Tiningnan ko ang mukha sa salamin. Nang makita ko na okay na ang mukha ko ay kaagad akong napangiti. Pretty!
"Wow may time pa para mag ayos!"
Napatingin ako sa likuran nang marinig kong magsalita si Lorrie.
I smiled at her. "Of course!"
"Naka full glam sa exam!"
Napairap ako. "You know Lorrie ang kabobohan natatago, ang mukha hindi.."
"Yeah, yeah!" natatawang sang-ayon niya.
"Hindi ko hahayaang pangit akong magsasagot. Tanggap ko na nag take ako ng exam na maganda pero walang masagot kaysa naman nag take pa rin ako ng exam na pangit ako at wala pang masagot!" I hissed.
Napatawa siya, ngayon ay napahalakhak na.
"Pero wala ka pa ring masagot!"
I smirked. "At least maganda."
Napailing na lang siya dahil sa sinabi ko. Sa utak nitong babaeng ito ay sinasabi niyang siraulo ako. Mas inuna ko pa kasing maglagay ng kolorete sa mukha kaysa sa mag solve ulit ng mga equation.
I am not always doing this but today is our examination and I couldn't risk to answer my exam na walang ayos at wala ring sagot. Double kill 'yon for me and I still have plenty of time dahil maaga naman akong nag prepare, papano ay hindi ako natulog.
Today is our midterm examination and I did studied last night but still, kabado pa rin.
Alam ko kung anong klaseng utak mayroon ang mga instructor namin. Every examination ay mas mahirap talaga ang lalabas compared sa mga examples.
Kaya nga kagabi hanggang umaga ay ang kaagapay ko sa pag-aaral ang Youtube.
Umupo ako sa likuran kagaya ng palaging pwesto ko sa normal na lectures. I prefer sitting here especially if examination day dahil madali lang mangopya, makakagalaw ka nang mainam hindi kagaya sa gitna.
"Nakapag aral ka?" Bobby asked, one of my classmate.
Tumango ako. "Oo, mahirap na baka matanggal sa course," sabi ko habang tumatawa.
"Pakopya mamaya kung mabait ka," sabi niya pa.
"Sorry, hindi talaga ako mabait."
Napairap siya dahil sa sinabi ko at mahinang tinampal ang aking kamay. Napatawa na lang ako dahil kung kokopya siya sa akin mamaya ay walang problema pero mali nga lang. Baka nga ako pa ang kumopya sa kaniya.
Matalino naman ako noong high school, consistent honor student nga ako pero ngayon good student na lang.
May mga bagay talagang nagbabago, buti na nga lang maganda ako.
Mataas din naman kuha ko sa ibang subjects sadiyang pinahihirapan ako ng mga majors kasi hindi naman talaga ako magaling sa Mathematics tapos ito pa kinuha ko. Naghahanap ata ako ng problema.
Nakita ko ang kaibigan na nagsisidatingan. I saw first Erene entering the room and approached me. She sitted beside me that I really reserve just for her.
"You good?" tanong niya sa akin.
Tumango ako. "Yeah, sana hindi mahirap," sabi ko na tunong imposible.
"Sana nga.." she said hopefully.
Pareho kaming natahimik dahil alam naming mahirap talaga 'to. Ganito naman kapag exam talaga.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakita kong dumating na rin si Cris.
"Sis, nag aral kayo?" he asked as he sat down on the chair in my front.
YOU ARE READING
Waves of Solace
RomanceDana Reign Saviste is a BS Mathematics average student. She is not aiming for high grades but passing grades is just what she needs to stay in her program. Her only goal is to pass her major subjects, stay on the program, and graduate on time. She i...