11

7 0 0
                                    

Jethro

Okay, Jet. Magpaliwanag ka.

Gusto kong ipaliwanag mo ang lahat. Kung bakit ka umalis, kung ano ang nangyari?

Si Mommy kasi, gusto niyang lumipat kami noon. Biglaan ko lang din nalaman.

Gusto kitang makausap pero alam kong masasaktan ka. Ayaw kong makitang umiiyak ka kaya naisip ko na sa chat ako magpapaliwanag. Naduwag ako kaya hindi na ako nag-reach out.

Noong umalis kami, iyak din ako nang iyak noon dahil alam kong wala na sa akin ang babaeng pinakamamahal ko.

Aster, alam kong sobrang lame ng mga rason ko.

Sa tatlong taon, inipon ko ang lakas ng loob para makabalik sa 'yo.

Jet, nababasa mo ba 'yang mga sinasabi mo?

Alam mo ba kung ano ang nangyari sa akin, ha?

Jet, naghiwalay si Mama at Papa, alam mo 'yon.

Sobrang durog na durog ako at pinili mo pang iwan ako.

Okay lang sana kung nagpaalam ka man lang. At least alam ko na hindi na ako aasang babalik ka.

Hindi, eh. Ang tagal kong kinuwestiyon ang sarili ko dahil sa 'yo.

Jet, ilang beses kong sinubukang kunin ang buhay ko. Alam mo kung ano ang narinig ko?

Na ma-drama ako. Jet, hinahanap ko 'yong comfort mo, pero mas nilugmok mo lang ako sa kalungkutan!

Tumigil ako sa pag-aaral. Nandito ako ngayon sa San Lorenzo. Alam mo kung bakit?

Dahil si lola lang ang nagparamdam sa akin na mahal niya ako.

San Lorenzo? Pupuntahan kita.

I will make it up to you. Gusto kitang makita, Aster.

Kahit hindi mo na ako balikan, gusto lang kitang makita.

ghosted//epistolary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon