I remain still, waiting
In the sea of life, sailing
My love is deep, never ending
Simula
Kasabay ko ang malamig na ihip ng hangin sa aking paglalakbay patungo sa aking paroroonan. Lito pa rin ako kung itutuloy ko ba ang biyahe na ito o kung umuwi na lang upang makasama ko ang aking ina. Binabagtas ko ngayon ang national highway papuntang bus station dito sa amin dahil binabalak kong magpa-Maynila. Oo, papunta akong Manila, pabaon ang sampung -libong piso na siyang huling ipon ng mama ko.
"Divina, aba bayad-bayad din kung minsan. Mahigit tatlong buwan na kayong hindi nagbabayad ng upa aah. Hindi ko kayo pinapatira rito ng libre! Kapag hindi pa kayo nagbayad sa makalawa, sa kalsada na kayo pupulutin!" Sigaw ng landlady sa tinitirahan namin sabay alis. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kami nakababayad dahil sa baon kami sa utang.
"Anak, Lyss, mukang di ka muna makakapasok sa eskwelahan ngayon, pasensiya na kailangan ko pang magtabi para sa renta at bayarin para sa tubig at kuryente. Hayaan mo, mukang mapro-promote naman na ako sa trabaho." Pagpapalubag loob ng aking ina.
"Ma ayos lang, sabi ko naman kasi sa'yo na pwede naman akong tumigil muna. Kakaumpisa ko pa lang naman ng grade ten." Buti na lang at sa unang tatlong buwan pa lang ng grade ten ay nakapag-take ako ng exam. At wala rin akong absent, kaya ayos lang na tatlong araw na tuloy-tuloy akong wala sa eskwela.
"Kung alam ko lang nag ganito kalala si Gideon, noon ko pa sana siya iniwan at lumipat sa ibang bayan."
Ganon na lamang ang nasabi ng ina ko sa akin. Dahil tama siya, hindi lang ang landlady sa paupahan na ito ang naghahabol ng bayad sa amin kundi pati na rin ang iba pang pinagka utangan ng hindi ko mawari kung boyfriend ba siya ng mama ko o anak din katulad ko, dahil kung umasa sa pagbuhay sa sarili niya ay mas malala pa sa akin. Hindi ko nga alam kung ako ba ang tunay na anak o siya.
Unang nobyo ng ina ko ang tatay ko. Naalala ko pa na dumadalaw siya madalas amin noong bata pa lang ako. Ngunit untu-unti ay hindi na siya dumalaw dahil pamilyado na pala siya. Kaya hindi na nag-abala pa si mama dahil sabi niya simula noong bata pa ako na masamang manggulo ng pamilya. Hanggang sa maglaon ay nakahanap muli ng bagong nobyo ang aking ina.
Ngunit isang araw, may nagngangalit na ginang ang sumugod sa amin at pinagsisigawang kabit ang ina ko. Sa ngayon, hindi ko na tanda ang hitsura niya. Ganon na lang ang gulat ng mama ko na kasal na naman ang naging nobyo niya at kaniya itong isinekreto. Maging sa akin ay masama ang tingin ng ginang.
"Siya ba ang anak niyo ng asawa ko? Well, hindi ko na lang aalamin dahil kung titignan pa lang naman siya ay halos kasing-edad niya na ang pagsisikreto niyo ng asawa ko!" Sigaw ng babae.
Umiling ang aking ina ngunit dahil sa galit ng ginang ay hindi pumapasok ang mga salitang sinasabi ng aking ina sa kaniya. Kaya humingi siya ng paumanhin sa asawa ng nobyo niya at nangakong hindi na mangga-gambala pang muli. Gayunman ang naging karanasan ng aking ina, hindi naman siya nagkulang sa pagbibigay ng atensyon, pagmamahal at pangangailangan ko. Naroon siya kahit hindi naman importante ang meeting sa school, masaya siya kahit hindi umabot ng siyam ang unahan ng grado ko at nagluluto ng masasarap na pagkain kahit wala namang dapat igunita.
Naalala ko pa nga ng nagpunta kami ng Maynila, pumasok kami sa isang shop ng mall na puro laruan, Nakita ko ang isang makeup set na pambata na nagustuhan ko talaga pero dahil mulat ako sa kahirapan simula pa ng bata ako ay hindi ko iyon ipinagpilitang bilhin. Gayunpaman binili pa rin ito ng aking ina. Sa sobrang galak ko ay napa-iyak ko, dahil sa tuwa at pagka-konsensya, dahil kung itinabi na lang ng mama ko ang pera baka mas magamit pa ito sa mas importanteng bagay.
BINABASA MO ANG
The Anchor's Boat (Puerto Gallato Series II)
RomanceMarina Ulysses Ortiz is the unica hija of her family. Pinalaki ng isang magulang na kung magmahal ay higit pa sa pagmamahal na iyong madarama sa isang buong pamilya. Bata pa lamang si Lysse ay namulat na siya sa kung ano ang uri ng kaniyang estado s...