Shania Dominique Mendoza.
Yun pala ang pangalan niya.
Hindi ko akalain na makikita ko siya dito sa school, mukha kasi siyang grade school student. Hindi naman siya maliit. Sa tantsa ko, mga 5’2” ang height niya, pero baby face kasi siya. Mukha siyang mahiyain at inosente.
Mas mukha siyang inosente pag natutulog. Nakatabi ko siya sa jeep. Noong una, hindi ko siya napansin. Busy ako sa pakikinig ng music. Pero may bigla na lang sumandal sa balikat ko, sa kaliwang balikat. Pagtingin ko, siya pala yun, natutulog. Parang peaceful na peaceful siyang matulog. Tulog siya pero mukha siyang nagpapacute lang, ewan ko ba, baka nature niya lang yun. Mas nagulat ako nung halos yumayakap na siya sa akin. Akala siguro teddy bear ako.
Hinayaan ko na lang siya sa posisyon niya. Baka mas lalo lang kaming mapansin ng tao kapag inilayo ko yung sarili ko sa kanya. Ayoko pa namang maging center of attraction. I just let things happen. Ayoko nang magreact pa.
Nang tumigil na yung jeep sa harap ng school ko, bumababa na ako. Mukha namang walang nakapansin na iniwan ko yung babaeng halos nakayakap na sa akin. Buti naman.
Patapos na yung first subject naming nun, nang biglang may kumatok. Hindi ako interesado kaya hindi ko na lang pinansin na may kumatok. Nakatingin lang ako sa arm chair ko. Ang boring ng topic eh, parts of triangle.
Narinig ko na lang na bumukas yung pintuan. Sa isip ko, baka teacher o estudyante lang yun na may kailangan kay Ms. Rhea.
Nagulat na lang ako nung may nagpakilala sa klase namin, si Shania.
Wala pa akong nararamdaman nun.
Pero ngayon. . .
__________________________________________________________
to be continued. . .
BINABASA MO ANG
Under the Same Sky
Novela JuvenilLife is a system. There's nothing constant in this world but change. But have you ever wonder taking a risk for someone you never thought you'd fall inlove with?