"Sa Likod Mo"

40 2 0
                                    

Naglalakad lang ako dito sa hallway papuntang room. Hilig talaga mang-iwan ni Mithi, dapat sabay kami! Lintek talaga. Ako nga pala si Marcus Torres.

"Haish, kanina pa ako sumusunod ah? Ayaw kasing lilingon sa likod." Yung boses na yun. Isang babae lang ang nagmamay-ari nun.
"Mithi." I pulled her into a hug. Sandali lang pero namiss ko na agad ang matamis nyang amoy. Narinig ko ang maliit nyang pagtawa.

"Miss mo 'ko agad? Paano pa pala sa araw ng flight ko?" Pinaalala nanaman nya ang flight nya, aalis na kasi sya papuntang London para dun mag-aral sa college.

Sya lang ang babaeng naging kaibigan ko at lihim kong minamahal. Oo, since we met each other. Ipinag-paalam ko pa nga dati sa mommy nyang liligawan ko sya paglaki namin. I'm surely going to miss her.

"Wag na kasing ipaalala. Tara nalang, mahuli syang manlilibre sa recess." Mamimiss ko ang palagi kong kakulitan.

Recess na at sabay kaming bumili ng meryenda. Libre ko sya kahit sya ang nahuli kanina. Kung hindi ko sya tinakot na, "hahalikan kita 'pag nangulit ka pa ng isang beses." Awtomatiko akong napangiti sa hangin dahil sa naalala ko,

"Huy Marcus. Aba, para kang baliw, bayaran mo na kaya tong pagkain natin?" Reality always slaps me with such a beautiful hand, a beautiful face. Mithi's face.
"Opo madam." Sarkastiko kong sabi sa kanya, inirapan nya lang ako. Mamimiss ko ang babaeng 'to kahit ang taray taray nya.

Uwian na at sabay nanaman kami ni Mithi, dumadaldal lang sya. Naka-ngiti lang ako sa kanya, mamimiss ko yung mukha nya at ang pagiging super hyper nya. Haish.

Inihatid ko sya sa kanila, niyakap ko pa nga sya kasi...

Bukas na, bukas aalis na sya. Bukas kasi iiwan nya ako, for her future kaya ok lang.

K I N A B U K A S A N...

Hindi ko alam kung sasama ba ako sa pagahtid sa kanya o hindi. Tangna masakit. Masakit makita yung mahal mo aalis.
May ginawa akong letter para sa kanya, balak kong ngayon na ibigay.

A I R P O R T..

Mamaya ay aalis na sya. Sya lang naman kasi ang mga parents nya nandun na rin sa abroad.

"Huy Marcus!! Ingat ka dito, papakilala mo sa 'kin yung gf mo in the future ha? Tignan ko kung maganda at mabait, pero sana cruel para magdusa ka, haha." Alam kong pinipilit nya lang maging masaya sa harap ko. Kilalang kilala ko na sya dahil 15 years na kaming magkakilala.
"Oo, pero pagdating mo nalang. You'll meet her." Sabi ko at ibinigay na sa kanya yung sulat. Kumunot lang noo nya at kinuha yun.

"Anung pakulo 'to?" Bubuksan nya na sana kaso pinigilan ko sya.
"Gusto ko sana basahin mo yan 'pag gumraduate ka na. Promise you'll wait?" She smiled at me, ayan nanaman po yung puso ko. Cheesy ko talaga, tangna.

"Promise." And she left. Umuwi na ako sa bahay. Wala na sya. Wala na yung masayahin at makulit kong mahal.

5 years later, london england...

Mithi's POV

OH YEAH!!! Graduate na ako!!! Pero may bigla akong naalala.

Yung sulat.

I opened it, umpisa palang ata iiyak na ako eh. Haha.

Hi Mitmit,

Pano ko ba to sisimulan? Ahm, happy graduation day. Sana masayang masaya ka. Babalik ka pa diba? Siguraduhin mo lang at susundan kita para halikan ka. Joke. Pero eto na, diba palagi kitang inaasar na hahalikan? Matagal ko ng gusto kang halkan, itanan pa kita eh. Oh peace lang! Pero ano... Matagal na akong may tinatago sayo, remember when I told you I have a girlfriend? Ikaw yun. Lakas mamgarap eh no? Pero... Kasi ano... Mahal kita. Mahal na mahal. Hinayaan kitang umalis kasi alam kong pangarap mong makapag aral dyan sa london, ayoko kasing maging... Yung parang hadlang sa pangarap mo. Masaya ka lang ay masaya na rin ako. Remember to smile ok? Uwi ka na ha? I miss you my mithi, I miss mg mithiella. I will always and forever love you. Kahit may boypren kana. Mahal pa rin kita. Sasapakin ko yung boypren mo pag pinagbuhatan ka nya ng kamay. Mahal kita Mithiella Liit Guzman.
Marcus.

Sabi na paiiyakin nya ako eh, akala ko one sided lang kami. Akala ko ako lang yung nagmamahal sa kanya. Sya rin pala, natakot lang talaga kami.

Sinabi ko kay mom na kung pwede paagahin ang flight ko para maabutan ko sya. I miss him, we always keep in touch pero kulang yun. Gusto ko syang mayakap.

Marcus' POV

Nagsisipa sipa lang ako ng mga bato dito sa park. 5 years na rin. Graduate na ako sa Chem. Engg. Kaso wala yung hinihintay ko. Babalik pa ba sya? Past years naging malungkutin ako, pansin yun nilang lahat.

"Jusko!! Ayaw lumingon sa likod!!" Y-yung boses na yun...
"Mithi..." Lumingon ako at tama nga, sya nga. I hugged her, super tight.

"Oa mo Torres. Happy graduation, love you." Ano daw?!

"M-ma-ma---" she cut me off by crashing her lips into mine. Ang tagal ko tong inantay!! Lord thank you!!

"Mahal kita. Kahit bugok ka. Kahit ang tangkad mo at ang hirap mong abutin. Mahal kita Toress." Hindi na 'to panaginip, this is true.

"I love you so much, mrs. Torres." She smiled and we kissed once more.

Best graduation gift ever!

T H E E N D

Thank you so much for reading!! I hope you enjoyed my super cheesy one shot!! Love you all.

Sa Likod Mo (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon