Seraphina POV's:
Alas sais na ng umaga ngayon. oo, maaga ako nagising dahil tumawag kagabi ang pinsan ko na si, Navem. Tinawagan niya ako kagabi dahil inalok niya ako sa boss niya bilang secretary. Sinabihan ko kasi siya na tawagan ako kung ano puwedeng pasukan na trabaho eh, sakto tumawag siya kagabi. sinabi niya saakin kung ano ang mga papel na kailangan ko dalhin mamaya. alas dyis ng umaga ay aalis na ako.
maaga ako nagising para maka pag ready na ako ng mga ka-kailanganin. Nandito ako sa kusina para maka pag luto ng almusal namin. kasama ko sa bahay ay ang step sister ko at step mother ko. patay na ang tatay ko nung nag sampong taong gulang ako. yung nanay ko naman ay hindi ko alam kung nasaan na, ang kwento lang saakin ni tatay nun bago siya mamatay ay.. sariling ina ko daw ay iniwan ako nung bata pa ako.
Kaya hindi ko kilala ang sariling ina ko. habang nag luluto ako ng almusal ay hindi ko namalayan na may tumutulo galing sa mata ko.. luha ko lang pala. agad ko ito'ng pinahid gamit ang likod ng kamay ko. baka kasi makita ako ni nanay violeta at sabihing nag dra-drama na naman ako.
Habang nag luluto ako ay hindi ko na pansin na nasa baba na pala sila ate valerie at nanay violeta.
" Magandang umaga, nay violeta " bati ko. ngunit imbes na ngitian ako ay sinungitan ako. simula bata palang ako ay mabigat na ang kamay saakin ni nanay violeta. lagi niya akong pinag iinitan ng ulo... pero si ate valerie ay lagi ako pinag ta-tanggol kay nanay violeta.
salamat nalang at mabait si ate valerie simula bata pa kami.
" Walang maganda sa umaga kung ikaw madadatnan ko! " hiyaw ni nanay violeta saakin. kaya napa yuko nalang ako at ibinalik ang gawi sa pag luluto.
" Magandang umaga, seraphina! " magiliw na bati saakin ni ate valerie kaya napangiti ako.
lumapit saakin si ate valerie at nag salita. " Ano niluluto mo? " tanong niya. " Adobo, teh " sagot ko habang nag hihiwa ng patatas.
" mukhang masarap ah! tulungan na kita jan. atsaka wag mo pansinin si mama ah, nandito lang ako! " palakas loob saakin ni ate.
" alam mo ate, yung pinsan natin na si navem. inalok niya ako sa boss niya bilang secretary. buti nalang pumayag ang boss niya na gawin akong secretary. aalis nga ako mamaya ng alas dyis para doon, eh. sa wakas makaka tulong na ako sa inyo ni nanay violeta sa mga bayaran dito sa bahay " masaya kong kwento.
" Salamat sa pagtulong, ah. " masayang ani ni ate valerie.
hindi ko alam na nakikinig pala saamin si nanay valerie ng sumabat ito. " buti naman! jusko! akala ko hanggang sa paglaki mo ay magiging pabigat ka'ng babae ka! may kwenta ka pala! " hiyaw saakin ni nanay violeta at nilagpasan ako kung saan ako naka tayo at tinabig ang balikat ko.
muntik na ako matumba buti nalang ay nasapo ako ni ate. " Ma, ano ba! hindi siya pabigat! may ginagawa siya para dito sa bahay hindi mo pang nakikita! mata pobre ka kasi! " sigaw sa kanya ni ate valerie kaya tumingin ako sa kanya at umiling.
" wag na ate.. ayos na ako.. tama na. " bulong kong sabi.
" aba! bastos ka ng bata ka ah! parehas lang kayong walang disiplina! buwesit! " sigaw ni nanay violeta habang padabog na umalis.
" hayaan mo na siya, seraphina. lutuin na natin yung u-ulamin, ha " mahinhin niyang sabi habang hinahagod ang likod ko.
hinahagod niya dahil pinapakalma ang trauma at depression na nararanasan ko araw-araw. kaya pinapakalma niya ako. ngumit na lamang ako sa kanya upang hindi siya mag-alala.
ilang minuto ay naluto na rin ang adobo. nauna na kaming kumain ni, ate. ayaw kasi sumabay saamin ni nanay violeta.
habang kumakain kami ni ate ay nag tanong saakin si ate valerie. " diba aalis ka mamaya ng alas dyis? may pamasahe ka ba papunta doon sa sinasabi mony lokasyon? hmm? bibigyan kita pamasahe. " nag aalalang ani saakin ni ate. umilinh nalang ako. " hindi na ate. meron na po ako pamasahe" ngumiti nalang ako at tumango nalang si ate.
matapos namin kumain ni ate ay siya na ang nag presinta na mag hugas ng plato. sa una palang ay hindi na ako pumayag dahil ako naman ang nag huhugas ng plato pero eto naman si ate valerie ay hindi pumayag kaya wala na akong nagawa.
umakyat ako at dumiretso sa kwarto ko para maka pag ayos na ng gagamitin ko. dumiretso lang ako sa banyo at nag bihis ng skirt na black at white long sleeve.
chineck ko rin ang mga papeles na ka-kailanganin. check naman na lahat ng kailangan ko pati pamasahe. may extra money naman ako dito kaya walang problema. nag salamin ako at nag suklay nag lagay lang ako ng liptint at pulbo, simple lang ang gusto ko ayaw ko ng mga make-up.
pag tapos ko mag-ayos ay bumaba na ako. naabutan ko si ate ng kinawayan ako kaya nginitian ko siya.
" ingat! " ani ni ate.
" opo, alis na po ako ate, ingat dito " sabi ko at lumabas na.
nag hanap lang ako ng tricycle para maka alis na ako. buti nalanf ay may dumating agad na trycicle dito. sumakay ako at sinabi kunt saan ako ihihinto.
mabilis lang kami nakarating sa lokasyon kung saan ako mag h-hire. nag bayad lang ako kay manong at tumingin sa malaking ospital. grabe ang ganda! ang laki dito sa Montero Hospital, kung saan ako mag h-hire. tumitig ako sa ospital at kinakabahan pumasok. kaya ko ito.
AUTHOR: hi! 💙
YOU ARE READING
RAINING TEARS #2: IN THE END
RomanceDave Montero, 25 years old, is a doctor and engineer. He owns several companies and he have own hospital. He is a man who doesn't care about anything, especially if it doesn't involve him personally. Seraphina Covaniez, 21 years old, is an angelic w...