Mag-isa.
Walang karamay.
Walang kasama.
Walang kaibigan.
Malungkot.
Nakakatakot.
Out of place.
Forever alone.
Loner.
Ano ba pa? Naubusan na ako ng salita na pwedeng ihalintulad sa sarili ko.
Mag-isa, oo, lagi akong mag-isa. Wala akong kaibigan. 'Di ako agad agad nagtitiwala kung kainino. Mahirap na. Sa panahon ngayon wala ng nagtatagal. Lahat nawawala. Lahat umaalis.
Bakit ko pa sasayangin ang oras at atensyon ko sa mga tao kung sa alam ko naman sa sarili ko na aalis at iiwan din naman nila ako?
Dahil sa panahon ngayon, mahirap alamin kung sino ang totoo sa'yo o hindi. Kung sino ang nandiyan para sa'yo o hindi.
Samahan ka man nila't lahat lahat, mahalin mo na't lahat lahat, alagaan mo na't lahat lahat, gawin mo man yung paraan mo ng pagpapahalaga sa kanila, iiwan ka pa rin nila sa huli.
Para saan pa't iiwanan ka rin naman nila?
