PROLOGUE

5 0 0
                                    

sabi nila ang pag-ibig ay kusang dumarating pero heto ako college na pero wala paring shota

"Tala una na ako may date kasi kami ng jowa ko bye" ani ni Lea saka umalis at kumaway saakin

Kailan kaya ako magkakajowa? Lord kung sino mang para sakin sana gwapo para hindi ako lugi sa pag-aantay ko

Nandito ako sa isang cafè na may wifi at inaantay kung nakapasa ba ako sa exam sa pinasukan kong university kasi college na ako bale dalawa ang inenrollan ko para sigurado

Umorder ako ng matcha latte at chocolate cake saka binayaran ito sakto na mang may magjowa sa likod ko kaya binagalan ko ang pagkuha ng pagkain ko ng nilagay na ito sa harapan ko para mainis sila

"Miss pwede pakibilisan?" Ani ng lalaki

Humarap ako sa kanila at ngumiti ng todo para mainis sila lalo umalis na ako sa harap nila baka isipin nila inggit ako which is true naman

Umupo na ako sa upuan ko at nilagay na ang order ko sa lamesa pero pag upo ko ay may nakita akong notif sa laptop kaya dali dali ko itong binuksan nang buksan ko ay galing ito sa univ na inexaman ko at pinagenrollan ko ay pasado ako

"Yes!" Ani ko at napatayo pa kaya napatingin  sakin ang mga tao lalo na yung kakapasok palang at nakakahiya kasi ang pogi ng lalaki

Napaupo ako at nagsorry sa taong naabala ko sinara ko ang laptop ko at inubos na ang cake saka lumabas na dala ang matcha latte ko na naka plastic cup

Pumunta ako sa condo ko na niregalo ni ninong atsaka inayos na ang grocery na iniwan ko kanina sa mesa

Pagkatapos non ay nahiga ako at inopen ang laptop ko saka nanood ng kdrama, mabuti pa sa kdrama madali lang magkajowa pero in real life piste

Nakailang episode na ako at patapos na rin atsaka kanina ay nagsend ng email kung anong section ako at kung saang room sined din yung sched namin kaya ayon ayos

Gabi na rin kaya gutom na ako kaya nag-order ako ng jabi, nag-unat ako at binuksan ang bintana ko at pinagmasdan ang city lights

~pasensya ka na...

Ng marinig ang ringtone ko ay sinagot ko ito at niloud speaker saka pumasok sa loob ng masarado ko ang bintana

"Hello ma?" Aniko

'Anak may sobra ka pa bang pera?' Aniya

Ng marinig yon ay binaba ko ang tawag dahil tatawag lang sila pag kailangan nila ako mga walang kwenta atsaka magsusugal nanaman ang babaeng yon

Blinock ko na rin ang number nya sa susunod bibili ako ng bagong sim letche gastos nanaman

May nagdoorbel kaya binuksan ko ang pinto at nakitang dumating na ang order ko mabilis lang kasi walking distance lang naman ang jollibee rito

"Thank you po" aniko ng mabigay ang bayad at makuha ang inorder ko

Nagsimula akong kumain ng malabas ko ito sa plastic atsaka ng mabuksan ko ang laptop ko at ng makapili ng papanoorin ko

Grabeng emosyon ang naramdaman ko at grabe din ang kilig pero dun na lang yon kasi inggit nanaman ang babaeng to hayss

Tapos na akong kumain kaya tinapon ko na ang pinagkainan ko sa basurahan, atsaka naghugas ng kamay

Tinawagan ko si Lucy barkada ko na kasabay ko rin mag-enroll sa univ na papasukan ko sa susunod na lunes bilis no?

"Hello bhe" aniko

'Hello?' Aniya

"Nakapasa ka?" Tanong ko

'Hindi eh pero sa isang univ nakapasa ako yung sa pangasinan yung hometown ni lola buti nalang at dun ako nakapasa kasi di ako magtitiis na magnoodles at wala akong babayaran na upa diba?' Mahabang ani ya

"Ako dito lang ako nakapasa din ako sa HU" aniko

'Ganun ba? Uh ano may gala mamaya sama ka?'

"Sige ba saan ba yan?" Aniko

'Sa may bahay lang ni Lea inoman daw birthday kasi ng kuya niya'

Pinatay ko na ang tawag ng mapagdesisyunan namin na susunduin nila ako rito dahil dadaanan naman nila ang condo ko

Ng makabihis na ako ay sinendan ko si kuya ng pera dahil alam ko na wala nanaman siyang pera para sa tuition niya 3rd year na siya at nagkandakuba na kakatrabaho dahil ang mama ko ay sugalera

Buti nalang maayos si papa at mayaman pa oh diba?! Bless na bless ako, bumaba na ako ng magmessage si Lucy na nandito na sila

Nasa kotse na ako at katabi ko pa ang anak nila Lucy at Greg na napakacute kaso makulit buti nalang at tulog

Nagscroll lang ako sa instagram at nakita ang pamilyar na mukha na parang nakita ko na dati hindi ko lang alam kung saan

"Bumalik na daw sila tito Arcy kasama ang pamilya nya" ani ni Lucy

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagselpon, ilang sandali pa ay biglang prumeno si Greg kaya napatingin ako sa unahan

"Ano ba?! Tumingin naman kayo sa dinadaanan nyo!" Ani ni Lucy dahil si Greg ay soft spoken

Its true that the opposite attract each other, umiling nalang ako at tinap ang likod ni Gracy para matulog ulit siya ng napakahimbing

Nasa bahay na kami nila Lea and the place was good, marami na ring tao ang iba naman ay nakikikamusta kila tito Arcy at sa bagong asawa nito

"Balita ko merong step-brother si Lea" ani ni Lucy na karga si Gracy

Lumingon ako rito at tumango na lang dahil baka humaba pa ang kwento niya atsaka naglakad na sa isang table saka umupo rito sumunod naman si Lucy kasama si Greg at naka-holding hands pa ang dalawa

Nagsimula na ang birthday party at lumabas na si Lea kasama si tito Arcy at isang babaeng napakaganda akala mo hindi kaedad ni tito eh

"Ganda niyo no? Sana ganyan din ako pagtanda" ani ni Lucy

"Asa ka pa gurl?" Ani ko at tumingin sakanya saka tumawa

Tinarayan niya nalang ako at hinalikan si Greg sa pisngi kaya hindi ko siya pinansin dahil baka masampal ko siya apaka-PDA!

Tinawag na ng emcee ang birthday boy kaya nagsitayuan ang lahat saka pumunta sila Lea at tito Arcy pati na rin yung asawa nya sa stage bongga may pa-stage

Nagpalakpakan ang lahat at nung lumabas na ang birthday boy ay nagulat ako kung sino yun, kinalabit ako ni Lucy

"Gaga, ex-crush mo!" Aniya

Kinuha ko na ang gamit ko saka lumabas kasi nahihiya pa rin ako sakanya dahil dun sa nangyari noon ng may makitang taxi ay pinara ko ito, napahinga ako ng maluwag ng makasakay na ako sa taxi




I Love You Since ThenWhere stories live. Discover now