CONDOM (One Shot)

1.6K 16 12
                                    

*Krriiiingggg*

Pota naman. Sino ba tong walang hiyang caller nato. Tulog ulit =.=

*Kriiiiinggg*

ZzzzzzzzZ...

*Kriiiiing*

Bahala ka diyan tutulog pako eh..

*Kriiiiing*

JUICE MOTHER NA TINAGALOG NAMAAAAAAN! Sino bang walang hiyang tatawag sakin ng ganto kaaga Fooooowta.

"Hello. Sino kabang gago kang tatawag sakin ng 9:00 ng umaga!!!!"

Halos mabasag na yung screen ng cellphone ko sa gigil dun sa caller. Walanjo ang aga dude, sana naman kahit 12:00 na sya tumawag diba? Hindi yung natutulog pako mang gigising na!

*Tooooot*

Pushang sinako nga naman!

Binabaan ako! Di ba nya alam na nasa kalagitnaan na ako ng magandang panaginip ko. Maghuhubad na yung babae sa harap ko!!! Sayang yun gago.

Tinignan ko yung call history kasi di ko naman tinignan kanina kung sino bayung tumawag.

"Shit. Shit. Shit." Aba sino bang hindi mapapamura? Yung girlfriend ko pala yung tumatawag, tsk bobo mo talaga Paolo. Tsk

Dinial ko yung number ni Yesha, patay ako neto. Kung ano ano pa naman yung sinabe ko kanina, kasi naman eh natutulog pa ako eh ( __ __)

"Goodmorning baby, ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Mas lalo mong pinapaganda yung morning baby.." puri ko sa kanya nung sinagot nya yung phone

[Baby your face!] Patay na -.-"

"Baby naman, sorry na.. You know di ko naman sinasadya, alam mo naman,, kelangan matulog ng mahaba ng mahal mo para manatali yung gwapong muka ng boyfriend mo.." oy pogi talaga ako.

[E bat moko sinigawan kanina?] syempre natutulog ako at istorbo ka -.-

"Di ko naman sinasadya mahal. Sorry na cutipie di ko na uulitin babe, nagulat lang talaga ako wifey"

[Talaga di mo na uulitin?] Sus papalambing kalang pala eh, dami pa arte.

"Oo asawa ko, promise. Iloveyou candy ko!"

[I love you too.]

"Bat ka nga pala napatawag bah?"

[Punta ka dito sa bahay mamaya.]

Huh? di naman kami legal eh. Sabi nya strict ang parents nya. 6 months na kami ni Yesha. Kahit ganto ako mahal koyan no, kaya nga kami tumagal eh. Gwapo ko kasi eh. HAHAHA

"Eh, bakit?"

[Gusto ka makilala ng parents ko]

"Ah really?"

[Yes, and one more thing baby.]

"What's that baby?"

[Ibibigay ko na sayo ang matagal mo nang hinihiling.]

Huwaaaat? *Q*

"Talaga???" Di makapaniwalang tanong ko.

[Yes baby, i'll trust you naman eh.]

"Salamat baby kong mahal. I really really love youuu."

[Mamayang gabi ah? See you,iloveyou.] And then she hanged up.

Natulog ulit ako na may ngiti sa aking labi. Nuxx kanina nagising ako na parang binangungot ngayon naman halos luwa na yung gilagid ko.sa sobrang tuwa xD

Nagising ako ng 1:00 at nag ayos ng sarili. Umalis muna ako para bumili ng armas sa botika.

"Manong pabili nga po ng condom." Masayang sabi ko sa tindero. Oyess, yun nga yung ibibigay sakin ni Yesha. Lalaking nagbibinata lang ako kaya wag nyoko sumbatan.HAHAHA Kung may angal man dito sa storya na ito, dapat di nyo na binasa dahil title palang dapat aware na kayo sa babasahin nyo!

"Aba mukang masayang masaya ka iho ah." Bati sakin nung manong na nagtitinda.

"Hahaha opo, firstime eh"

"Oh anong brand ba at ilan?"

"Yung pinakamatibay po, lima napo para sigurado. Mukang makakarami po ako ngayon eh, susulitin ko na po."

"Goodluck iho, galingan mo!"

Binigyan ako nung manong sa botika at agad akong bumalik sa bahay para makapaghanda. Kailangan gwapong gwapo ako mamaya para mas mainlab sakin si Yesha para enjoy ang first night namin. WAHAHAHAHA Papaligayahin ko sya mamaya d(^u^)b

Yesha's POV

Andito na si Paolo. Grabe ang gwapo gwapo nya ngayon. Kaya mahal na mahal koto ehh. Andito na kami sa dining table para mag dinner pansin ko lang kanina pa tahimik si Paolo.

"Let's Pray" sabi ni mama. Nagdasal muna kami bago kumaen.. 30 minutes na ang nakalipas pero nakayuko parin si Paolo, eh halos matapos na kaming lahat sa pagkain. Lumapit ako sa kanya at binulungan.

"Baby, di mo sinabe religious ka pala." bulong ko

"Baby, di mo rin sinabe na nagtitinda pala sa botika ang tatay mo."

Author's Note:

Wahaha wala trip lang to e xD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CONDOM (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon