Year 2022:First year high-school ako o grade 7, nang may makilala akong isang babae na nagkagusto ako sa mahabang panahon. Panahon pa ng pandemic nung pumasok ako ng highschool, naka-face mask, may social distancing at iwasan pa noon. Sobrang pagiingat ng lahat noon, dahil sa COVID-19, marami na kase ang namatay dahil sa sakit na 'to. By batch pa ang klase namin non, batch 2 ako that time, and kapag magc-cr syempre madadaanan ko yung room ng batch 1, St. Lorenzo ang section ko noon, at ang room ng batch 2 is sa St. Therese and Aloysius.
Mabalik tayo sa babaeng kumuha ng puso ko, noong panahon na ito. Sino nga ba itong babae na 'to? Saan ko siya nakilala? Paano ko siya nagustuhan? Anong mayroon siya at nagustuhan ko siya?
Noong una ko siyang makita ay noong unang beses rin na nakapasok ako sa room namin or yung talagang room namin, which is yung St. Lorenzo. Hindi ko pa siya kilala noon, I don't know if kilala niya na ako that time. Kaya kami na sa room ng batch 1 noon ay dahil sa isang ptask, hindi ko na babanggitin kung anong subject and kung sinong teacher. Performance yun about sa own culture natin. And after namin magperform pinaupo kami, and nagchat si daddy noon kung nasaan kami and kung ano ginagawa namin. Nagtake ako ng picture, and sinend ko sa kaniya yun. After ilang days, doon ko palang chineck yung picture at doon ko rin una siyang nakilala, sa picture na nakuha ko wala siyang salamin, pero nakasalamin talaga siya, singkit, maganda, cute, makulit, at mabait. Bandang September, doon na akong unti-unting may naramdaman para sa kaniya. Kada-dadaan ako sa batch pasimple akong tumitingin sa loob para makita siya.
After no'n, unti-unti ko pa siyang nakilala at nakakausap sa chat, dahil may group chat kami sa messenger na for students lang. Syempre minsan may kulitan. Hanggang sa lumuwag-luwag ang pandemic, at nagkasama na ang batch 1 at 2. Nakatabi ko siya sa MAPEH subject, at arts ang topic namin noon. Kinikilig syempre, pero pilit kong tinatago, hanggang sa magtuloy-tuloy through-out the November and December.
TO BE CONTINUE..........