"I love you! You love me! We're best friends like friends should--".
At katulad ng laging nangyayari sa batang 8 years old na si Faye, umalis si Kiel na crush niya sa katabing swing nito. Lagi siyang sinusungitan ni Kiel tuwing kinakanta nito ang kanta ni Barney na iyon.
Isang hapon, naka upo sa swing si Kiel. Tumabi si Faye sa kabilang chain swing at idinuyan iyon. Ni hindi siya nilingon ng batang lalaki at tila iniiwasang humarap sa kaniya.
"I love you, you love me. We're best friends--" pagpaparinig ni Faye sa batang lalaki na crush niya. Pero katulad ng gawain nito, umalis na naman ito at naiwang malungkot si Faye.
Laging nag-aayos si faye at naglalagay ng face powder tuwing pupunta sa play ground, pero di pa din siya pinapansin ng gusto niyang si Kiel.
Hapon ng tumungo muli ang batang babae sa palaruan. Same place,nadatnan niya ang batang lalaki. Naupo muli siya sa katabing swing nito. Lumingon bigla ang batang lalaki na ikinagitla ni Faye dahil ngayon lamang ito nangyari.
"kung kakanta ka na naman, pwede itigil mo na lang? Nakakainis kasi eh". sambit ng binata sabay alis sa swing.
Malungkot na malungkot si Faye na umuwi sa bahay nila. Ang puppy love nya ay nagalit sa kaniya,ang iniisip ni faye.
Noong sumunod na hapon, umiiyak si Faye na pumunta sa palaruan, dahil hindi naibili ng nanay niya ang gustong manika sa mall.
May nag abot sa kaniya ng isang chocolate ice cream.
"tsss. para kang bata". noong makuha nya ang ice cream ay pinahid ng batang lalaki ang luha sa mukha ni Faye.
"Hhmmp! Bata pa talaga ako!". Inis na sambit ni Faye.
"Halata". Umupo ang batang lalaki sa kabilang swing na katabi ng batang babae.
"Bakit mo ko binigyan ng ice cream? diba ayaw mo sa akin,kiel?".
"I hate your stupid song". sambit ni Kiel
"Bakit? peyborit ko si barney!". ani ni Faye
"Ako din naman,ah!" depensa naman ni Kiel
"Oh, yun naman pala,eh. Bakit ka nagagalit?"
"Ayoko ng pagkanta mo"
"Paano ba dapat?". tanong ni Faye
Tumingin si Kiel kay Faye na ikina kilig nito ng patago
"I love you! You love me! We're a happy family. With a great big hug and a kiss from me to you! Won't you say you love me,too".
Nagtaka naman si Faye.
"Anong pinagkaiba ng kinanta mo sa kinakanta ko parati?" tanong niya
"Ang sabi mo kasi "were best friends". tsss, Papakasalan pa kita pag laki ko kaya dapat "were a happy family". Ikaw si mommy, ako si daddy, gets?!".
BINABASA MO ANG
Barney the crazy dinosaur
Teen FictionThis is about a girl and a boy..AND Barney's song.