SHEENA'S POV
Nadito parin kami sa sala, ang sasaya mag usap nila Ate Loi, Ate Aiah, at Ate Stacey pansin ko din na maayos nadin si ate Stacey.
"Oh shee bakit nakatingin kalang samin? " tanong ni ate Aiah.
"Ah, ang sarap niyo po kasi pag masdan, pero tanong ko lang din, totoo ba yang mga ngiti niyo? " nag katinginan naman silang tatlo sa tanong ko.
"Lalo kana ate staks, I know it's been a year pero alam kong masakit padin sayo" ngumiti ito sakin at lumapit sa kinauupuan ko at tumabi.
"I am happy bebe, but still miss ko padin naman si jho never mawawala yun sakin, she's my special someone, pero kasi shee hindi naman puwedeng lagi ako nag kukulong sa kwarto ni Jho, kailangan ko din na makasama kayo para kahit papaano nalilibang ko ang sarili ko, yun ang gusto ni jho diba? Ang mas maging masaya tayo kesa makulong sa nakaraan na hindi na natin maibabalik pa, sa mga lumipas na taon masasagot narin ang misteryo sa kaisipan natin kung ano ba talagang ginawa kay Jho at kung anong dahilan ng daddy ko kung bakit niya yun ginawa, dahil sa trial ay umamin lang siya pero hindi niya sinabi ang rason niya para gawin yun kay Jho" pag papaliwanag nito.
"Shee hindi naman porket na nakikita mo kaming masaya ay maayos na kami, palagi parin kami nasasaktan sa tuwing na aalala namin ang mga ngyari noon" paliwanag din ni ate Aiah.
"Akala mo lang masaya pero ang totoo nyan shee ayaw lang namin mapakita sayo na mahina kami, dahil alam namin na samin kadin kumukuha ng lakas para sa mga pag subok na dumadaan sa buhay mo" ngiting sambit ni ate Loi.
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko, sa mga bawat salitang binitawan nila ay ako pala ang dahilan kung bakit din nila pinipiling maging malakas sa bawat pag subok na dumating samin, sobrang swerte ko sakanila dahil simula nung nawala si ate Jho sila naman ang umintindi sakin at nag babantay sakin. Pero hindi ko alam bakit parang ang layo ng loob sakin ni Gwen, dahil hindi naman siya ganoon sakin.
"Ang lalim niyan bebe ha, baka malunod ka" napabalik ako sa ulirat sa biro ni ate Staks na ikinatawa nila ate Loi.
"Ewan ko sayo ate Stacey" pag susungit ko dito, pero tinatawanan lang nila akong tatlo.
Napatingin ako sa taong pababa ng hagdan, si Gwen, sobrang bagay sakanya ng suot niya "poganda " nakatingin lang ako habang bumababa ito, ang bilis din ng tibok ng puso ko.
"A anong ngyayari sakin? Bakit parang gustong kumawala ng puso ko" sambit ko saaking utak.
"Gwenny! Gusto ka daw ni Shee!!! " rinig kong sigaw ni ate Loi kaya napatingin ako dito.
Pati narin si ate Aiah at ate Stacey ay tumatawa, inirapan ko nalang sila, kasi hindi naman totoo. (Hindi ba talaga totoo)
"Gwen saan ka pupunta? " tanong ni Ate Aiah dito.
"I need to visit my mother" malamig na sabi nito.
"Mag iingat ka Gwen" sambit ni ate Loi dito kaya naman tumango si Gwen.
"Mag m motor ka? " tanong naman ni ate Stacey pero tango lang ang binigay na sagot ni Gwen dito.
"Mag dahan dahan ka sa daan ha baka naman maging siga ka sa daanan jusq Gwen " paalala ni ate Stacey dito.
"I'll never do that, I'm not a reckless driver" sambit ni Gwen dito tska lumabas ng bahay.
Sobrang iba yung pakikisama samin ni Gwen simula ng malaman niyang tatay ni ate Stacey ang may gawa non kay Jho, galit lang siguro siya dahil walang paliwanag ang tatay ni ate Stacey.
GWEN'S POV
Sasakay na sana ako ng motor ko ng biglang dumating sila Mikhs at Ate Colet.
"Oh saan ka pupunta bai? " tanong sakin ni ate Colet.
YOU ARE READING
Twisted Game S2 (Hambebe)
RomanceGwen as a nonchalant while Sheena was a Extrovert, they're in the same school, and section, Gwen looks like don't have interest to Sheena but In reality she had a huge crush on Sheena while Sheena is a straight girl.