Chapter 3

3 2 0
                                    

"Anak, patawad, patawarin mo si Papa," tangis ni Governor Salcedo habang nakayuko at mahigpit na nakahawak sa kamay ni Jepoy. Matatag, positibo, at palaging nakangiti ang mga katangian na palaging nababanggit pag pinag-uusapan ang kanyang ama.

Eto ang pangalawang pagkakataon lamang na nasaksihan niya ito sa ganitong estado. Una ay noong nawala ang kanilang ina, at pagkatapos noon, buong tapang na nitong hinarap ang pagiging nag-iisang magulang para sa kanila ni Yuki. Kaya ang makita ang kanyang ama sa ganitong situwasyon ay parang punyal na paulit-ulit na ibinabaon sa dibdib ni Jepoy.

"Ginamit lahat ni Madrigal ang kanyang pera at koneksiyon para maidiin ka sa salang hindi mo naman ginawa. Sa huli, ang hustisya ay para lang naman talaga sa mga makapangyarihan," dagdag nito.

Via's lineage consisted of powerful figures in law and politics. Aside from uncountable attorneys, one of his uncles is a member of the Supreme Court while her aunt is a senator. Kaya kahit wala pang trial ay parang nakatatak na sa bato ang kanyang kapalaran na mabulok sa bilangguan. Alam niya rin na kalat na sa telebisyon at lahat ng uri ng medya ang trahedyang naganap, ang karumal-dumal na pagpatay ng isang lalaki sa sarili niyang nobya. Kilala si Jepoy hindi lang dahil sa pagiging anak ng respetadong gobernador kundi na rin sa kanyang husay sa larangan ng akademiko. Kaya't marami ang nadismaya at nanggagalaiti sa galit sa kanyang katauhan ngayon. Wala ng pakialam ang mga tao sa kanyang panig. Sa kanilang paningin, isa na lamang siyang demonyo na walang puso na kailangang mawala sa mundo.

"Huwag kang mawawalan ng pag-asa, Nak, ha? Nandito lang kami ni Yuki, kahit ano mang mangyari. Hindi ako titigil, ipaglalaban kita. Ibibigay ko lahat mailabas lang kita diyan," sambit ni Governor Salcedo habang dumadaloy na naman ang luha sa kanyang pisngi.

Pag-asa? Palihim na natawa si Jepoy sa salitang ito. Mula noong masaksihan niya una ang bangkay ng kanyang pinakamamahal, bahagya na niyang nalimutan ang konseptong ito. Alam niya rin kung gaano ginigipit ang kanyang pamilya sa nangyari. Malabo ng makatakbo ang kanyang ama sa senado dahil mantsa sa kanyang reputasyon, at alam niya ring uubusin ng kanyang ama lahat ng meron siya para lamang manaig ang hustisya. Ayaw niyang pati ang kinabukasan ni Yuki ang madamay dahil sa kamalasang dulot niya. Ayaw na niyang lumaban, gusto na lamang niyang mawala para hindi na lumuha pa ang kanyang ama't kapatid. Kahit makalabas man siya rito, hindi na babalik sa dati ang lahat.

Gusto na niyang sumuko, gusto niyang sabihin na sukoan na rin siya. Pero sa likod ng luha ng kanyang ama, nababanaag niya ang tapang na ipaglaban siya.

"Opo, Pa. Hindi po ako mawawalan ng pag-asa. Malalagpa-

"Tapos na ang oras ng pagbisita. Mr. Salcedo, bumalik na kayo sa inyong selda," biglang putol ng isang pulis habang pilit ba itinatayo si Jepoy.

"I could walk on my own. You don't have to force me," tugon nito sa pamimisikal ng lalaki.

"Paalam, Pa. Mag-iingat po kayo ni Yuki palagi. Mahal na mahal ko po kayo," malungkot na pamamaalam ni Jepoy sa umiiyak na ama. May bikig na nakabara sa kanyang lalamunan na pinapahirapan siyang huminga, waring nagsasaad na huling pagkikita na nila nito.

...

Pagkabalik ni Jepoy sa kanyang selda, ilang pares ng mata na may bayolenteng repleksiyon ang pumako sa kanya.

"Kamusta ang dalaw, governor boy? Umiyak ka ba sa daddy mo para palabasin ka rito? Nya nya nya," tukso ng isang preso na may tattoo ng kambing sa ulo habang naghalakhakan ang kanyang kasamahan.

Hindi binalingan ni Jepoy ang pang-uuyam ng lalaki at dumiretso sa kanyang higaan. Bago pa siya makaupo, malakas na hinablot ng lalaki ang kanyang balikat at iniharap sa kanya.

"Bastos kang bata ka ha! Baka akala mo may kapangyarihan pa rin yang uhugin mong tatay dito sa loob! Wala kang asal!" Sigaw ng siga sa kanya habang unti-unti na siyang pinalilibutan ng lima pang preso.

TIMELESS SERIES BOOK 1: TWICE UPON A TIMEWhere stories live. Discover now