New Beginning...

6 0 0
                                    

Mugto pa din ang mata ko.

Madali ako nag ayos para sa new job ko. Nakalipat na din ako and dahil mas maganda ang offer dito sa new job ko mas afford ko na mag condo.

It's all new to me.

Walking distance lang ang office ko kaya hindi ganun ka hassle.  The usual naka earphone ako habang nag lalakad and nakikinig ng Killer by HYBS.

Dumaan muna ako sa Dunkin Donut para bumili ng breakfast. Mahilig talaga ako mag try muna ng mga food nila before ako mag settle kung ano ba talaga ang gusto ko. I'm that person. Even though masarap na sa akin yung first na naorder ko gusto ko pa din ma-try lahat para ma-assure ko yung sarili ko na ito talaga yung gusto ko.

While walking, I ate my sandwich and drink my coffee.

Pa dating ko ng office... They prepare a welcome greet sa akin.

"Welcome aboard!"

I smiled. This is the work environment I want.

My day goes by. Hindi ganun ka busy pa since transition and trainings then paliwanag ng mga responsibilities and all.

I got home by exactly 5pm. Ngayon nalang ulit ako umuwi ng exact sa time out ko. Since nasanay ako na always 12am or madaling araw na ako nakakauwi sa dati ko na work.

My week goes by like that.... Work, condo,  ate outside......  Ako na ata ang may pinaka boring na lifestyle.

It's Saturday, and I decided to eat outside as usual and mag grocery na din.

Sa grocery store ang una na pinuntahan ko ay ang wine section... Napaisip ako ano ba masarap i-partner sa wine so i can order food ng biglang.....

"Ouch" daing ko ng may makabangga sa cart ko and tumulak pabalik sa akin yung cart na nasa harap ko.

"I'm sorry... Are you okay?" Dali dali naman lumapit sa akin yung nakabunggo sa akin.

Ni-kaylangan ko na tumingala para makita yung face ng nakabunggo sa akin  dahil sa tangkad niya.

Agad ko naman nakita sa expression ng face niya na he's really worried...

"I'm okay. Don't worry."

Mas lalo ko naman nakita yung mukha niya. Yung typical na tall, dark and handsome ganun.

May koonti pa din na guilt sa mukha niya.

"I'm really okay. Don't worry. It's not that bad." I said and smile at him.

"Thank you and sorry again."

I smiled nalang again and bu-bwelo na sana ako paalis ng tanungin niya kung ano ang name ko.

This is so random kaya sumagot ako na patanong.

"I'm Jera...?" Bigla ko naman narinig ang tawa niya na ikina-kunot ng noo ko.

"Sorry.... I'm Timmy." Sabay lahad ng kamay niya. Tinanggap ko naman ito.

"So... Jera. I'm really new in this area might you know or baka you can reco a good cafe nearby?"

"I'm also new here." Sagot ko naman.

"But... I'm also wandering this area so I might know some cafe but I really didn't try pa."

"Oh that's good. Might you want to accompany me? You know.. I'm not good in direction."

"Okay." I answered.

"That's great!" Sagot niya na may malaking smile.

Mabilis ko nakapagpalagayan ng loob si Timmy.

Napadalas din ang pagkikita namin ni Timmy madalas kami nagpupunta ng mga coffe shops nearby since pareho kami nag e-explore dahil baguhan kami sa lugar.

Inaya niya din ako mag roadtrip sa tagaytay para mag try ng mga other cafe doon.

Siya ang nag da-drive and ako naman ang naka-assign sa mga soundtrip na ikinatuwa ko naman.

Playing: My dear by HYBS

Sumasabay din ako sa pagkanta ng mahina.

Nakita ko naman na lumilingon lingon siya sakin and ngumingiti once na nililingon ko siya.

"I don't wanna know what future holds.... I just wanna spend all of  my days with you, my dear...." Sabay ko sa pagkanta.

Bigla niya naman itinigil sa gilid ang sasakyan and tinanggal ang seatbelt niya at humarap sa akin.

"Are you really singing that song to me?" Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka

"Huh? Ano-"

Hindi ko na natuloy ang pagtatanong ng bigla niya nilagay ang kanan niyang kamay sa batok ko at inilapit sa kanya.

Napasinghap naman ako sa gulat.

"Timmy..... What are you doing?" Halos magkalapit ang mukha namin at nakatingin lang siya sa mga mata ko at paminsan minsan sa labi ko.

"Don't get mad." Yan ang last na sinabi niya bago niya ako hinalikan.

Sa gulat ay hindi ako nakagalaw at nanlaki ang mga mata ko. Dahan dahan niya naman iginalaw ang labi niya at huminto siya ng mapansin na hindi ako gumagalaw. Binuksan niya ang isa niyang mata at tinignan ang reaksiyon ko sabay pikit ulit at hawak sa pisngi ko ng dalawa niyang kamay ng hindi tinatanggal ang nakalapat na labi niya sa labi ko.

Gumalaw ulit ang labi niya ng  maingat. Hindi ko alam pero napapikit na din ang mata ko at kusang gumalaw ang labi ko. Napangiti siya at patuloy pa din sa paghalik sa akin.

Mga ilang minuto din at halos mawalan na ako ng hininga ng huminto siya at pinagdikit ang mga noo namin.

"Wala ng bawian." Sabi niya.

"Huh?" Sabi ko naman na nagtataka pa din.

Natawa naman siya."I like you, Jera." Napatingin naman ako sa kanya.

"I know." Sabi ko ng nakatingin sa mga mata niya. Nagulat naman siya.

"Alam mo?" Tanong niya.

"Oo? Kasi sinong tao ang mag aaksaya ng oras makasama ako kung hindi niya ako gusto?" sagot ko na parang wala lang.

Natawa naman siya sabay gulo ng buhok ko. "Damn. You really are smart aren't you?"

"Thank you." Sagot ko ng kalma lang pero sobrang kabog ng dibdib ko sa mga nangyayari.

Natawa siya ulit ng mahina at kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod nun. "Let's go."

"Okay." Sagot ko at tumingin sa labas para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko.

"So.... Do you like me too, Jera?"

"Yes." Walang pag aalinlangan ko na sagot. Napatingin naman siya sa direction ko.

"Hindi din ako mag aaksaya ng oras kung hindi kita gusto duh."

Napangiti naman siya sa sinabi ko. "It's a mutual then."

"Yes. It is." Sabi ko habang nakangiti na nakatingin sa labas.

After ng kaganapan na yun mas naging sweet si Timmy at naging mas makulit after ng confession niya.

And I think this is the start..... of really moving forward.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TachycardiaWhere stories live. Discover now