CHAPTER 1: Meet Him

1 0 0
                                    

KRYZEL GAIL POV

The loud alarm rang.
Inis kong kinapa ito kung saan ko inilagay habang nakapikit ang mga mata ko. Sa inis ko ay napukpok ko ito. Inaantok pa naman ako.

“Hoy! Gising na po riyan!”

I was panicking, “Luh! Teka, nagsasalita ba ang alarm clock ko? Wah! My G!”

Muntikan na akong mauntog sa headboard ng kama ko nang bumalikwas ako nang bangon. Hawak-hawak ko ang dibdib ko dahil, sa kaba.

“Wah! Ano ’to, bakit wala akong makita. Ang dilim! Bulag na ba ako!” pagngawa ko nang wala akong maaninag na kahit na ano.

“Engot! Ayan, kakapanood mo iyan ng chinese drama!” naulinigan kong singhal sa ’kin ni Luke, ang magaling kong kapatid.

“H-ha?” lutang kong naitugon.

“Tanggalin mo kaya iyang nakapiring sa mata mo. Ano ka, si Jandy sa Boys over flower? Kung maka-hysterical ka, daig mo pa siya, ha!” sermon nito bagay na ikinakagat-labi ko.

Pilit ang ngiti kong pinakawalan pagkatapos. Kakahiya talaga!

“Para kang ewan, alam mo ’yun. Bumaba ka na raw, may naghihintay na sayo sa baba!” pasuplado nitong sabi sabay tinalikuran ako.

Umismid ako, ang loko! Ang lakas talaga ng loob magmatapang.

“Hoy, Luke! Teka nga,” sambit ko sabay hinarangan siya.

Ilalabas ko pagiging ate ko.

“Bakit?” kunot-noo nitong tanong.

Ngumisi ako, “Pahiram ng Ipod mo, ibabalik ko rin mamaya,” nakangiting sabi ko at nagdarasal nang palihim para pumayag ang kumag na ’to.

“Ayoko nga, iyong kay papa hiramin mo,” cold nitong tugon saka ako nilagpasan.

Papalabas na sana siya pero mabilis ko siyang napigilan. Pero, bumitaw na lang din ako dahil sa talim nang titig nito.

“Bibitaw ka ba, o isusumbong kita kay mama, na may crush ka sa campus?” banta nito. “O di kaya, sasabihin kong, nagsusulat ka ng spg!” patuloy pa niya.

Napasinghap ako. Para bang mauupos na ako mula sa kinatatayuan ko. Ang damuho, ngumisi lang.

“Subukan mo, ilalampaso talaga kita!” banta ko pa at nagmartsa palayo sa kaniya

Hindi naman kasi spg ’yon. Ah, basta! May kissing scene lang naman ah. Spg na ba ’yon?

Well! By the way, I'm Kryzel Gail Sonico, Currently a Jeniour High. Well, hindi naman sa pagmamayabang, pero isa si papa sa sikat na Interior Designer sa buong Asia. Nasa Japan ito at kasalukuyang nakadestino doon. I’m the eldest, na may alam mo na, minsan masarap ang pagiging inosente. (*insert kidding side)

Saturday ngayon, as usual. Ginawa ko na naman ang aking morning routine. Saka na ako bababa kapag mabango na ako.

After I’ve done doing my morning routine, lumabas ako ng kwarto ko at tinungo ang sala. Pababa pa lang ako pero kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari sa maingay na boses na iyon. Si Marrize, kausap nito si mama. Ayon ang dalawa, daig pa ang kapitbahay naming chismosa.

Nang makita ako ni Marrize, ngumiti ito sa ’kin. Kumaway siya at humakbang palapit din.

“Ang aga mo ah?” sita ko sa kaniya.

Ngumisi lang siya sabay lingkis ng kamay nito sa braso ko. Ang kyut niya tuloy tingnan, nakakatomboy.

“Sa bahay tayo, may ipapakita ako sayo,” aniya saka ako hinatak.

Hindi ako nakapalag nang hilahin niya ako papalabas habang naiiling na sinundan kami nang tingin ni mama.

“Aunti, hiramin ko lang muna si Gail, ibabalik ko rin mamaya!” Paalam ni Marrize kay mama.

“Oo, mag-iingat kayo!” Tugon din ni mama.

“Teka! Anong gagawin natin sa bahay n’yo?” usisa ko.

“Shhh!” pagpapatahimik niya sa ‘kin. “Huwag ka kasing maingay. Ano kasi, may ipakilala ako sayo. Dali na! Excited na akong makita mo siya, beshy!” pagpapatuloy ni Marizze.

“Hayst! Para kang ewan diyan. Siguraduhin mo lang na gwapo iyang ipakilala mo. Kundi, lagot ka sa ‘kin.”

Tumawa lang si Marizze, at saka niya ako kinaladkad palayo. Naiiling na lang ako. Minsan, inaabot ng topak itong kaibigan ko. Pero lab na lab ko ’yan. Bukod sa pagiging magkaibigan, kapatid na rin ang turingan namin sa isa’t isa.

MARIZZE HOUSE, heto ako ngayon. Tulala at naglalaway. Ay char! Naglalaway ba talaga ako? Lentes! Pero, totoo nakatunganga lang ako habang nakatitig sa kaharap ko ngayon. Bigla akong kinabahan, nagwawala sa pagtibok ang puso ko. Daig ko pa nga ang kinapusan sa paghinga.

Nanlalamig ang buo kong katawan pero, weird at nang-iinit ang mukha ko. Saka pa lang ako natauhan nang sikuhin ako ni, Marizze.

“Ano ‘yan, naglalaway ka besh!” pabulong at patawang sikmat ni Marizze sa ‘kin.

Ramdam ko ng pag-iinit ng mukha ko. At ayoko naman na masabihan ng kakaiba kaya hindi ako nagpahalata. Sandali pa ay, nagpaalam sa ‘kin si Marizze na kukuha ng maiinom. Ako naman, hindi alam kung ano ang gagawin. At nakakahiya.

“Babalik ako kaagad.” Paalam ni Marizze.

Nag-node lang ang lalaking nakaupo sa couch. Hanggang sa ningitian niya ako. OH! MY GOD. Ang gwapo niya, ang cute ng mga mata niya. At shocks! Ang killing smile niya, grabe! Gosh. Ano ba ‘yan.

“Hey! Take a seat. Baka sumakit ang paa mo katatayo.” Pag-aya niya kaya tango lang ang tanging naitugon ko.

Lentes! Nagwawala sa kaba ang puso ko.

“Ikaw pala si, Kryzel? By the way, I'm Keifer, nice to meet you, Kryzel.” Napatitig ako sa kamay niya, at hilaw akong nakangiti.

“Nice to meet you too!” pormal kong tugon sabay tanggap sa kamay niya at nakipag-shakehands.

Kapansin-pansin ang pagiging slang niya, at mukha rin siyang anak mayaman. Mukha rin siyang mabait. Iyon nga lang, parang ang serious niya talaga. Pero, hindi ko ubod-akalain na aabot sa ganito ang lahat. Ang bilis namin magkasundo dalawa.

Crush ko na yata siya. Oh my! Goodness.

“Magkasundo talaga kayo ni, Marrize.” Panimula ni Kiefer nang iabot niya sa ‘kin ang juice at bread.

“Yup! Childhood sister ko na siya. And we're close to each other.”

“Good. Sa susunod na pasukan. Saan mo balak mag-Seniour high?”

Bahagya akong nahinto. Napaisip pa ako. At mukhang lilipat na naman ulit ako ng school nito.

“Huwag mo na itanong, insan. Transferee ‘yan. At sabay kami lilipat sa school ninyo!” ani Marizze habang nakangiti rito.

Tumango ako. At oo nga pala, sa taon na ito ang pinangako ni papa. Uuwi na siya, at kapag college na ako. Babalik kami sa japan.

Authors Note: Slow update po ang story na ito. Nilipat ko kasi mula sa lumang notebook ko para i-publish dito sa wattpad. Sana ay makapaghintay po kung sino man ang nakakabasa nito.🥰

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Fall in Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon