Ako si Angeli Pardilla. 16 years old. Nag-aaral sa () academy.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Last scholastic year... May kaklase akong magandang babae. Sya si Bella, bagay na bagay pangalan. Ang ganda nya kasi. Sya yung tipong magugustuhan ng bawat lalaki. Hindi kami close. Minsan lang kami mag-usap. Friends kami. Ay hindi pala. More of acquaintance kami, nagbabatian, nagngingitian, magkakilala. Nung time na yun may boyfriend sya. Ang sweet nga nila eh. Relationship goals kung baga.
May itsura naman yung boyfriend nya nuon. Si Adrian. Hindi ko din close eh. Pero nakita ko yung sweetness nila. Tipong magkaHHWW habang naglalakad sa cafeteria. Tipong naghahatid sunduan. Yung halos lahat informed sa relasyon nila. Kung iisipin, bagay talaga sila. Kung iisipin, may forever talaga sa kanila.
Isang araw, nakabangga ko si Adrian. Wala syang kasama. Wala yung tropa nya. Wala si Bella. Wala yung girlfriend nya.
"Uyy. Sorry"-sabi nya
"Ayy hindi. Ako dapat magsorry. You are Adrian right?"
"Grabe ang famous ko talaga. Hahaha. Ikaw yung kaklase ni Bella eh. Angel yata ang name mo?"-sya
"Ah oo. Bakit pala walang kasama ang 'famous' na tulad mo?"
"Hinahanap ko mga kasama ko. Hahahah"-sya
"E bat di kayo magkasama?"
"Nino? Ni Bella? Wala na kami nun"-sya habang nakangiti. Hindi ba sya nasasaktan?
"Sorry sa pag-iintriga"
"Hindi, okay lang. Mabuti narin siguro yubg nakakarinig ako ng comments ng iba"-sya
"Bakit nga pala kayo nagbreak?"-pag-iintriga ko nanaman. Okay lang daw eh.
"Ewan ko. Kasi may gusto na sya sa manliligaw nya e. Sinabi na nya sakin"-sya. Nakangiti parin sya. Robot ba sya? Bat di sya nasasaktan
"Kelan pa kayo nagbreak? Ang fc ko na. Sorry talaga"-sorry talaga I just felt the urge to ask. Nacurios lang ako. Kasi sya yung tipong magpapakilig ng bawat babae sa sobrang kasweet-an tapos nakipagbreak yung girlfriend nya na binigyan nya ng stuffed toys na malalaki, ng boquet of flowers. Tapos one time pa, 3rd anniversary ata nila yun, pagkapasok naming magkakaklase sa classroom(kasi magkaklase kami ni Bella), yung white board. Punung-puno ng pangalan ni Bella tapos may malaking Happy Anniversary! sa gitna at may maliit na ~Adrian sa gilid. Tapos pagkapasok ni Bella, nashock sya tapos pumasok yung teacher na may dalang paper. Na sinulat pala ni Adrian. Effort. Pati teacher kinuntsaba. Pati time, binuhos. Diba ang sweet? How could she hurt him? Sa narinig ko si Bella ang may kasalanan, sya yung nagkagusto sa iba.
"Ah okay lang. Last month pa. Mas mabuti narin yung nasasabi ko tong mga to"-sya
Tinignan ko sya. He's hurt. Bakas sa mukha. Tinuloy nya lang.
"Ang sweet ko no?"-sabi nya
"Ahahahh sige lang"-reply ko baka kasi masamain nya
"Yun na nga eh. Kaya masakit. Kasi nung nagbreak kami, si Jason pa yung dahilan. Ngayon, masakit kasi may kaMU na sya pero hindi si Jason. Ang bilis nya kasi nakamove on. Ako nasasaktan parin"-sabi nya
Masakit naman talaga e. Kahit wala akong experience, nakikita ko lang sa mata nya.
"Pero ngayon, gusto ko naring mag-move on"-sya
Mabuti at gusto nyang magmove on. Alam mo yung parang ang bilis nya nagtiwala sa akin? Ang hirap sumira ng tiwalang ang bilis naibigay, kasi matagal maibalik.
"Fan nyo kaya ako. Fan ako ng love story nyo. Kayo yung laging may time and effort para sa isa't isa. Kayo yung hindi kinahihiya ang relasyon. Kayo yung honest sa parents ng bawat isa. Kayo yung sweet na couple. Kayo yung parang may forever talaga. Kayo yung relationship goals ng mga hopeless romantic at one sided lovers. Kayo yung inspired sa isa't isa. Kayo yung supportive, understanding for each other. Kayo yung best friends, siblings, couple,. Parang meant to be na kayo eh"-comment ko
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomCompilation... Purely girls' POV Girls' feelings girls' emotions Teen Fiction. Not FanFic.