Yes Young Master!

4.1K 47 13
                                    

[a/n: I need your feedbacks!!!! Salamat <3 dedicated kay honeybuns! Mwa mwa! :*

Just wanna thank my friend who made a comic version of this! :D]

PROLOGUE:

Zara's POV:

"Zara, bigyan mo nga ako ng name ng stars."-- sabi sa akin ni Jolina, bestfriend ko.

"Uhm...Sirius, Canopus, Alpha Centauri, Pollux, Vega, Capell--" -- sagot ko naman pero hindi niya na ako pinatapos.

"HINDI HINDI!!! Hindi ganyan! Hindi stars na nakikita mo sa langit! I mean stars! Yung mga artista!"-- paliwanag niya with hand gestures.

"AHH!!! Sige, si Tito, Vic and Joey. Si Fernando Poe, jr. Isama mo na rin si Pilita Corales."-- sagot ko naman sabay sip sa zagu ko.

"'Yun lang? 'Yun lang ang kilala mo?"-- halata sa mukha niya na disppointed siya sa sagot ko.

"Uhm... si Vilma Santos! Si... Sharon Cuneta... pero yung mga artistang sumikat ngayon ngayon lang, hindi ko na kilala. Hindi naman kasi ako nagbubukas na ng TV eh!"-- I seriously answered. I mean it. Nagtitipid kasi ako sa kuryente since ako lang ang nagbabayad at nagtutustos sa sarili ko.

"WHAT??? Ibig sabihin... hindi mo kilala si Kevin Lim???"-- halos pabulong na lang niyang sabi.

Napataas ang kilay ko,"Kevin Lim?"

---

Kevin's POV:

"Nice shot, Kevin... Now pose... yeah! Like that! Put your hands on your pocket! Nice shot! Now seduce them by your eyes... yeah... nice pose!"-- tuloy tuloy lang sa pagkuha sa akin ng picture 'yung photographer ko. Tuloy tuloy lang sa pagflash ang camera. After a minute, natapos na ang nakakapagod na photoshoot ko.

Pagkalabas ko sa room kung saan ako nagphotoshoot, nagkagulo na sa labas. Daang-daang press at iba pang media staffs ang nagkakagulo makalapit lang sa akin. Makausap lang ang biggest star na si Kevin Lim... na walang iba kung hindi ako. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa pinakasikat na singer at aktor na kagaya ko? Sa history ng showbiz, ako ang pinaka naging successful. Isa akong unbeatable star.

Sa tulong ng mga body guard ko, nakalabas ako ng walang galos sa building na yun, at pagkalabas ko ng building, isang kalbaryo na naman ang dadaanan ko... ang mga obsessed fan ko na 24/7 akong sinusundan.

"KEVIIIIIIIN!!!!!!!!!!!!"-- sigaw nila.

"OHMY GOSH KEV!!!!!!!!!! MARRY ME!!!!!!!!!!!"-- sigaw pa nung isa.

Kahit naiirita na ako sa kanila, pinilit ko pa ring ngumiti. Pag artista ka, you live to IMPRESS, not EXPRESS.

---

Ano nga bang mangyayari kung pagsasamahin sa iisang bahay ang isang babaeng normal...

At isang lalaking abnor-- I mean, sikat???

"I-IKAW?!?! IKAW ANG PERSONAL MAID KO?!?!"

"I-IKAW?!? IKAW ANG BABANTAYAN KO?!? Ehem!!! At oo tama ka! Ako nga ang personal maid mo! Zara Anne Ignacio, the one and only!!!"

Puro bangayan na nga lang ba???

"Hoy Zara, pakikamot nga ng paa ko, bilis!"

"HOY! IKAW BAKULAW KA!!!! HINDI MO BA KAYA?!?! GANYAN NAMAN KAYONG MGA ARTISTA EHH! MGA TAMAD!!! ANG ALAM NIYO LANG GAWIN EHH UMIYAK SA TV!!!!"

"Kakamutin mo ba o kakamutin mo?"

"H-I-N-D-I! HINDI! ANG KAPAL MO! KITA MONG NAGWAWALIS AKO DITO?!?! OH GUSTO MONG KAMUTIN KO?! OH ETO SAYO!!! UGH!"

"Aray!-- A-aray! Aray teka wag mo kong hampasin ng walis!!! HOY! A-aray!!! Tama na aray! OY!!!"

O baka naman...

May mamuong pagtitinginan???

"Iba ang touch sa reach, Kev."

"Huh? Anong pinagkaiba nun???"

"Parang tayo... nahahawakan kita pero hindi kita maabot... kasi malayo ka."

Sa modernong panahon ng media... kung simpleng babae ka... maabot mo kaya siya???

"Iba't ibang star ang meron sa showbiz, Kevin."

"Example nga!!!"

"Mega star, Diamond star, Pop star, meron ding young star."

"Ehh ano ako dun sa mga star???"

"Ikaw... ikaw yung farthest star. Mahirap ka kasing abutin ng lahat."

Soon...

"YES YOUNG MASTER!"

written by: iamANGEEEL

Yes Young Master! [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon