A week had passed already, 7th Birthday na ni Ice at sa backyard namin ito pinagdiwang.
Nag datingan na ang mga bisita dahil malapit ng mag umpisa ang Program.
May catering service naman kaya hindi na kami ni Mama naging abala sa pag aayos ng mga pagkain.
Inaayos ko ang tie ni Ice nung biglang pumasok si Travis sa kwarto ni Totoy, may dala itong malaking regalo.
Natigilan ito nung makita ako, akmang lalabas na ulit ito pero ngumiti ako ng tipid dito kaya dumiretso na ito sa amin.
I cannot hide the fact that our family is very close and we'll see each other often habang nasa Pilipinas sya. Just because may galit ako sa kanya, it doesn't mean na kailangan nya lumayo sa pamilya ko.
"I'm glad you came Kuya Travis." Masayang sambit ng kapatid ko.
"Of course Kuya Travis will come, birthday kaya ng favorite kiddo ko." Nakangiting sambit nito. "Happy Birthday baby." Inabot nito ang regalo kay Ice na agad namang tinanggap ng kapatid ko, malawak ang ngiti nito.
Tinaasan ko ng isang kilay ang kapatid ko. "What will you say?" tanong ko sa dito.
Ngumiti ito kay Travis at yumakap sa binti nito. "Thank you Kuya Travis! You're the best."
Napatawa si Travis sa sinabi ng kapatid ko, binuhat nito si Ice at hinalikan ang pisngi nito. "Binobola mo na naman ako." Natatawang sambit nito.
Parang hinaplos ang puso ko sa natunghayan, nag iwas ako ng tingin nung mahuli ni Travis na nakatingin ako sa kanila.
Tumikhim ako at hindi na muling tumingin dito. "Mauna na ako sa baba." paalam ko sa mga ito at lumabas na ng kwarto.
Pag labas ko ng backyard ay naabutan ko si Stephen na kausap ni Johnray, they are casually talking. Mag kakilala sila dahil same university lang naman kaming tatlo.
Nilapitan ko ang mga ito. "Hey." pagbati ko sa mga ito, ngumiti sa akin si Stephen at nag beso sa akin.
"I'm sorry I'm late, I had to drive Ate to her appointment eh." Paghingi ng paumanhin nito.
"No, you're just in time. The program hasn't started." Nakangiting sagot ko dito.
"Bro!" Pag tawag ni Johnray, nung sundan ko ng tingin ang tinitingnan nito ay nakita ko si Travis na papalapit sa amin, buhat nito si Ice. "Kanina pa kita hinihintay, sabi ni Tita Eden ay nandito ka na daw, hinahanap kita, wala ka naman." Sunod-sunod na sambit ni Johnray.
"I went to Ice's room to personally greet him." Paliwanag ni Travis dito, bahagyang nakakunot ang noo nito. Normal naman na yun sa kanya kaya hindi na ako nagtaka.
Ngumiti si Stephen kay Travis at inilahad ang kamay. "Stephen nga pala pare." Pag papakilala nito kay Travis.
"I would shake your hand but I'm holding Ice." Seryosong sambit ni Travis, natawa si Stephen at binaba na nito ang kamay nya. "Travis." Tipid na pag papakilala nito kay Stephen.
Pumunta na kami ni Stephen sa table kung saan nandoon si Papa at Mama.
"Good Morning po Ma'am and Sir." Magalang na bati ni Stephen sa mga magulang ko. "I'm Stephen De Marco po."
Ngumiti dito si Mama. "Good Morning Hijo, buti at nakadating ka." Nakangiting sambit ni Mama. "Maupo kayong dalawa dito." dagdag pa ni Mama kaya naupo na kami.
Si Papa naman ay tumango lang kay Stephen.
Nung mag umpisa na ang program ay isa-isa ng tinawag ang mga kasali sa 7 balloons, 7 wishes at 7 roses.
BINABASA MO ANG
Star in the Darkness
RomanceKaia Ysabelle is a happy go lucky woman, she just goes with the flow. She's a free-spirited, but something will happen that will change her. Will she be able to go back to her old self?