C4

315 12 4
                                    

Nyckolette POV

Late na akong nagising dahil hindi naman ako ginising ng mama ko.

10 AM na pala kaya naghilamos ako at nagtoothbrush bago nag-almusal.

“Lette nak, kanina pa tumutunog yang cellphone mo.” si mama ang nagsasalita habang may hawak na mga natuyong damit.

“Mamaya na ma, kakain muna ako nagugutom na ako eh. ” sagot ko naman at umupo na sa harap ng mesa.

“Kumain na kayo Ma? ”tanong ko at tumango naman siya.

“Sayo na yan ang natirang ulan dahil tapos ng kumain ang kapatid mo. ” sagot niya sakin.

Kumain nalang muna ako dahil nagugutom na talaga ako. Gagayak ako mamaya dahil baka akala ni Jarren ay wala akong balak pumunta sa kanila.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinggan ko at tinignan ang cellphone ko.

Unknown Number kasi wala naman sa contacts ko kaya binasa ko.

7:45AM
Unregistered Number: Good morning, Koko. This is Jarren. Just text back if you want me to fetch you.

9:24
Unregistered Number: Hey, still asleep?

May 5 missed calls around 8:58AM

9:49AM
Unregistered Number: You sleep too much, Kolettyyyy.

Napangiti ako sa kadaldalan ng lalaking ito kaya nagtipa ako para nagreply.

To: London Boy
Kalma ka, maliligo lang ako at mag-ayos pwede kana pumunta dito para masundo ako. Sorry ang sarap ng tulog ko eh.

Nagmadali na akong maligo dahil hindi ko alam kung ano katagal ang byahe niya dahil di ko naman alam bahay nila.

Nang matapos na ako ay umupo muna ako sa kama ko.

“Lette, may naghahanap sayo dito.” tawag sakin ni Mama kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto ko dala ang iba kong materials na gagamitin namin baka si Jarren na yun eh.

Paglabas ko nakita kong nakaupo sa sofa si Jarren habang kaharap ni Mama.

“Ay ma, si Jarren pala - classmate ko at ka grupo ko sa project. Jarren, si Mama.” pakilala ko sa kanila.

Nagmano naman siya kay Mama.

“Hello po tita. I'll borrow Koletter for our project po and I'll return her later din po. Don't worry she's safe with me po.” magalang nyang sabi kay Mama at tumango naman si Mama.

“Ibalik mo yan, sinasabi ko sayong bata ka hindi kana talaga makakatungtong ng bahay namin pag di mo yan binalik samin.”pananakot ni Mama kaya natawa ako. Nagawa pa talagang manakot ni Mama.

“Loud and clear, Ma'am.” sagot naman ni Jarren na sumaludo pa kaya natawa ako.

“Tara na nga. Ma, alis na kami.” sabi ko at nagmano bago umalis. Hinila ko na rin si Jarren.

“Alis na po kami, Tita. Bye po.” poteks HAHAHA natawa ako sa boses niya.

“Sige ingat kayo.” si Mama.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay ng sasakyan ni Jarren.

Pinaandar na niya yung sasakyan at umalis na din kami.

“Kamusta ka naman?” tanong ko sa kaniya baka kasi napikon kakahintay sa message ko.

“You slept too much, Koko.” natatawa niyang sagot sakin.

THE RED STRING THEORY ( BOOK 1)Where stories live. Discover now