CHAPTER 1

0 0 0
                                    

"Anak dalahan mo ng adobo ang mga Ninang Eden mo bago tayo kumain." Pag utos sa akin ni Mama na nag luluto ng tanghalian namin habang pinapanood ko ito.

"Opo Ma."

Pinatay na nito ang stove at nilagay na sa Tupperware ang Adobong Baboy.

Agad na nanubig ang bagang ko nung makita ang Adobo ni Mama na nag mamantika pa. "Ma hindi pa po ba tayo kakain?"

Agad itong napatawa nung lumingon ito sa akin at makita na takam na takam ako sa luto nya. "Hintayin na natin ang Papa mo at ang Kuya mo." Inilagay pa ni Mama sa paperbag ang tupperware na may Adobo bago ito iniabot sa akin. "Dalahin mo muna ito sa mga Ninang mo, pauwi na din naman ang Papa at Kuya mo."

"Susunduin ko na din po si Ice kung ganon." Pag tukoy ko sa bunsong kapatid ko.

Lumabas na ako ng gate namin para pumunta sa bahay nila Ninang Eden, best friend ito ni Mama mula sa Batangas simula nung bata pa sila.

Kagaya ni Mama, dito na din sa Maynila nakilala ni Ninang ang napangasawa nito na si Ninong Nathan.

Sa iisang Village lang kami nakatira at kapitbahay din namin ang mga kapatid ni Papa, kaya naman lumaki akong close sa mga pinsan ko sa side ni Papa.

Agad akong nakita ni Ice pag labas ko ng gate namin dahil nasa tapat lang ito at nag lalaro sa garahe nila Tata Ted, kasama ang pinsan namin na si Thor na kasing edad lang din ni Ice.

"Ateee" pag tawag sa akin ni Ice at Thor, kumaway pa ang mga ito sa akin.

Ngumiti ako sa mga ito. "Isaiah Romm tama na muna ang laro, kakain na tayo." Pag tawag ko kay Ice sa tunay nitong pangalan.

Agad naman itong nag paalam kay Thor bago tumakbo papalapit sa akin at yumakap sa nga binti ko na ikinatawa ko.

Akala nya siguro ay galit ako dahil tinawag ko sya sa buong pangalan nya.

"Samahan mo muna ako dalahin itong ulam sa bahay nila Ninang Eden." Pag aya ko dito.

Agad nitong inabot ang kamay ko at humawak doon bago kami nag umpisang mag lakad.

Nung makita na pawis na pawis ito ay tumigil muna ako sa pag lalakad at kinuha ang lampin nito na nasa likod nya at pinunasan ang ulo nito na basa ng pawis pati ang likod nito.

Nasa ganong tagpo kami ng makadinig ng bola na dini-dribble sa tapat ng bahay nila Ninang.

"Kaia!" Pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang pinsan ko na si Johnray  at ang anak ni Ninang na si Travis. Pawis na pawis ang mga ito na mukhang katatapos lang mag Basketball. "Saan ang punta nyo Kaia?" Tanong ni Johnray, naki pag high five pa ito kay Ice.

"Dadalahin ko lang yung ulam na pinapabigay ni Mama kay Ninang." Sagot ko dito at ibinalik na ang lampin sa likod ni Ice.

"Buddy!" Pagbati ni Travis kay Ice at nag fist bump pa ang dalawa.

Tumango naman sa akin si Travis. "Umalis sila Mommy." He nonchalantly said.

Iniabot ko sa kanya ang paperbag na agad nitong tinanggap, wala itong kangiti ngiti kaya napairap ako sa hangin. "Ikaw na bahala dyan at uuwi na kami." Nakasimangot na sambit ko na ikinatawa ni Johnray.

"Kailan ko kaya kayo makikita na mag kasama at walang bahid ng tensyon?" Natatawang tanong ni Johnray.

"Asa ka pa." Bahagya pa akong napairap sa hangin. "Uuwi na kami at kakain na." Pag papaalam ko kay Johnray.

"Sama ako, makikikain ako sa inyo." Ani ni Johnray at nag paalam na kay Travis.

Hindi ko na muling nilingon ito at tumalikod na habang hawak ko sa kamay ang kapatid ko. 

Star in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon