CHAPTER 4

30 22 0
                                    

Agad kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ang damit niya na natapunan ko sa kape. 

"I'm sorry, hindi ko sinasadya na matapunan ka ng ka-" naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang mukha ng nakabangga ko.

"Ms. Secretary." nakangisi niyang banggit sa pangalan ko.

Hindi ako nagsalita at pinagmasdan ko lang mukha niyang pangit pa sa lahat ng pangit. Parang biglang tumaas ang dugo ko nang makita ko siya. All of the student here pero siya pa talaga ang naka bangga ko.

"Hey, masyado ka atang namangha sa gwapo kong mukha at hindi ka nakapagsalita." nakangiti niyang sabi. 

"Dream on! masyado na talagang makapal 'yang mukha mo." inis kong sigaw sakanya. 

"Oh bakit ka galit? ako dapat magalit kasi natapunan mo ako ng kape." kita kong medyo naasar siya. 

"Bagay lang yan sayo, kulang pa nga yan eh." i said while eyeing him straightly. 

"What!?" kunot noo niyang sabi. 

"Baka nakalimutan mo ang ginawa mo sakin kahapon, MR. GAVIN RYKER FENWICK." sinadya ko talagang diinan ang pangalan niya para madama niya naman ang inis ko. 

"Sweet, you want full name basis, MS. AXL PAIGE VELASQUEZ?" he said while grinning. "And what about yesterday? you mean yun bang nangyari sa offi-" agad kong pinutol ang sasabihin niya at pinandilatan siya ng mata.

"Shut the fuck up!" inis na bulyaw ko sakanya.

Nakita kong pag ngisi niya na parang nag eenjoy siya sa pang aasar sakin habang ako parang sasabog na inis sa manyak na lalaki na to. Buti nalang maaga pa kaya wala pang masyadong studyante. 

"Gusto mo ituloy natin." he said and bite his lower lip. 

'Damn he look hot, oh crap! pull yourself together, Axl!'

"Really?" pagkasabi ko non ay agad kong tinapon sa pagmumukha niya ang natira kong kape.

"What the fuck!" gulat niyang sabi at bahagya pa siyang napapikit. 

"Serves you right! you should be thankful kasi hindi na masyadong ma init yan, sa susunod hindi lang kape ibubuhos ko sayo pati na din holy water para ma bawasan kasamaan ng ugali mo." sigaw ko at lalakad na sana ng may maalala ako. 

"Oh ito na yung damit mong pinalabhan mo sakin, Mr. President." sabi ko at tinapon sa mukha niya ang paper bag na naglalaman ng damit niya. 

Tumalikod na ako at naglakad papuntang classroom namin.  I left him dumbfounded sa groundn he's really getting into my nerves. Nakasalubong ang kilay ko habang naglalakad sa hallway kahit hindi ko na nakikita ang mukha ng Gavin na yun naiinis parin ako sa kanya.

'Sayang tuloy ang kape ko' 

Bad trip akong pumasok sa classroom namin at nakita ko naman sila Mandy at Jehanne na nagbabangayan sa upuan nila.

"Morning, Axl." nakangiting bati ni Mandy. 

"Bestie!! Goodmorningggg!!" masiglang batibni Jehanne at tumayo pa siya para makipag beso. 

Hindi ko sila pinansin at dumeretso ako sa upuan ko at inayos ang gamit ko. Ramdam kong nakatingin sila sakin habang nakakunot ang noo. 

"Tara na sa office, marami pa tayong gagawin." aya ko sakanila ng matapos ako mag ayos ng damit.

Naglakad na ako palabas sa classroom namin at sumunod naman sakin ang dalawa. Himala hindi sila nagbabangayan. 

"Uhh Axl?" rinig kong tawag ni Jehanne. 

THE SHADOWED PATH OF A STUDENT LEADERWhere stories live. Discover now