Chapter 1- Sleepy Head

37 0 0
                                    

“Ineng, saan ba ang baba mo?”

Dahil sa umapik ko nang may tumapik sa balikat ko, muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko sa likod ng driver’s seat.

Nagtinginan naman sa akin yung ibang mga sakay jeep.

Nakaidlip pala ako.

Patay na.

Tumingin ako sa relo, 7:43 AM. Patay na talaga. Umalis na nga ako ng maaga sa bahay para hindi ako malate sa unang araw ko sa klase. TSK.

“Sa Star Academy po. Nasaan na po ba tayo?” tinanong ko si manong driver habang patingin-tingin ako sa paligid.

“Naku, lampas ka na. Napansin ko lang kasi na kanina pa kitang sakay, yun pala nakatulog ka dyan. Pabalik na ang ruta ko, maya-maya  madadaanan na ulit yung school mo."

“Ah sige po.”  Sabi ko habang nakatingin pa rin sa dinadaanan ng jeep.

“Iniwan ka ba nung kasama mo kanina?” tanong ni manong driver. Hindi naprocess ng utak ko yung tanong niya.

“Po? Wala naman po akong kasama.”

“Hindi mo ba boypren yung sinasandalan mo kanina habang natutulog ka? Parang niyayakap mo na nga yun eh. Akala ko kasama mo yun.”

Baka tulo-laway ako kanina! Nakakahiya! Boyfriend ang sabi ni Manong, malamang lalaki yun. -Nakakahiya talaga. Epic fail ako lagi.

“Wala po talaga akong kasama. Napasarap lang po siguro ako sa tulog. Hehe.”

________________________________________________

Tumakbo na agad ako pagkababang-pagkababa ko pa lang ng jeep. Muntik pa akong masagasaan.

Tumingin ulit ako sa relo ko, 7:58 na. Kailangan ko pang bilisan ang pagtakbo. Bahala na si batman.

Nakarating ako sa lobby ng school. Dali-dali akong nagtanong sa lady guard kung saan ang room 301.

At kung minamalas-malas nga naman, sa third floor pa ang classroom ko.

Inabot na ako ng siyam-siyam sa pag-akyat. Sobrang init na ng pakiramdam ko at pawis na pawis na talaga ako.

“Hmm. Room 301! Sa wakas, nakarating na din.”  Madalas kong kausapin ang sarili ko. Minsan nga akala ng tita ko, siya ang kinakausap ko. Baka akalain ng iba na may sira na ako. Haha.

Sumandal muna ako sa pader para magpahinga ng sandali at para magpunas na rin ng pawis. Ayokong haggard ang maging first impression sa akin ng mga kaklase ko. Transferee pa man din ako.

“So class, these are the parts of a triangle.” Habang  nakasandal ako, narinig kong nagsasalita yung teacher yata sa loob. Math pala ang subject nila ngayon. Sana hindi mahirap ang geometry. Ang balita ko mahihirap ang subjects ng third year eh. World History, Chemistry, Geometry. Good luck to me!

Nang makapagpahinga na ako, pumunta na ako sa front door para kumatok. Huminga muna ako ng malalim.

*knock* *knock*

Kinailangan ko pang kumatok ng ilang beses pa para marinig ng nasa loob yung katok ko. Sinalubong ako ng nasa 20’s na teacher. Mukha naman siyang mabait. Sana.

“Good morning po.” bati ko dun sa teacher na hindi ko pa alam kung anong pangalan.

“Good morning din. What can I do for you?” Hindi niya siguro alam na estudyante ako dito. Malamang, bago pa lang ako dito eh. Hindi pa rin ako nakauniform, pinapatahi pa eh.

“Ah miss, ako po yung transferee, Shania Dominique Mendoza po. Dito daw po yung classroom ko, room 301 po?" Sagot ko na parang nag-aalangan pa.

“Ikaw pala yun. Come in.  Ipapakilala kita sa mg bago mong mga kaklase.”

Unang tapak ko sa loob ng classroom. Habang kausap ko kanina si Miss, maiingay pa yung mga estudyante. Ngayon, biglang tumahimik. Nakatingin lang sa akin na parang nagtataka yung mga estudyante, mga kaklase ko na pala.

Bigla naman akong nahiya. Ganito pala ang feeling na maging transferee. Dapat pala nagbaon ako ng maraming lakas ng loob.

“Class, I want you to meet your new classmate. She’ll introduce herself.” Sabi nung teacher at saka nagpahiwatig na turn ko na para magsalita.

“H-hello, I’m Shania Dominique Mendoza, 14 years old, from Dream Institute. I hope we’ll be friends.” Dahil sa hiya ko, maikli lang ang nasabi ko. Kung pwede lang na hindi magpakilala eh.

“Nice meeting you. Anong gusto mong itawag namin sa’yo?” Tanong ni Miss na hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala.

“Shania na lang po.” Nakakakaba naman dito sa harapan. Iba-iba ang reaction ng mga kaklase ko eh. Pwede na bang umupo at maging invisible para hindi ako natutunaw sa titig ng mga tao dito?

“Okay, Shania, may vacant seat pa sa likod, dun ka muna for now. Mababago pa naman ang seating arrangement ninyong lahat.” Sabay turo sa upuan sa likuran, yung malapit sa bintana. Nice.

“Sige po.” Naglakad na ako papunta dun sa upuan pero pakiramdam ko tinitingnan pa rin nila ako. maging maayos ang school year na’to. Ayokong mabully.

___________________________________________________

to be continued. . .

Under the Same SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon