Marina Ulysses Ortiz is the unica hija of her family. Pinalaki ng isang magulang na kung magmahal ay higit pa sa pagmamahal na iyong madarama sa isang buong pamilya. Bata pa lamang si Lysse ay namulat na siya sa kung ano ang uri ng kaniyang estado sa buhay: mahirap. Gayunpaman, napalaki siya ng kaniyang ina ng mabuti. Ngunit dahil sa isang problema ay kinailangan niyang iwan ang kaniyang ina at pumunta sa kaniyang tiya sa Maynila. Dito ay nakilala niya si Louis Alonzo " Enzo" Caruso, kamag-anak di umano ng may-ari ng kumpanya. Sila ay naging malapit sa isa't-isa ngunit dahil sa isang kagimbal-gimbal na pangyayari ay nawala ang kanilang pinaka-iingatang relasyon. Gaya ng isang bangka sa gitna ng mabagyong dagat na nawawala sa ruta dahil wala ang angkla, mananatili pa rin kaya ang pag-ibig nila? Note: starting soon