KABANATA 4

108 6 1
                                    

"Laundry area hinahanap mo? Halika, sumunod ka sa'kin."

Naguguluhan niya akong tiningnan bago niya ako sinundan na halata pa rin ang pag-aalangan sa mukha. Pagkababa ko mula sa silid niya, dumiretso ako sa labas at huminto sa espasyo kung saan nakaparada ang motor ko. Nakapamewang ko siyang hinarap.

"Here's the laundry area. Dito ka maglaba." Ani ko.

Di makapaniwalang ipinalibot niya ang tingin sa paligid. Nakanganga pa siya diyan.

"But this is the garage." Magkasalubong ang mga kilay na turan niya sa'kin.

"Kaya nga. Pero dito din ako naglalaba."

Totoo naman yun. Yung motor ko lang naman at ang lumang sedan ang nakapwesto sa garahe ko. At ginawan ko talaga ng extension ang bubong para may pwesto ako sa paglalaba.

"And where's the drying rack?" Pasigaw na tanong niya pero ang hina pa rin ng dating sa pandinig ko.

"Drying rack? Nakikita mo ang pising yun? That's where I hang my clothes to dry." Sabi ko sabay turo sa sampayang ginawa ko.

Sa totoo lang, kanina ko pa sinusubukang wag matawa. Naaaliw kasi akong pagmasdan ang ekspresyon sa mukha ng brat na'to.

"At yung tubig? Nakikita mo ang bomba na iyon sa tabi ng puno ng limon, diyan ka kumuha ng tubig."

Iniwan ko na siya dun nang nakanganga pa rin. Naghanda na ako para umalis. Palabas na ako nang pumasok naman siya para ibaba ang mga labahan niya.

Tangina. Ikalimang araw niya pa lang dito pero yung labahan niya, pang dalawang linggo na.

"Hey, where's the washing machine?" Habol niya pa nang buhayin ko na ang makina ng motor ko.

"Hindi yan uso dito. Kusot-kusot at brush-brush lang ang gamit ko."

"Kusot-kusot?" He asked cluelessly.

"Handwashing, boy. Gamitin mo ang mga kamay mo." Ani ko saka tuluyang pinaandar ang motor paalis ng bahay.

Isinakto ko lang na alas dose na nang lumabas ako sa opisina. Bibili na lang ulit ako ng ulam sa karinderya at mamayang gabi na lang magluluto.

"Uuwi ka, manager?!" Sigaw ni Mang Damian nang makitang binubuhay ko yung motor ko.

"Saglit lang ako. Sisilipin ko lang yung pusa ko sa bahay kung nakakain na!" Sigaw ko pabalik.

Pagdating ko sa bahay ay parang bigla akong napagod sa nakita. Sa bukana ko lang ipinarada ang motor ko dahil hindi ako makadiretso sa garahe. Nakahilera pa kasi sa harap yung mga palanggana at baldeng ginamit ng bwesita ko sa paglaba. Ni hindi man lang itinapon ang tubig na ginamit.

I palmed my face in frustration. This fucking spoiled brat!

Tiningnan ko ang sampayan. Iyon lang siguro ang maayos niyang nagawa. Pero inaasahan ko na 'to dahil napapansin kong maingat siya pagdating sa mga gamit niya. His room is actually clean and organized. Sa mga gawaing-bahay lang talaga kami nagkakaproblema.

Mabibigat ang mga hakbang ko nang pumasok sa loob ng bahay. Iniwan ko muna sa mesa yung ulam na dala ko bago ako pumanhik sa taas.

"White!" Siyempre hindi niya ako sinagot.

Kinuha ko yung susi sa silid niya na nasa loob ng belt bag ko. Palagi ko na yata iyong dala-dala. Hindi ko na kasi naibabalik sa loob ng drawer.

Naudlot yung akma kong pagpasok nang makitang nagbibihis siya. May suot na siyang pangbaba at nakatalikod siya sa pinto. Sakto namang isinusuot niya na yung damit niyang pang-itaas. Nahulog yung paningin ko sa dalawang biloy sa likod ng bewang niya.

White Completes RedWhere stories live. Discover now