3. Like We Used To

3 0 0
                                    

Sophie's POV

"Niccolo, bakit tayong dalawa lang ang lalabas ngayon? Nasaan na si Darius?" tanong ko Niccolo.

Saturday kasi ngayon at pag Saturday, Saturdate namin 'tong tatlo. Pero wala naman si Darius.

"Nagpaalam sya sa'kin kanina, hindi daw sya makakasama sa atin." Niccolo said.

"Why?"

"May date daw sila ngayon ni Jhazelle eh."

"Ang daya naman, Saturdate natin 'tong tatlo eh. Tsaka bakit sa'yo lang nag-paalam?" :3

"Wag ka na ngang mag-pout dyan, para kang bibe."

"Nang-aasar pa eh!"

"I'm just stating the obvious. Hay! Tara na nga lang sa mall, alam kong gustung-gusto mo ng mag-shopping."

"Oh my gosh! Ikaw nipu-push mo 'kong mag-shopping ngayon? Eh ikaw nga 'tong sobrang mainipin kapag nag-shoshopping ako. Si Darius lang ang hindi marunong mag-reklamo. Tapos ikaw."

"Isipin mo nga? May choice pa ba ako? Tayong dalawa lang magkasama ngayon. Hindi naman kita hahayaang magmukmok dyan kase wala si Darius. Kaya tara na!"

"You promise me muna na you will not reklamo kapag nagtagal tayo sa pag-shoshopping."

"I won't." pag-iling nya.

"Eh?"

"I'll try na hindi magreklamo."

"O'sya! Eh di you try. Let's go!"

Sumakay na kami sa kotse nya at nag-drive na si Niccolo papuntang mall.

"Paano nakilala ni Darius si Jhazelle?" I asked Niccolo.

"Bakit hindi mo i-try itanong yan kay Darius?" he said.

Hay naku! Kahit kelan talaga, walang kwentang kausap ang isang 'to.

"Tss!" - ako

"Ang alam ko, cheerleader yang si Jhazelle. Bilang varsity kami ng football ng university, nakakasama namin ang mga cheerleaders kapag may mga game kami. Siguro yun yung naging way para maging close sila." - Niccolo

"Pero ngayon mo lang nakilala si Jhazelle personally?"

"Kilala mo ako, di ko pinapansin ang ibang tao."

"So, it means hindi mo nga sya kilala noon personally. Ngayon lang."

He just smiled as a response.

Nang makarating kami sa mall, hinila ko agad si Niccolo sa isang store ng mga damit. And I saw his face, nakakunot agad.

"Niccolo, ano mas maganda? Ito o ito?" pakita ko sa kanya ng mga dress na kinuha ko.

"Bilhin mo na lang pareho." matamlay nyang pagkakasabi.

"Tss!"

Nita-try nya ngang wag magreklamo, halata naman sa mukha nya na hindi talaga sya interesado sa ginagawa ko. Lalaki kasi eh!

Pagkatapos naming lumabas-pasok sa iba't-ibang store kumain na kami ni Niccolo sa palagi naming kinakainan. Mcdo!

"Sabi ko na eh. Ako lang ang magbibitbit ng mga pinami--" bago ko pa sya patapusin sa pagrereklamo nya sinubuan ko na sya ng fries.

"Masarap?"

"Ano bang gi-- *subo*"

"Gusto mo pa?"

"Sophie, an-- *subo*"

"Okay lang yan. Kahit gaano pa kadami kainin mo. BFF fries naman 'to."

"Nama-- *subo*"

Never Too Late (Ongoing Story)Where stories live. Discover now