Prologue

4 1 1
                                    


"Bakit ka ba nagpapaganda huh?...At maagang maaga
ka yata ngayon?" My mom asked with curiosity in her face while I'm putting some make up on my face. Maybe she felt it weird for me doing this kind of things. Hindi naman sa hindi ako nagaayos noon sadyang hindi lang sila sanay na maaga ako at kung makalagay daw ako ng kalorete sa mukha ko ay uubisin ko yung isang make up set ko.

"Mom..." Hinarap ko siya dahil tapos na akong maglagay sa mukha ko at kating- kati na akong pumasok sa school. Alam ko kasing nasa school na ang crush ko. Yes! Crush ko. Kaya ako nagpapaganda ng ganito dahil sa kanya. Alam kong papansinin na niya ako nun dahil nagmake up na ako.

Nilapitan ko si Mommy sabay hawak sa braso niya. I look at my mom. She look at me too. Kahit na may edad na ang Mommy ko ay kitang kita parin ang kagandahan niya. Hindi ko talaga mapagkakaila na kahawig na kahawig ko talaga ang nanay ko dahil marami talaga kaming kapareha. Mula sa mataas na ilong, maninipis na labi, at malalalim na mga mata. Pareho din kami ng balat na maputla.

"Ayaw niyo po bang ganito ako?" Malambing kong tanong.

Kitang kita ko parin ang curiosity sa mata ng ina ko. Alam kong hindi parin siya naniniwala sa akin. Ngumiti ako.

"Basta wag munang magboboyfriend...bata ka pa." Tugon niya na binawaliwala ang tanong ko. Ngumiti siya ng tipid sa akin. Ngumiti din naman ako sa kanya.

"Wala naman akong boyfriend Mom.. Crush lang naman." Sabi ko sabay lapad ng ngiti. Ngumiti din siya pabalik sa akin.

Alam kong hindi parin siya kumbinsido sa mga sinasabi ko pero wala naman din siyang magagawa. At totoo naman. Wala pa naman akong boyfriend ngayon pero maybe sa pag uwi ko mamaya meron na. Gaga! Ano ba tong iniisip ko? Nababaliw na yata ako!

Alam ko naman kung bakit ganyan ang mga magulang ko. I'm only child that's why kung makaalaga at makapagalala sila sa akin ay sobra sobra pero dahil sanay naman ako ay hinahayaan ko na lang.

Kaagad naman akong nagpaalam. Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko nang naroon na ang sasakyang aking gagamitin sa pagpasok sa usual nitong kinaroroonan. Nakita kong pumasok si Manang Precie sa sala kaya nagmadali na akong lumabas ng bahay. Pinagbuksan naman ako ni Manong driver.

Alam ko namang pagnaabutan ako ni Manang ay marami na naman siyang bilin sa akin na alam ko na. Paano ko alam? Syempre araw araw niya kayang pinapaalala sa akin. Kaya minsan ay tinatakasan ko na lang.

Narinig ko ang sigaw ni Manang Precie sa bukana ng aming bahay pero hindi ko maintindihan kaya binalewala ko na lang. Agad naman kaming umalis patungong school.

Hindi nawawala ang matamis kong ngiti habang ako ay naglalakad sa hallway papunta sa unang klase ko. Marami ang bumabati sa akin.

"Wow.. mas gumanda ka ngayon Yene!" Puri ng isang lalaking hindi ko kilala sabay kindat sa akin. Nginitian ko na lang.

Alam ko namang maganda na ako simula noong bata pa lang ako. Marami kasi ang nagsasabi sa akin na maganda raw ako kaya pinaniwalaan ko na lang. Haha! Just kidding.

Marami pa ang bumati at pumuri sa kagandahan ko. Pero ang hininhintay kong bumati sa akin ay hindi ko pa nakikita.

Matamis akong ngumiti nang pumasok na ako sa kwarto ng unang klase ko. Maingay pa ang mga kaklase ko kaya sigurado akong hindi pa dumadating ang professor namin.

"Uyy... Yene!" Sigaw ng kaibigan kong si James. Kaninang maingay na mga kaklase ko ay bigla na lang tumahimik dahil sa sigaw ni James at lahat sila ay napatingin sa akin. Pinasadahan ko sila ng tingin at tumigil lamang sa isang lalaking hindi man lang lumingon sa akin kahit na lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin na.

"Lalo kang gumanda ngayon Yene ah!...lalo tuloy akong nainlove sayo." Napatingin ako sa nagsalitang si James. Ngumiti ako sa kanya. Alam ko namang nagbibiro lang naman siya everytime na sinasabi niya 'yon. Nasanay na rin ako dahil sa ito ang palagi niyang biro sa akin. He knows naman kong sino ang gusto ko kaya walang problema sa akin.

My Candid Mistake Where stories live. Discover now