Ang Simula

359 20 0
                                    


Limang taong gulang ako nang lumipat ang pamilya namin sa Davao del Norte mula sa Ilo-ilo. Hindi ko talaga alam kung ano ang totoong dahilan ng aming paglipat. Basta sinabi lamang ng aming mga magulang na uuwi kami sa kung saan lumaki si papa.

Lumaki kami sa isang stirktong pamamahay bilang si papa ay isang security guard kaya grabe ang ginawa niyang pag-desiplina sa amin. Hindi kami pinapalabas ng bahay at hinahayaang makipaglaro sa ibang bata.

Nang dumating kami sa isla ng Talikud taong 1998, hindi naging madali ang buhay namin na salungat noong kami ay nasa Ilo-ilo pa lamang. Mayaman kasi ang pamilya ni mama at ang pamilya naman ni papa, well, may mga lupain sila pero hindi kasing dami ng kila mama. Maliban doon ay iba din ang pamilya nila; laging nag-aaway at kung minsan ay naririnig ko rin silang sinisiraan si mama.

Mula noong dumating kami dito sa isla ay hindi na muling nagtrabaho pa si papa. Lagi lang niyang sinasabi sa amin na marami nang g-um-raduate na mas bata sa kanya na siyang mas pinapaburan ng mga kompanya kaya malabo na makukuha siya, hindi man lang niya kinunsidera ang naging experience niya ng ilang taong pagta-trabaho bilang security guard, tinanggap na lamang niya sa sarili na hanggang doon na lamang siya. Kaya walang nagawa si mama kundi ang magtrabaho bilang isang kasambahay. Pero huwag kayo, graduate si mama ng midwifery at lisensiyado rin siya, pero dahil nga hindi niya na-practice ang pinag-aralan niya ay nahirapan siya makahanap ng trabaho na angkop sa propesyon niya kaya napilitan na lamang siya na magtrabaho bilang yaya.

Gusto ni mama na humingi ng tulong sa mga kapatid niya sa Ilo-ilo pero binawalan siya ni papa dahil ayaw niyang malaman ng mga kapatid ni mama na mahirap na buhay ang binigay niya sa pinakamamahal na kapatid ng mga ito. SOBRANG LAKI NG PRIDE NI PAPA.

Walang nagawa si mama kundi ang magtrabaho sa Manila para buhayin kaming limang mga anak niya... at ang asawa niyang walang ibang ginawa kundi ang humingi nang humingi ng pera kahit wala pa ang schedule ng sahod.

Aaminin ko na; ayaw ko kay papa. Hindi ko gusto si papa at ang pamamaraan niya sa pagpapalaki sa amin. Ayaw niya kaming lumabas ng bahay at ayaw niya kaming makipaglaro sa ibang mga bata. Kapag sumuway kami ay labis na pananakit ang ginagawa niya sa amin; pinapalo niya kami ng dos por dos, sanga ng bayabas, at kung minsan pa ay wire ng kuryente. Hindi siya titigil hanggang sa hindi niya nakikitang namumula na ang aming mga balat dahil sa mga latay. Kung minsan nga ay sinusuntok niya kami at tinatadyakan kung walang pera na napapadala sa kanya si mama. At dahil sa kanyang ginagawa ay lumaki akong malayo ang loob sa kanya at hanggang ngayon ay may trauma pa rin ako sa mga pananakit na ginawa niya sa akin.

Eleven years old na ako noon, mag gi-grade six, nang lumipat na naman kami ng bahay dahil naging kaaway ni papa ang mga kapatid niya at ang kanyang mga magulang kung saan kami nakikitira. Medyo malayo sa dati naming bahay ang barangay na aming nilipatan, medyo bukid din pero mas gusto ko ang lugar na 'yon kesa doon sa bahay nila papa. Malibago ang tawag sa brgy (hindi totoong pangalan), dito ko nakilala si Pipo at ang mga lalaking nagbigay ng kakaibang leksyon sa aking pagkabata.

Dise-syete anyos noon si Pipo, mas matada siya sa akin ng anim na taon, hindi na siya nag-aral ng high school dahil mas gusto raw niya ang kumita ng pera, partner siya kasi ng tatay niyang isang carpentero at kung saan-saan lang sila pumupunta, basta ba'y may bahay na ipapagawa ay doon sila. Malaki ang kanilang pamilya, pito silang magkakapatid at siya ang pang-apat sa kanila. Ang mga sumunod sa kaniya ay mas bata sa akin ng isa hanggang dalawang taon. Malapit lang ang bahay nila sa amin, siguro ay mga 150 meters lang ang layo mula sa amin at kadikit lang ng bahay nila ang paaralan naming elementary at high school. Sa likod ng elementary school ay may mga nagtitinda ng sari-sari at ang mama ni Pipo ay isa sa mga may tindahan doon. Lagi silang may benta na hot cake, banana cue at iba pang mga snacks na hilig noon ng mga batang kaedad ko lang na kainin.

Pipo (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon