SHAMH: Ten

111 10 1
                                        

Chapter 10: Who's going to be back?

Dedicated to @Describeyourself

읽고 즐기세요!

Veronica's Point of View

"What are you to us?"

"You're our wife" nagulat ako sa sinabi ni Alex

"W-wife....?" nauutal pa ako ng sinabi ko ang salitang 'to...

Hindi ako makapaniwala...

"As in yung kapag kinasal ka na?" pagtatanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwalang kinasal na ako

"Yeah" pagsagot ni Justin sa akin

Ano yun kinasal ako sa panaginip ko? Hindi ko man lang nadama?

"See, here's the proof that you're our wife" sabi ni alex at tinuro ako

Sinundan ko kung anong tinuturo niya at napagtanto ko na may singsing sa palasingsingan ko.

Teka?! Paano?! Kelan?!

"It's just a ring" sabi ko sakanila, tama naman ako diba? Singsing lang naman 'to baka sinuot lang nila sa akin para masabi nila iyon?

"We have a marriage contract too" sinabi ni justin na hindi ko talaga mapaniwalaan

"A contract? As in kontrata na pinirmahan ko?! Ano? Teka! Bakit wala akong maalala na nangyari nga ang mga sinasabi niyo?"

"Look, pumirma ka, right here" sabi ni Mr. Andrada sa akin na nakangiti pa nang ituro niya yung part ng document na may pirma na hawak niya

What the fudge?! Nandito nga ang pirma ko at handwritting ko din 'to.

Pero paano nangyari? Wala akong matandaan na pumirma ako dito.

"This is a proof that you're everyone's wife" sabi ni Alex

Teka? Ano daw?

"Everyone's?!" gulat na gulat na sabi ko

"Yes, all of them" sabi ni reincharl

What? Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Seryoso ba sila?

Baka naman jino-joke time lang ako? Baka napapanood lang 'to ngayon sa tv?

Paanong magpapakasal ako ang dami nila? Bawal yun eh!

"Pero diba isa lang pwede mong pakasalan?" pagtatanong ko

Hello! Nasa Pilipinas tayo at wala sa ibang panig ng bansa na kung saan pwedeng magpakasal ng maraming beses.

At isa pa katoliko ako hindi muslim? Muslim ata yung nagpapakasal ng marami pero alam ko lalake ang gumagawa nun at hindi babae?

Aissssh. Napaka komplikado ng sitwasyon at nalilito na ako.

"Who decided that? That rule doesn't apply to us" agad na tinutulan ni Alex ang sinabi ko

"Alex, that doesn't explain everything. We have to explain everything properly. We're a family after all " sabi ni Bryan at nginitian ako ngunit hindi ko kayang ibalik ang ngiting ibinigay niya.

Family? How come?

Alam kong pinapagaan niya ang loob ko pero gulong gulo pa rin ako sa nangyayari

"Wala akong ideya sa nangyayari..." sabi ko sa hangin

"It make sense that you're confused. This isn't a situation that can be explained so... simply " sabi ni Justin

Bakit? Bakit hindi kayang ipaliwanag?

"Please tell me everything" kailangan ko malaman ang lahat

"You don't need to know now. You just need to spend your time here as our wife" sabi ni Mr Andrada

Bakit hindi pwedeng ngayon?

"Spend my time here..? Kahit hindi ko alam kug bakit ako nandito at paano ako napunta dito? Kahit na hindi ko kilala ang kahit na sino sa inyo?"

"Even if you don't understand we know all the details. We can't change the fact that you're our wife" napabuga na lang ako ng malalim na hininga sa sinabi sa akin ni Alex

Tinignan ko ang singsing na nakasuot sa daliri ko.

Kahit ang mga lalaking nandito (except Reincharl and Keith the butler) ay may kapareho ko ng singsing na nakasuot din sa palasingsingan nila.

Kasal na nga ba talaga ako? Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari.

Ayokong paniwalaan pero di ko magawa. Di ko magawang tutulan sila dahil kung titignan mo sila masasabi mong makapangyarihan sila na hindi mo matututulan.

"Would you like to take a break? Once you have some cake and calm down madam reina, perhaps you can think about things with a clearer mindset" sabi ni keith the butler at ngumiti sa akin na agad na nagbigay ng napaka-payapang atmospera sa sala

Pagkaayos ko ng upo sa sofa, kinuha ko naman agad ang cake na hiniwa niya para sa akin, kung hindi ko iisiping butler siya o taga-sunod rather dito, masasabi kong napaka-gentleman niya sa lahat ng nandito.

"Have some tea" alok pa niya sa akin

"...thank you" pagpapapasalamat ko sakanya

As I take my first bite of the cake, naramdaman kong kumalma na ako kahit papaano

As I sip my tea, tinignan ko naman ang mga asawa ko 'kuno'

"Yum" masayang kinakain ni Bryan ang cake niya, para siyang bata kung titignan

"It's good isn't it? I recommend you to visit the place that made these" sabi ni Reincharl

"Its not too sweet which is good" sagot ni Mr Andrada na akin namang tinanguan dahil hindi nga talaga masyadong matamis ang cake, hindi nakakaumay.

Ganto dapat sa isang relasyon eh, sweet pero hindi sobra yung tama lang para hindi maumay o mabilis magsawa.

May pinagdadaanan ang lola niyo HAHAHA

Lol! Shut up mind.

Si Mr. Andrada at Reincharl ay masayang nagkwekwentuhan at ineenjoy ang teatime nila.

Habang si Justin ay tahimik lang na kumakain.

At si Alex naman ay halos magdidikit na siguro ang dalawang dulo ng kilay niya na akala mo inis na inis na pero kahit ganon maayos at napaka elegante niyang dalin ang cake na kinakain niya sa bibig niya.

"Umm excuse me, pwedeng magtanong? Okay nagtanong na ako so, nakatira ba kayong lahat dito sa mansyon na ito?" pagtatanong ko sakanila ng makita kong lahat sila ay di na kumakain ng cake

"Yeah" walang emosyong pagsagot ni Alex, tsk.

"Of course we're husband and wife after all" sabi ni Justin, naiilang pa rin ako sa husband 'kuno' at wife 'kuno' na yan

"But this isn't everyone" sabi ni Bryan

Anong ibig niyang sabihin?

"He should be back soon" sabi ni Mr. Andrada na mas nagpakunot ng noo ko at nakita ko na lang ang lahat na nakangisi



Anong ibig nilang sabihin? Sinong dadating?



Six Hotties, All My HusbandsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon