa akin tapos bumulong, “May alam akong mas masarap d'yan. Uhm, heck-in tayo pagkatapos? Sige na, kahit three hours lang.”
Nagpanting ang tenga ko. Walanghiyang lalaki ‘to. Unang date pa lang namin, pero sex agad ang gusto.Akala ko pa naman gentleman ang loko, ‘yun pala manyakol din! Mabilis akong tumayo at ibinuhos sa ulo niya ang mainit-init pang sabaw. Namilipit siya sa init at saka hinagod nang hinagod ang mga mata niya.
“Deserve! D'yan ka na nga! Bwisit!” iritableng hiyaw ko sabay walk-out.
Dumerecho ako sa isang convenience store para magpalamig saglit. Ramdam ko pa ang anghang ng mami sa bibig ko kaya bumili ako ng mochi ice cream. Paborito ko kasi ‘to kahit medyo maharlika ang presyo.
Naupo ako sa malapit sa glass-panel walls at ninamnam ang lamig ng mochi sa bibig ko. Malapit ko na sana ‘tong maubos nang mapansin ko ang isang matangkad na lalaking tila pasuray-suray sa gitna ng kalsada.
“May dugo sa damit niya…” bulong ko at saka napatayo.
Kumaripas ako ng takbo palabas ng convenience store at kaagad na nilapitan ang lalaking halos di na maimulat ang mga mata.
“Sir, okay ka lang ba?”
“Take me to the hospital, please…” Nanghihinang anas nito.
Shit! Ang g'wapo ng boses! Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Pumara ako ng taxi at inalalayan ang lalaki papasok sasakyan.
BINABASA MO ANG
His Accidental Wife
General Fiction"I lived by the quote: ‘Hindi makakapili ng magiging tatay nila ang future kids mo, pero ikaw, makakapili ng gusto mong maging tatay nila.’ Strong and independent woman ako, pero pangarap ko rin naman maging Disney Princess ‘no. Besides, I don't wan...