"Bagong guro natin mamaya ikaw na bahala magpa kilala sa ibang guro, Yung mabilisan lang at alam Kong may klase kapa" si mam Principal.
"Sige po mam" sabi ni Ma'am Ganda.
Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya,
pero syempre focus muna tayo sa mas dapat unahin.
"Ma'am?? tara na.." sabi nya sa akin habang nakatingin sya sa aking mga mata.
Walanjooooo nakakakaba pala matitigan nareh. sa isip ko
"Sige po Mam"
"Ma'am Azarcon, ako po ay sasama lang po kay Mam sandali". Paalam ko sa aming hepe.
"Sige Ineng."
Paglabas namin, nakasunod lang ako kay Ma'am??? naku diko pa alam. Basta nakasunod lang ako sa kaniya.
nang bigla syang nagsalita.
"Ako pala si Maevis Kaeley, tawag nila sa akin dito ay Ma'am Kaeley" sabi niya.
"Magandang umaga po Journee po" hinayag ko ang kamay ko saktong harap nya sa akin kaya kinamayan nya din ako.
ay basa! sa isip ko.
"naku pasensya na, pasmado kamay ahaha". sabay tawa nya.
ang tawa nyang sabay labas ng mga braces nya,
hangkyut! ^.^
habang nag iikot kami, ay isa-isa nyang tinuro sa akin ang mga lugar kung saan ang mga bawat grade level at sinong guro doon (as if saulo ko agad name nila)
pero ang tumatak sa akin ay ang sinabi nya na sya ay sa Grade 3 nagtuturo at mamayang lunch ng mga bata ay makikilala ko daw ang dabarkadz.
sumigunda na agad ako na
"Naku Ma'am Kaeley, mamaya po after po mabigay ng Ma'am Azarcon ang kailangan ko po ay lalabas napo ako ulit para naman po matapos ko ang mga papeles ko po ng maipasa ko na po sa HR tapos po nun ay bukas na po ako magsimula talaga. " Mahaba kong litanya
"ah sige, anyways welcome ka sa school at anytime ay pwede kang magtanong sa ating Master Teacher kung may mga problema ka o mga tanong mabait yun at napaka galing pa." sabi nya
kinabukasan. . .
Agad kong inaiskaso ang dapat asikasuhin, maagang maaga akong nag asikaso hanggang sa matapos ako. Kung san-san pa ko nakarating buti nalang may tabi akong pera buhat sa mga raket ko ..
Dumating na ang araw ng pagpasok ko sa paaralan...
napag alaman ko na Grade 4 daw ang aking ihandle, kasama ko si Mam Lucy at Sir Marius na ilang taon na din sa Grade level na iyon. Sakto nung araw na iyon ay may event sa paaralan "General Assembly" tawag nila.
syempre andun ang inyong lingkod malapit sa hepe namin at diko alam kung kanino at saan ako tatabi.
maya maya tinawag ako ni Mam Kaeley, sinabi nyang dun daw ako pumuwesto sa tabi nya.
kilig naman ako syempre. isip ko lang naman
tinawag isa-isa mga guro ng bawat Grade level para formal na malaman ng mga magulang kung sino ang mga magiging guro ng kanilang mga anak.
at ayun nga tinawag na ang aking pangalan.
at ang bagong guro sa grade 4 si Ma'am Journee Ryan
at nag tuloy tuloy pa.
after ng general assembly. Pinagsimula na ang lahat sa kani-kanilang klase at nang matapos na ang maghapon ay doon ko makikila na ang samahan na mayroon sa paaralan.
Doon ko din napagtantuan na kahit saan pala na trabaho ay mayroong ganito.
Magkakaibang samahan, iba-t ibang katauhan at pag-uugali.
sa una, kina Ma'am Lea ako napasama, mababait sila sa akin since bago din sya. KS1 kung tawagin o Kinder to Grade 3 at ang KS2 naman ay mga guro ng Grade 4 to 6 ang mga guro na magkakasama dito, okay naman ang lahat,
pagtuturo, sa mga bata at iba pa.
kasama na dyan ang mga reports na walang katapusan
danas na danas ko na hanggang bahay naggagawa ako ng trabaho, puyat pa.
di ko na din nakasama si Ma'am Kaeley sa kadahilanang iba ang schedule nila sa akin,
sya yung nag iisa sa KS1 na di sumasama sa kanila kahit na grade 3 teacher sya..
sa KS2 sya nasama kase andun ang dabarkadz na sinasabi nya sa akin noon.
altho madami na din silang nasabing against sa KS2 ay tamang pakinig lang ako at kahit ako, di ko pa naman kilala ang nasa kabilang grupo.
Isang hapon,
malapit ng mag awasan ang bata nang may pumunta sa aming classroom which is sa stage lang (yes po! sa stage po kami nag ro-room since kulang po ang room ng aming paaralan)
"Magandang hapon po Ma'am Journee, pinapasabi po ni Ma'am Alice na mayroon daw po kayong TIP mamayang pag-awas daw po sa room nya daw po." sabi ng bata.
"Sige bunso, susunod ako magpapalinis lang ako sandali." agad ko naman sagot sa bata.
makatapos ang paglilinis at tiniyak ko na maayos ang iiwanan ko,ay agad akong nagtungo sa second floor ng Lazaro building para sa TIP na sinasabi ng bata
pag-akyat ko nakita ko sa taas ng room ni Ma'am Alice, si Ma'am Mira at Ma'am Klaisa na kasamahang grade 6 teacher ng mam.
"Magandang hapon po sa inyo mga mam" bati ko sa kanila.
"Ito baga ang bagong guro?" tanong ni Ma'am Mira.
"Oo, si Journee" "Pakilala nga ka nga ineng" sabi ni Ma'am Alice.
"Magandang hapon po, Journee Ryan po, " sagot ko.
"Ilan taon kana?"tanong ni Ma'am Klaisa
"May boyfriend?"
"Sabay ka sa amin mag lunch bukas para makilala mo dabarkadz" sabi ng Ma'am Mira
natawa naman ako sa mga tanong nila.
"Sige po Ma'am, bukas po sasabay po ako sa inyo." sagot ko.
at doon na magsisimula ang lahat..
^.^CeeeGab

BINABASA MO ANG
Dalawang Puso, Isang Propesyon
Romance"Sa likod ng mga pader ng Ahensiyang pang-edukasyon, kung saan ang disiplina at propesyonalismo ang pinakamataas na halaga, may dalawang babaeng nagkakaroon ng isang lihim na pagkakaibigan. Si Ma'am Luna at Ma'am Ryan , dalawang guro na may pagkakap...