Danielle
Shit first day na first day sa school late pa ako.
First day high ko to mga fret tapos ganito pa?
Di kasi tumunog iyong letseng alarm ko! Tang ina!
"Dan! Dan! Jusmiyo! GUMISING KA NA" sigaw saken ng magaling kong mama
Talak ng talak si mama saken.
Dumiretso na ako ng CR...
Naduduling pa nga ako dala ng antok at binuksan iyong shower.
"LAMIGGGGGGG!!!!!" Biglang nabuhay iyong katawan ko at tsaka kaluluwa.
Kinuha ko kaagad iyong towel ko tsaka naghilamos at nag toothbrush nalang. Paglabas ko ng CR
"Anak ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na matulog ka ng maaga para hindi ka malate. Sigaw ako ng sigaw hindi ka naman gumigising. Kaya matulog ka ng maaga. Para rin ito sa iyo anak sa kinabukasan mo"
Dafaq? Bwesit na nga ako dahil late ako talak ng talak pa si mama kesyo ganyan dahil ganyan? Jusmiyo late lang ako late lang, dak dak na ng dak dak.
Nagbihis na ako, hindi pa naman kailangan mag uniform kaya naka panggala ako ngayon. Sana may gwapo sa skul namin shet.
Kumain na ako ng agahan tapos dali dali ngang umalis sa bahay.
Sa skul
Sa coliseum kami lahat pinapapunta para na rin daw sa opening ng skul year. Diba? Pwede lang malate? Tapos shet talak ng talak c mama OA kasi ang peg nun next week pa naman iaano ang mga attendance namin.
"Dan!"
Paglingon ko bestfriend ko si Ces
"Oy!"
Di matapos tapos ang kwentuhan namin papuntang coli.
Chikahan about sa summer vacation namin. About sa mga kaklase namin dati.
Chikahan talaga at kwentuhan to the maximum level...
Pagdating namin ng Coli nagmimisa na ang pari, hindi parin kami natapos sa chikahan nandoon na rin ang mga friends ko sa elementary dito rin uli sila. So masaya! Naghahanap kami ng gwapo ni Ces pero pipitsugin naman ang mukha nila. Mayroong GGSS na mala Justin Bieber ang buhok ng puta, mayroon din pa astig astigan dahil varsity, at may mukhang kulangot... EWW
Hinanap ko agad crush ko si Mico Yu sa upper box sila lower box kami nasa likod lang namin sila... Shit tas pag hanap ko wala... Bakit ganoon? 3 years na akong nagka crush sa kanya hanggang ngayon matibay pa rin. Pero hindi niya kasama ka tropa niya wala siya dito shit baka nagtransfer.
"Ces, bakit wala si Mico?"
"Aba ewan ko baka late" tugon niya habang busy na nakikipag chikahan kay Maris at Therese. Chika toda max na naman habang walang kwentang program ay nag uumpisa. Tapos intermission number daw. Salamat naman may ganito para mabawasan ang pagkakaumay ng mga estudyante dito.
"Ready na ba kayo mga pips!" Sabi ni Cima iyong peymus sa 3rd year dahil sobrang ganda raw niya ehh mas maganda pa nga ako kung tutuosin at ang masama ron crush siya ni Mico. Usap usapan na nga raw sa buong school na may something fishy daw sa kanila.
"Hindi namin kayo marinig!" Shit ito na ito na si Mico. Duet pala sila nitong bruha.
Perfect by simple plan ang kinanta nila (click on external link guys)
Pagkakanta niya para akong nababaliw sa kanya at marami ng babae sumisigaw. Haynaku hirap abutin nito.
Canteen kami diretso, superduper haba ng pila sa canteen nakisik sik nalang kami roon. At sa wakas natapos na ang sakripisyo nakakain na agad kami.
"Halah may gwapong guy don!" Sabi ni Ces
"Saan?" Sabay pa talaga sila Ces at Maris hindi na ako interesado sa mga usapan nila... Iniikot ikot ko nalang ang spag ko gamit ang tinidor.
Biglang...
"Hi Dan" sabi nung Leigh ba yon? Basta kaklase ko noon sa NSC
"Oh hi" gulat kong tugon
Tapos sunod sunod na ang bati nila sakin. Artista ang peg ko ngayon.
Tapos nagchichismisan na naman. Naoobserbahan ko lang na bakit andaming transferees sa past skul ko nung sa NSC?
Papunta na kaming classroom kasi magkikita raw lahat doon, marami talagang galing sa NSC lahat na sila nag hi na saken maliban sa isang babae. Nagtataka lang ako. Mukha naman akong approachable pero mataray nga lang ang first impression nila sa akin.
"Hoy Ces! Binati na nila lahat ako except iyong isang girl oh, ayang nakaupo sa dulo"
"Kaloka ka Dan! Kailangan ka ba talagang batiin?" Sabi ni Ces
Hindi nalang ako umimik kasi nandiyan na si maam. Isa isang nagpapakilala mga teacher namin sa amin hanggang break time na nun.
Nilapitan ko si Leigh at nagkwentuhan kami about sa past school namin. Tawa here tawa there tawa everywhere. Hanggang sabi ko sa kanya "Grabeh iyong girl na iyan di mn lang nag hi sakin?"
Tumawa ng bahagya si Leigh tas "Cge lapitan mo nalang"
Hindi ko na talaga natiis, nilapitan ko ang babae at sinabihan "Ikaw lang ata hindi nag hi sakin. Sila Leigh tapos na. Nakalimutan mo na ba ako?" Pilya kong ngiti. Nag smyl lang siya at kumuha lang ng gamit sa locker niya. Kabog ang beauty ko roon. And then I realized nakakahiya ang ginawa ko kasi I never approached someone like that naghihintay lang ako kusa silang lumapit. And this is really WEIRD....
TO BE CONTINUED...
COMMENT, VOTE AND BE A FAN
Spread the love Guys!
BINABASA MO ANG
BAWAL (GirlxGirl)
RandomPara sa nagmahal at nagmamahal. Para sa nasasaktan at mga nananakit. Para sa mga nanghinayang at nagsisisi. Para sa mga niloloko at nanloloko. Para sa mga inaapi at nang aapi. Para sa bawal na pagmamahalan na kailanmay pinag iingatan...