Chapter 23: Hunting Competition

910 34 3
                                    

Chapter 23: Hunting Competition

THE DAY of the hunting competition has finally arrived. Kaya naman ay maagang nagising si Selene upang maghanda.

“My Lady, sigurado po ba kayo na isasama n’yo ako roon?”

Selene couldn’t help but smile as she looked at herself in front of the long mirror with her hunting attire. It suits her well.

“Yes. I needed someone reliable and dependable on my side during our stay there.” She looked at Amara, who was holding her crossbow, then took it.

Bakas naman ang kasiyahan sa mukha ni Amara. Sa totoo lang ay plano na niyang isama ito sa mga magiging lakad pa niya magmula sa araw na ’yon. Para naman kahit papaano ay hindi lang din sa mansyon umiikot ang buhay nito.

Nang maayos na niya ang pagkakasukbit ng crossbow sa kaniyang likod ay tinungo naman niya ang isang maliit na drawer. Mula roon ay nilabas niya ang mga bagay na binili niya sa souvenir shop. She put the amulets in her pocket while she took the hair clip and gave it to Amara.

Napatulala naman ito sa hawak niya. “My Lady, w-what is this?”

“That’s a hair clip. The color of the gem reminds me of the color of your hair. I knew that it would definitely suit you the moment I saw it. Try it now,” she urged.

Bakas naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Amara. “But I have no right to receive such an expensive thing.”

Napahinga naman si Selene nang malalim bago niya kinuha ang palad ni Amara at siya na mismo ang naglagay ng hair clip doon.

“Don’t say that. You’re one of my trusted and closest subordinates. You may treat this as a reward for your hard work.”

Sunod-sunod namang napakurap si Amara. Pilit na pinipigilan nito ang pagtulo ng kaniyang mga luha. “If you insist, My Lady. I’ll gladly accept it.” Agad naman nitong ginamit ang naturang hair clip. “Ayos lang po ba?”

“As expected, it looks good on you.”

“Thank you, My Lady. I will definitely cherish this gift.” Amara smiled warmly.

Natigilan lang sila sa pag-uusap nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto.

“Selene, can I come in?” Boses ’yon ni Apollo.

“Alright.”

Sa pagbukas ng pinto ay nagpaalam muna si Amara bago tuluyang pumasok si Apollo.

“What is it? Palabas na rin naman ako,” wika niya rito.

Pakiramdam niya ay namula ang kaniyang pisngi nang makita ang suot nito. Sa totoo lang noong nirekomenda niya ang tungkol sa bagay na ’yon ay hindi naman siya seryoso at inaasar lang ito. Little did she know that he took it seriously and really made a request for their custom matching white and purple hunting uniform.

Mukha talaga kaming nakakupal outfit.

“Turn around. I have something to give you.”

Salubong ang kilay na tumalikod naman si Selene. Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang paglapat ng metal na bagay sa kaniyang leeg. Bumaba naman ang tingin niya roon. It was a full moon-shaped silver pendant.

“It’s beautiful,” anas niya.

“The pendant will glow and turn purple once it senses a danger.” Apollo reached for her hand. “Kaya sa oras na mapansin mong umiilaw ’yan ay umalis ka na agad sa hunting grounds.” Matiim itong nakatitig sa kaniya. “Understood?”

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon