1st command: Knowing Kevin

1.1K 30 9
                                    

1st command: Knowing Kevin

Zara's POV:

"Y-You mean... hindi mo kilala si Kevin Lim? Ang gwapong gwapong si Kevin hindi mo kilala?!" -- hindi makapaniwalang paninigurado ni Jolina.

"Ang kulit mo! Hindi nga!!! Sino ba 'yun?"-- inosente kong tanong.

"Oh... my... God!"-- exaggerated na sigaw niya.

"Ewan sayo! Ang ayos ayos ng tanong ko kung sino ba yun tapos 'oh my God' ang sagot mo saken?! Makalayas na nga dito!"-- isinakbit ko sa likod ko yung bagpack ko at naglakad papalayo sa table kung saan nakaupo pa rin si Jolina.

"Oy teka Zara! Tapos na ba klase mo? Baka magcucutting ka lang hah!"-- sigaw sa akin ni Jolina.

"Oo tapos na! Gaga! Sa hirap kong to may balak pa akong magcutting?! Sayang ang perang pinaghirapan ko kung babagsak lang ako!"-- sigaw ko pabalik tapos tumalikod na ako sa kanya while waving my hand as a sign of goodbye.

Nang makarating ako sa parking lot ng university namin, sumakay na agad ako sa bike ko.

"Hi bikey! Missed me?"-- yep. Kinakausap ko ang bike ko. Mahal na mahal ko tong bike ko since eto na lang yung ala-ala sakin ng parents ko. Last gift nila sa akin bago sila mamatay nang dahil sa pesteng aksidente.

Nagbike na ako papalabas ng University. Ang sarap ng simoy ng hangin. Hmm... ang bango. Mwahahaha.

Tuluy-tuloy lang ako sa pagbabike nang may nakita akong babaeng nagkukumpulan. Nacaught naman nun yung attention ko. Puro kasi nakacostume yung mga babae ng angel. Napakusot ako ng mata ko. Sinusundo na ba ako ni Lord at nakakakita na ako ng anghel?!?

Kinurap kurap ko pa yung mga mata ko to make sure na hindi yun imagination. At hindi nga ako nagkakamali, hindi nga siya imagination.

May mga banners pa silang hawak. May nakalagay na "Kevin's Angels" meron pang "We ♡ u Kev!" At marami pang iba. Err? Lahat sila, nakaputi... napatingin tuloy ako sa damit ko. And hooray! Naka-white din ako =__= color of the day ata 'to?

Nalagpasan ko na sila since nagbabike nga ako. Nakahinga ako ng malalim nang malagpasan ko sila. Phew. Hindi pa pala ako sinusundo ni Lo--

*BEEP*

"AY SINUSUNDO NI LORD!!!!"-- bigla akong sumemplang dahil may nakabundol sa likod ng bike ko. Hindi masyadong malakas yung impact pero ang sakit ng likod ko. Ugh. Bwiset!

Mula sa pagkakadapa eh tumayo ako... at halos madurog ang puso ko nang makita kong nabali yung lalagyanan ng gulong sa hulihan nung bike ko. Parang napunta lahat ng dugo ko sa ulo ko. Kulang nalang magsuper science ako dito sa sobrang inis ko. Humanda ka! Humanda ka kung sino ka mang nakabundol sa likod ng bike ko!

Nakayuko akong humarap sa likod ko at bumungad sa akin ang kulay pulang sports car. Nanglilisik ang mga mata ko. Humanda ka talaga sa akin!

"HOY!!!! BUMABA KA DYAN!!!!"-- sigaw ko. Lahat ng tao nakatingin na sa akin. Hindi makapaniwala na kaya kong gumawa ng ganung kalakas na boses despite ng kaliitan ng katawan ko.

"Ano?! Ayaw mong bumaba diyan?!?! Humanda ka saken!!!!"-- hinubad ko yung sapatos ko na may konting heels.

"Ayaw mong bumaba dyan hah..."-- pagbabanta ko at saka ko pinukpok ng pinukpok yung unahan nung kotse. Nagkaroon na ng bakat at lumubog na yung mga part na pinukpok ko.

"Tama na!!!"-- naririnig kong iyak ng mga babae sa likod at gilid ko. Sila yung nga babaeng naka costume na anghel. Tama na?!?! Mukha nila! Sila kaya masiraan ng mahalagang bagay?!?! Mga bwiset.

Yes Young Master! [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon