HINDI karaniwang problema kay Sarah ang pang gabi niyang shift sa St. Mary's Hospital. Dagdag-bayad iyon at nakakatulong sa kanya ng malaki. Nababalot ng katahimikan ang paligid kaya konting pahinga na rin 'yon sa kanya sa kabila ng aligagang mga araw, kung saan parating puno ang emergency ward at halos hindi siya makalad ng tuwid dahil sa sobrang pagod. Nanginginig pa'rin ang kamay niya dahil sa pagod, puyat, walang hintong trabaho at matapos hawakan ang kamay ng batang lalaki na kakamatay lamang; "another casualty of the night," sabi niya sa sarili niya.
Mahina ang ilaw sa kalsada habang naglalakad siya papunta sa terminal ng jeep. Mas tahimik din ang paligid kaysa sa nakasanayan niya. Hindi na lang niya ito pinansin ang namumuong takot sa dibdib niya at nagpatuloy sa paglalakad, sinusuot ang kanyang coat bilang panangga sa malamig na hangin. Ang gusto na lang niya ay makauwi, humiga at magpahinga para makalimutan ang mga mukha ng pasyenteng hindi niya nailigtas.
Maya-maya ay may pumarang jeep sa harap niya, wala itong ibang sakay kundi ang driver at iilang pasahero na nakasandal sa kani-kanilang upuan. Sandali siyang nagdalawang-isip pero dahil sa pagod ay sumakay rin siya at umupo sa likurang bahagi ng jeep, gaya ng nakasanayan, para maiwasan pakikipag-usap sa iba.
Napatingin ang driver sa rearview mirror at tumango ng bahagya. Biglang umandar ang jeep at nagsimulang binaybay ang tahimik na kalsada, bahagyang isinandal ni Sarah ang ulo sa bintana, pilit na pumipikit.
But something. ..felt wrong.
Makalipas ang ilang minuto ay napansin niyang tahimik ang iba niyang kasamang pasahero. Walang gumagalaw. Walang nagsasalita. Walang kahit anong kilos mula sa kanila. Bumaling siya sa lalaki sa tapat niya, nakatingin ito sa may bintana, nakasandal ang katawan, para bang natutulog. Ngunit napansin niya na may kakaiba sa kanyang pagkakaupo–an unnatural stiffness. She looked closer, leaning slightly forward at napagtanto niyang maputla ang balat nito at may bahagyang kulay asul ang kanyang labi.
Ang babaeng katabi naman nito ay wala ring pinagkaiba-nakahilig ang ulo sa balikat at bahagyang nakabukas ang bibig. May amoy na biglang bumalot sa paligid, amoy nang aagnas na tinabunan lang ng amoy ng gasolina at bakal. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Sarah, at nagsimulang mamuo ang malamig na pawis sa kanyang noo. Her mouth went dry as she realized the chilling truth.
These people weren't just sleeping. They were dead.
Muli siyang bumaling sa driver ngunit tila wala itong pakialam, nakatingin lamang ito sa daan, mahigpit na nakakapit sa manibela. Napakapit siya ng mahigpit sa kanyang kinauupuan at pilit na pinapakalma ang sarili, pero mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. Had she wandered onto some bizarre transport for the dead? Or was this some twisted dream, a hallucination born of exhaustion?
Isang malakas na tunog ang gumulat sa kanya. Napatingin siya sa harapan niya at napansin niyang isa sa mga bangkay ang natumba sa sahig ng jeep. Pinigilan niyang mapahiyaw nanginginig ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang bibig. Ang isang bangkay naman ay dahan-dahang dumulas at napasandal sa kanyang balikat.
"Putangina!!!" sigaw niya.
Pumikit siya at pilit na pinapakalma ang sarili, iniisip kung ano ang gagawin. Kailangan niyang makababa sa jeep na ito. Ngunit sa bawat tingin niya sa bintana, wala siyang nakikita kundi ang walang-laman na kalsada at anino ng mga gusali. Walang ilaw. Walang tanda ng buhay. Para bang siya na lang ang natitirang buhay na tao sa siyudad.
Bumagal ang takbo ng jeep ng makarating ito sa isang intersection. Huminga siya nang malalim at nagmamadaling inabot ang hawakan ng jeep, hindi alintana ang bangkay na muling natumba, handa nang magsabi sa driver na pababain siya, pero natigilan siya nang muling mapansin ang reflection ng driver sa salamin.
YOU ARE READING
Sundo
HorrorAfter a late night shift, a nurse boards a jeepney headed home. As the vehicle travels through the eerily quiet streets, she realizes the other passengers are all dead. She must find a way to escape before the jeepney reaches it's final, deadly dest...