Kagat-kagat ko ang tinapay na binigay ng aking Ina sa akin habang ako'y nagmamadali sa pagsakay sa dyip patungo sa lugar na pagdadausan ng Demo para sa pag aaply na guro sa Public School dito sa aming lugar.
Dala-dala ko ang mga gagamitin ko sa Demo, maswerte pa nga ang mga henerasyon ngayon at nasa makabagong panahon na ang lahat lalo na sa pagtuturo, samantalang noon an dami palaging bitbit ng mga guro na materyales para makapagturo laang sa mga bata.
Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na mag aapply ako sa pagtuturo.
Bago ka kasi makapasok sa Public School kailangan muna na dumaan sa proseso ng pag aaply, may schedule para sa interview, sa pag Demo na manonood sayo ang ibat-ibang mga punongguro at bibigyan ka nila ng score after mo sa Demo.Sa kakaisip ko ng tungkol sa pinaraktis ko ng ilang araw, agad na bumalik ang diwa ko ng may marinig akong mga kaedadan ko lang na ang daming hanash sa buhay.
"Wala ka palang pamasahe sumakay kapa." sabi ni ate na nasa kanang bahagi ko
"Meron akong pambayad, hindi ko lang makita ang wallet ko" sagot naman ni nanay na di ko alam ang pangalan.
"Kunwari pa, ganan talaga mga modus ngayon." sabi naman ni ate na nasa tabi naman ng katabi ko.
"Ito na po ang bayad, dalawa na po ito." agad kong sabi para matapos na ang inay nila.
"Naku, ineng maraming salamat ha. Hindi ko lang talaga makita ang wallet ko at namili ako sa palengke kanina baka nawala doon" sabi ng inay.
"Wala po iyon,. Manong para po! sa tabi lang po"
Agad akong bumaba at pag baba ko ay agad na bumungad sa akin ang Paaralan kung saan ako nagsimula ng elementarya.
Kinakabahan akong nakipila sa room na nakaassign sa bawat mag de-demo ngayong araw, at sa Grade 3 ako nakaassign na mag demo. Science ang subject na aking ginamit.
Makalipas ang ilang minuto ay na tapos na din ako, at Sinabihan kami na dumiretso na sa Principals Office para sa Interview.
Hindi naman ako masyado natatakot sa Principal sapagkat ako ay naging volunteer sa paaralan ito, dahil ang aking Inay ay volunteer parent dito na tumutulong sa mga guro. Gustong maging teacher ng Inay, kaso dahil sa siya ang breadwinner ng pamilya ay hindi natuloy yun, kaya sa akin napunta ang pangarap nya.Kilala ko mga guro dito dahil nga dito ako nag elementary, kaso mo syempre mas madami na ang hindi ko kilala dahil ang Iba ay nag retired na o di naman kaya ay nagpalipat na ng lugar para mas malapit na sa kanilang tahanan ang paaralan na pagtuturuan nila.
Fast forward. . . .
na interview na ako, at sinabi sa amin na mag intay na laang ng tawag o resulta na ipopost sa online o sa Division na aming pinag aplyan.
Kaya after nun ay umuwe na ako para makapag kwento na kay Inay.
Andaming ng aming napagkwentuhan, pati kwento ng kapit bahay namin ingitera ay naungkat pa.. Ahahaha
Habang nag iintay sa resulta, akoy di talaga natitigil lang sa bahay ng walang ginagawa, kasama ang aking pinsan na sina Andrea at Alex, post sa FB namin na kami ay may business na Pastry.
Actually si ate Andrea talaga ang nag aral ng baking sa Tesda, akoy tamang taga assist Lang at ang kapatid nya na si kuya Alex naman ang natulong sa amin sa ibang mga gamit na need buhatin. Dahil sa business namin nakaatikha kami ng oven at gasul para dito, na dati tamang Kawa Lang gamit namin.Makalipas ang ilang linggo, dumating na ang pinaka iintay ng lahat.
Ang resulta ng aming apply.
Isang umaga, maagang nagigising ang aking Inay pang gumawa ng mga gawaing bahay.
Kapag gising na sya akoy nagigising na din at di na nakakatulog.napikit pa ako at nagbabakasaling makakatulog pa biglang may tumawag sa aking telepono.
"Magandang araw po, Yes po ito nga po!. Opo,. . . Sige po! salamat po!"
pagkababa ko sa telepono ko agad akong nag ayos at nagpaalam sa aking Inay na pupunta ako sa bayan.
Pinapapunta kami sa malaking Paaralan sa bayan, para tignan ang lumabas na resulta.
Sabi kasi sa akin ng kausap ko mula sa Division ay may resulta na daw ang apply ko at nasa listahan ang pangalan ko.Nakita ko pangalan ko at agad na nag tungo sa HR Office sa Division.
"Magandang araw po nasa listahan po ang pangalan ko, itatanong ko po sana kung saan po kaya ako nakaassign na school po?" tanong ko.
"pangalan?". sagot ni kuya HR
"Journee Haeven Ryan po"
"sa Bagong Silang Elementary School ka mapapaassign, magpasa kana muna ng mga papeles mo bago ka pumunta sa school, magrereport ka doon after mo dito, tapos hihingi ka ng First day in Service mo pipirmahan yun ng principal doon at papasa mo sa akin ang papel. Pagkatapos depende na sila kung pagsisimulain kana o pagpapagayusin ka na muna ng mga papeles mo."
Bagong Silang ES, sa kabila ng barangay siya mula sa amin. iniisip ko
Agad akong nagpunta sa BSES para makita ko din ang Principal doon at ang magiging mga kasama ko sa bagong yugto ng buhay ko.
Makalipas ang ilang oras, nakarating din ako sa BSES, traffic pa kainaman.
pagpasok ko sa Principals Office, namangha ako sa nakita ko.
napakasupistikada ng punongguro na nasa harapan ko at nananalangin ako na sana ay mabait ang hepe ko ahahahha
"Magandang umaga po, ako po si Journee Ryan po ang bagong guro po napa-assign po dito. " kabado kong litanya na may paggalang.
"Magandang umaga din ako si Mrs. Wilma Azarcon ang punongguro sa paaralan ng Bagong Silang Elementary School, welcome dito sa paaralan at ineng makikisulat nga ng iyong pangalan dito sa papel para magawan na kita ng first day in service mo at alam Kong need mo pa magasikaso ng mga papeles mo" sabi ni Mrs. Azarcon
"Opo mam, yun nga po ang bilhin sa amin po sa HR Office po kanina"
"sige ineng, kahiya hiya man ay uutusan na agad kita ha! sa kabila ng classroom ay guro doon, iyo ngang tawagin at sabihin mo ay tawag ko"
pag labas ko ay agad akong nagpalinga linga sa paaralan at tiningnan ang mga nasa labas. Sabay dako sa classroom na dapat ay puntahan ko. Nakita ko doon ang isang guro na babae na sa tingin ko ay nasa Middle aged na
"Maganda umaga po mam, pinapasabi po ni Ma'am Azarcon na tawag nya po kayo"
agad naman tong sumunod at nag tungo sa principals office.
Humingi ng tulong ang aming hepe sa guro na aking tinawag at sya ang pinagprint ng kelangan kong papel na isusubmit mamaya ng biglang may pumasok sa office.
Isang babae, na matangkad, mahaba ang buhok,maputi at napakaganda nya sa uniform na suot nya.
Di naman siguro masamang humanga sa kapwa ano. Normal na yun. sambit ko habang nakatitig sa kanya
"Ma'am excuse po, ito na po yung files na kailangan nyo po" sabi ni Ma'am na maganda.
"Sige Ineng palagay nalang dito sa lamesa" sagot ni Ma'am Hepe
habang ako, ito nakatitig lang sa kaniya
ang Ganda sa malapitan ni Ma'am. paghanga ko
"Bagong guro natin mamaya ikaw na bahala magpa kilala sa ibang guro, Yung mabilisan lang at alam Kong may klase kapa"
"Sige po mam" sabi ni Ma'am Ganda.
At doon magsisimula ang lahat.
Bagong Story po, at akoy nagbabalik loob ahehehe dala ng stress sa trabaho, ito ang aking nagawa imbes na report ahahhaha
Sana po ay suportahan nyo po.. salamat po
^.^ CeeGab
BINABASA MO ANG
Dalawang Puso, Isang Propesyon
Romance"Sa likod ng mga pader ng Ahensiyang pang-edukasyon, kung saan ang disiplina at propesyonalismo ang pinakamataas na halaga, may dalawang babaeng nagkakaroon ng isang lihim na pagkakaibigan. Si Ma'am Luna at Ma'am Ryan , dalawang guro na may pagkakap...