Prologue

9 0 0
                                    

"Class! Class! Settle down!" Nang marinig namin si Miss Apple ay naging hudyat iyon para pumunta sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase ko, pati na rin ang mga kaibigan ko.


"Mamaya, tol ha!" Pahabol na sabi ni Anthony bago tuluyang pumunta sa upuan niya. Kulit. Sasama na nga ako, eh.


Inaaya nila akong mag bilyar mamaya. Marami kasing assignments kaya naghehesistate ako na sumama. Tumango na lang ako sabay tapik sa balikat niya.



"Thank you," Ani ulit ni Miss kaya naman napunta sakaniya ulit ang aming atensyon. "I will introduce someone to you. She's a transferee. We all know na hindi na dapat p'wede dahil patapos na ang first semester, but she's involved in an incident in her previous school na kailangan niyang magtransfer. Be good to her, class ha!" Ani niya nang makitang nasa kaniya na ang atensyon naming lahat.



"Miss Arciella, come in," Nang sabihin iyon ay pumasok ang isang babaeng matangkad.. dahil sa heels niya. Pft. She had a long wavy blonde hair at blunt bangs. Her skin is fair, it could compare to a milk. Her lips is full flat upper round. She had that pointy nose, but still fits her face. And her eyes that is upward chinita like, that suits her natural arched brows. Parang pusa. Naka-cat eye frame na salamin pa.


"Introduce yourself to the class," hudyat ni Miss Apple kaya humarap ito nang ayos sa amin.



"Keisha Chloe Arciella, 18," lamig. Ayaw niya ata magsalita. Paano ba naman sobrang ikli, at bukod doon, sa sobrang lamig nang pagkakasabi niya ay parang sana nagklase na lang kami at hintaying malaman ang pangalan niya sa attendance.



"Is that all?" tanong ni Miss sakaniya. Tumango lang ito bilang sagot. "You can sit beside Miss Aquintas." pagtukoy nito sa akin. Sayang, may mauuna na sana sa akin sa recitation.



Naka-alphabetical order kasi ang seating arrangement namin para sa tatlong instructor namin, para raw madaling mag attendance at magpa-recite ALPHABETICALLY. Nasa unahan tuloy ako kahit ayoko.



Nag-attendance na si Miss, and as usual, ako ang una sa listahan. Bakit ba naging Aquintas ang apelyido ko? Dapat hindi. Gusto ko tuloy sisihin si mama na si papa ang pinakasalan niya. Kidding.


Tumabi si Arciella sa tabi ko, at habang inaayos ang mga gamit niya ay naga-attendance ang instructor namin. Nakatingin lang ako sa kaniya.


Ang dami niyang anik-anik. May unan pang dala na nilagay niya sa likod niya. Kuromi ata tawag doon, kasama sa Sanrio Characters. At bukod doon, puro pink ang gamit niya. May electronic mini fan pa siya— kulay pink, naka aircon naman kami. Talagang binuksan niya pa. Saan ba galing 'to? North Pole? Hindi sanay sa init ng pinas ganoon?



Naglabas na rin siya ng notebook, ballpen niyang may ball fur na pink sa dulo, highlighters, at correction tape. Lahat pink, bukod sa ibang kulay ng highlighters niya. Baka pink din tinta ng ballpen neto.



"Staring is rude, you know?" pagsasalita niya. Masungit. Naka-taas pa ang kilay nang humarap sa akin. Umiwas ako nang tingin at nag sorry na lang. Sinong hindi mapapatingin sa kaniya? Bago niya makuha ang kailangan niya, eh ang dami niya pang abubot na nilalagay. Puro pink pa, gold pink pa nga salamin niya.




"Turn your textbooks in page 93," ani ni Miss nang matapos sa attendance. Napatingin ako ulit sa katabi nang magtaas ito ng kamay.



"I don't have my textbooks yet," englishera. Galing nga sigurong North Pole.


"Share ka muna sa katabi mo, Miss Arciella. That's fine with you, Zaf, right?" tumango na lang ako. Wala naman akong choice.




"Here," ani ko nang mailagay sa page 93 ang textbook namin at inilagay sa gitna ng mesa namin. She scanned the textbook and thanked me. "I know that na. Thanks."



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Whispers Beyond FriendshipWhere stories live. Discover now