Nakangiti kong tinitignan ang sarili sa maliit na salamin na hawak ko. Chine-check ko kung okay na ba ang mukha ko. Katatapos ko lang kasi mag make up. Ngayon nga ay pulang pula na ang labi ko na bumagay sa dress na suot ko. Ang mahabang buhok ko naman ay nakatali na.Babaeng babae ang datingan ko ngayon.
"Okay. Perfect." Mahina kong bulong.
Agad kong ibinulsa ang salamin. Tapos ay sumulyap sa katabi ko na kanina pa tila nag aalala.
"Lee, umuwi na kaya tayo? Kapag nalaman ng Mommy ko na hindi talaga tayo nagsimba. Patay ako."
Napailing ako sa kaartehan nitong bestfriend kong si Champi.
"Huwag kang OA dyan. Hindi niya malalaman 'to. Isa pa, saglit lang tayo dito. Makikipag-meet up lang naman ako sa ka-chatmate ko."
Nakangiwi siyang napahawak sa kanyang suot na salamin sa mata.
"Palibhasa, hindi mahigpit sayo ang parents mo kaya hindi ka takot. Alalahanin mo, Lee. Kinse anyos palang tayo. Tapos makikipagmeet up tayo sa stranger? Baka mamaya nyan kindnapper pala yan."
Inis na binatukan ko siya.
"Ang OA mo talaga kahit kailan. Hindi kidnapper yung chatmate ko. At kung masama man siyang tao. Kaya kitang ipagtanggol. May certificate kaya ako ng taekwando class ko nung bakasyon." Taas noo kong sabi. Agad kong kinuha sa bitbit kong shoulder bag ang cellphone ko.
Wala namang nagawa si Champi kung hindi manahimik na ipinagpasalamat ko.
"Nasaan na daw ba yung ka-chatmate mo? Bakit kasi hindi nalang natin siya hintayin sa loob? Bakit tayo nandito sa labas? Ang init kaya." Sunod-sunod na reklamo ni Champi.
Nasa tapat kami ng isang coffee shop na malapit lang sa school namin. Hinihintay namin na dumating yung ka-chatmate ko. Ngayong araw kasi ang usapan namin na magkitang dalawa. Dahil linggo, obviously wala kaming parehas na pasok sa school. Nag aaral pa din kasi siya.
Halos six months ko ng ka-chatmate itong kikitain ko ngayon. Nagstart kami mag usap nung unang araw ng pasukan. May classmate akong nagsali sa akin sa isang group ng mga teenagers. Saktong dun ko ito nakilala. Parehas na dummy account ang gamit namin kaya malakas ang loob kong makipag-landian sa kanya.
Nung una sadyang bored lang ako lalo na at naghihintay ng bakasyon para payagan ni Dad na mag join ako sa Death Race. Buong oras ko ay ginugol ko sa pakikipag-usap dito sa ka-chatmate ko. Syempre hindi ko sinasabi sa kanya ang ilang detalye tungkol sa akin. Madalas nagsisinungaling ako. Isa na dun yung tungkol sa kasarian ko. Dahil sinabi kong babae ako na hindi nga totoo.
Dahil gay talaga ako.
Malakas ang loob kong magsinungaling kasi nga dummy account gamit ko. Tingin ko ganun din naman siya sa akin. Parehas lang kami nagsisinungaling.
Usual na gawain ng mga mahilig makipagchat.
Sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan. Hindi ko namalayang gumagaan na ang loob ko sa tuwing kausap ko siya sa chat. Crush ko na yata siya. Para na nga kaming M.U dahil nag I love you na kami sa isa'tsa isa. Kahit chat at tawag lang kami nag uusap. Never pa kaming nag usap sa video call. Kaya nagdecide akong ayain siyang makipag-meet up. Buti nalang at agad siyang pumayag.
"Lee?" Rinig kong tawag ni Champi na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Napakurap kurap ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/347089452-288-k725894.jpg)
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: LOTUS
Teen FictionSa siyam na miyembro ng Expedallion Crusader. Si Lotus na yata ang pinaka-kakaiba sa lahat dahil sa pabago-bago nito ng kasarian. Halos lahat ng letra sa LGBTQ ay naikot niya kaya pati mga kasamahan niya nalilito sa kanya. Noon na lalaki pa siya. G...