Halo-Halo for Two (2)

277 5 12
                                    

Sa wakas! Bakasyon na! Wala nang pasok , wala nang homeworks, projects, paperworks at kung ano ano pang trabaho na pinapagawa ng mga teachers (for two months only) oras na para magpahinga , matulog hanggang sa anong oras mo gusto . Tapos kain , tulog lang.

Kaya lang pag dating ng bakasyon iisa lang din ang ibig sabihin niyan SUMMER NA! Magiging malaking oven nanaman ang Pilipinas! Tapos mauuso nanaman ang paypay dito paypay doon tapos kapag hindi na-satisfied sa paypay paypay lang bibili nalang ng halo-halo. Ako kapag sobrang init ng bakasyon ang ginagawa ko bumibili ako ng maraming yelo tapos bibili ako ng mga sahog ng halo-halo tapos ilalabas ko ang pang crush ice namin .

Gagawa ako ng sarili kong halo-halo hanggang sa magsawa ako. Tapos kapag nakagawa na ako , lalabas ako . dun ako kakain sa may manggahan malapit samin . Doon ako madalas tumatambay kasi lagi kong nakikita yung kaschoolmate ko na matagal ko nang gusto , siya ay si Kyle.

Gusto ko siya simula first year high school palang ako hanggang ngayon na mag fo-fourth year kami. Mahilig si Kyle sa mga matahimik na lugar , Tahimik din na tao si Kyle. Mahilig siya mag drawing talent niya yun lagi siyang nilalaban ng school namin pagdating sa mga drawing contest . Lagi din siya nagdra-drawing sa manggahan.

Sobrang seryoso ng taong ito kapag nagguguhit na siya as in bawal siyang gulohin kahit kausapin ng konti ayaw niya . Naalala ko noong nakaraang bakasyon nagtry akong makipagkilala sa kanya nagdala ako ng halo-halo para sa kanya . Nakikita ko siya na nagdra-drawing , sinubukan kong lapitan siya . Habang papalapit ako ng papalapit sa kanya lumalakas ang tibok ng puso ko . Nanginginig ang tuhod ko at ang mga kamay ko na hawak hawak ang mga halo-halo na aking inihanda para saaming dalawa .

"Ehem..Excuse me."- Kinabahan ako at numumula sa sobrang hiya

Hindi niya naman ako tinitigan or nagsalita man sakin

"Excuse me pwedeng makipagkaibigan?"- Bigla bigla lang lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyan at hindi ko inaasahan.

Dun na niya ako tinignan sa mata . Feeling ko matutunaw na ang yelo ng mga halo-halo ko at pati ako ng dahil lang sa mga titig ng kanyang mga mata saakin. Feeling ko tumigil ang mga pagikot ng mundo nung nangyari yon

Pero bigla siyang tumayo at sinabing "Sorry ayaw kong naiistorbo" tapos dinaanan lang ako. Napatulala ako at napaisip . Bakit niya ginawa iyon?

Simula noong mga araw na iyon . Hindi na siya bumalik pa ulit kahit noong pasukan na hindi ko na siya nakikita . Hindi naging masaya ang bakasyon ko simula noong hindi ko na siya nakikita . Pati na ata ang buong taon naging malungkot na ako at sa tuwing gumagawa ako ng halo-halo parang tumatabang na ito dahil lang sa mga emotions ko.

Ngayon bakasyon nanaman . Magdadala ako ng dalawang halo-halo umaasa ako na babalik siya doon kahit hindi naman talaga . Nabalitaan ko kasi na lumipat na pala sila sa ibang bansa para sa future niya . Pagdating ko sa manggangahan umupo ako sa ilalim ng puno kung saan madalas siyang nagdra-drawing iniimagine ko na katabi ko siya ngayon. At iniisip ko ano kaya ginuguhit ng mga mahuhusay nyang mga kamay ngayon.

Tumayo din ako agad ng may marinig akong naglalakad tapos may nakita akong sketch pad . Pinulot ko agad ito at binuksan . Nakita ko na may nakadrawing . Nakadrawing dito ang sarili ko na kumakain pa ng halo halo. Tapos may nakasulat sa baba

"Ito si Erza . Gusto ko siya simula pa noong lumipat ako malapit sa kanila"

Bumilis agad ang tibok ng puso ko lalo na ng may nagsalita sa may likod ko

"Sorry sa pagkasuplado at pagkatorpe ko before . Actually gusto kong more than friends tayo . "-Kyle

Ibinigay ko sa kanya ang isa pang halo-halo na gawa ko . Kahit mainit ang sikat ng araw nangibabaw padin ang saya at kilig sa may manggahan

-Fin-

Story by : LuLaRuLaLu

Halo-Halo for Two (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon