"N-napaka demonyo mo!" Sigaw ko pa.
"Talagang demonyo ako! Kaya pasok sa loob kung ayaw mong maligo sa sarili mong dugo!" Sigaw nito na labas na ang ugat sa braso at leeg.
"Grabing tigas mong babae ka, ang sarap mong ibitin patiwarik!" Dagdag pa nito sabay bigay ng baril sa may-ari nito habang hinihilot ang sintido kaya walang atubiling na tumakbo ako.
Chance ko nag tumakas.
Pero nasa kalagitnaan na ako ng tapat nang mansion nila biglang my pumutok na baril at tumama iyon sa sahig na malapit sa paa-han.
Nakarinig naman kami ng sigaw.
Ilang beses pa iyon pumutok dahil tuloy lang ako sa pagtakbo pero natigilan ako ng nagbanta ito na ikina taas ng balahibo ko lalo. Pansin ko nga nilalamig na ako sa takot sa kanya.
"Akin kana Shantalle kaya bumalik ka dito! Tatama na talaga 'to sa 'yo, isa pang putok sure sa katawan mona tatama." Pagbabanta nito.
"I'll count to Three, kapag hindi ka tumigil papatayin na kita!" Desididong turan ng binata sa galit habang nakatutok na sa likod ng dalaga ang baril.
"One." Malamig nitong turan.
"Two." Kinasa ulit nito ang baril at tinutok ng maayos ulit sa dalaga na medyo mabagal na Ang takbo.
Ibubuka naman na sana ni Ezekiel ang bibig ng biglang sumuko na ang dalaga sa takot.
"Ayoko na, ayoko na!" Sigaw kopa sa takot habang nahagulgol. Umupo naman ako sa gitna ng kalsada habang nakatakip sa tenga.
Ngumisi naman lumapit si Ezekiel sa dalaga.
"Mama!" Sigaw ko pa habang humihikbi.
"Stop crying, hindi ko naman gagawin 'yon sa 'yo. Ang tigas kasi ng ulo mo. Hindi ka rin mapakiusapan ng maayos kaya nagalit ako sa 'yo." Mahinahon nitong turan at pinulupot ang braso sa bewang ko at pinatayo ako.
Bigla naman itong tumuro sa gate.
"Balik na sa mansion bago pa ulit dumilim ang paningin ko." Wala naman akong nagawa kaya naglakad nalang ako habang nagpupunas nang luha. Piling ko mukha akong batang ginulpi at pinahiya sa labas ng tatay ko.
Nakayuko pala ako dahil wala akong mukhang mai-harap sa mga kapitbahay. Dahil sa tigas ng ulo ko nagkaroon pa ng eksena.
"Pasalamat ka mabait pa ako sa 'yo, kung hindi nakahandusay kana." Malamig na boses nito sa likod ko. Hindi naman ako umimik hanggang sa makapasok ng gate.
Nang nasa water fountain na kami tuloy lang ako sa paglakad habang siya huminto saglit para bitbitin ang maleta ko.
"E-excuse me po." Hikbi kong turan.
"Tumabi kayo, huwag paharang-harang!" Banas nitong turan.
"Hey!" Kalabit nito sa akin ng makapasok sa mansion pero tinabig ko lang iyon at inagaw ang maleta ko sa kanya.
"Demonyo!" Asik ko bago naglakad papuntang kwarto ko katabi ng kwarto ni Manang pasing.
Dahil wala rin naman akong gagawin dahil gabi narin, lahat naman natapos na namin kanina kaya nag-ayos ulit ako ng drawer ko at humiga sa kama para magbasa ng libro na kakabili lang sa National Books Store ni Ate Nene. Hindi daw kasi niya gusto ang plot kaya binigay niya, sakto naman na ang author nito ay ang paborito kong Author kaya binasa ko, ang title pala nito ay 'My Prince'.
Nasa kalagitnaan na ako ng story kaya todo tili ako dahil nagkaroon na ng chance si Girl sa cold crush niya.
"Ahhh... gosh!" Sigaw ko sa kwarto ko at gumulong sa kama ko.
YOU ARE READING
Dr. Favellon Obsession (On-going)
RomanceDahil sa isang problema wala magawa si Shantalle kundi lumuwas ng maynila para makahanap ng trabaho para mabalik ang mga baka at palayan ng pinaghirapan ng kaniyang mga magulang. Pero hindi ina-asahan na sa isang malaking pamilya pala siya mapapasok...