CHAPTER 15

0 0 0
                                    

Chapter 15

Tala's Pov

Nag-open ako sa insta at nakita ang picture nila Kris at Dowiee, wow sila pa tumagal talaga sila. Bisexual sila pareho at tanggap yon ng buong banda

Ang pangalan ng banda namin ay Payapa, si Dowiee ang nakaisip noon dahil daw pagmagkakasama kami ay parang payapa lang ang mundo lalo na pagnagjajamming kami at nagpeperform

Naaalala ko noon nung naggig kami sikreto lang iyon namin nakamask kami noon saka naka-itim grabe memorable talaga iyon dahil madami kaming kinita

Nagscroll ako sa profile ni Kris at nakita na pinost niya pala iyong pic namin nung maggig kami sa isang bar, doon ko din nakilala yung isang babae na mararape sana, ang pangalan ng bar na iyon ay 'Love twist' madami na doon ang nainlove at nabroken hearted kaya Love twist parang timang diba? Eme

Naging kaibigan namin ang may-ari noon si Joanna Vandejo naging crush iyon ng keyboardist namin siguro sila na ngayon?

Bassist naman namin ay nahawa din kayla Kris, may nangyari sakanila nung guy na nakabangga niya sa Love twist

Nagvideo call siya saakin at problemado ngayon natatawa ako sa mukha niya "hoy babae huwag ka ngang tumawa diyan, nasa gitna ako ng crisis okay?" Galit niyang ani ni Haru

Tumango nalang ako at nag-advice na hanapin niya sa Love twist yung guy baka kasi hinahanap na din siya noon "alam mo baks hinahanap hanap ko pa rin yung feeling nung gabing iyon, noong ibaon niya shit grabe ang sensasyon" aniya

"Kadiri ka? Kailangan pa talagang sabihin saakin?" Aniko

Napatawa siya at nagpatuloy sa pagkwento "ang gwapo niya saka ang laki pa nung ano niya hindi ko keri!" Aniya

Napailing nalang ako sa kalandian niya, nang magsisimula na siyang magperforn ay binaba niya na ang tawag

Sikat na siya ngayon, isa siyang singer at may album siyang sumikat yun ay Lovers quarrel grabe ano?

Mahusay siya magsulat ng kanta at nung marinig ko yung isang song niya sa album ay napamangha ako dahil sa boses niya at bawat sakit na dala ng liriko may paborito akong line doon yung 'bakit ba ikaw pa ang napili? Bakit patuloy pa rin ang sakit na nadarama ko pagnakikita kong hindi mo na ako mahal?'

Yung song na naging paborito ko ay tungkol sa mag-asawa na nawalan na ng pag-ibig sa isa't isa at nagkakasakitan na lang ang title noon ay 'pagkagapos' kasi pagkinasal ka ay para kayong nakagapos sa isa't isa kaya iyon ang title niya

Daming naging fan sa kanta niya at ang kalahati noon ay mga single mom at mga broken hearted na high schoolers kasama na doon si Gracy malaki na kasi siya

Hindi pa rin nakakakita si Greg ng makausap ko sila ni Lucy, ayos na rin si Lucy at naalagaan niya ring mabuti si Greg at Gracy

Si Wade ayon kasal na kay Emily may apat na ring anak, namimiss ko silang lahat hayss. Dumating na si Conan at niyakap ako

7 pm na ngayon kumain na kami ang dalawa ay kanina pa kumain at tulog na "kamusta ka?" Tanong ko

Ngumiti siya "pagod pero nung makita ka ay nawala iyon" aniya saka pinisil ang pisngi ko na ikinapula ko saka siya tumawa dahil nakita niya akong namula

"Yiee kinikilig siya" aniya kaya napatakip ako ng mukha

"Ano ba? Conan kumain ka nalang" aniko saka pumunta sa bathroom

Nakatitig lang ako sa salamin at pinagmamasadan ang namumula kong mukha hanggang ngayon ay ganon parin ang reaksyon ko kapag nanglalambing siya

Lumabas na ako ng mawala na ang pula ng mukha, nakita ko naman si Conan sa gilid na nakangisi "akala ko nilamon ka na ng cr" aniya at natawa

Nasapak ko siya sa tiyan kaya napaaray siya, hindi ko siya pinansin dahil palagi niya nalang akong inaasar

"Nagtatampo ba ang misis ko...ay soon papala?" Aniya at niyakap ako

Inalis ko ang pagkakayakap niya at kumuha nalang ako ng libro, nasa library kami "misis ko...hmm sarap sabihin" aniya saka tinitigan ako habang nakangiti

"Kailan na ba ang kasal, misis ko?" Tanong niya

Pero hindi ko siya pinansin 4 years old na rin ang mga bata kaya pwede na gusto ko may snow kaya december nalang

"Misis ko? Hindi mo na ba lab ang icing na taas ng cupcake mo?" Aniya atsaka tumawa

Cringe. Ganiyan siya kapag nagtatampo ako, nandito parin siya pero rulog na dahil 9 pm na rin. Pagod talaga siya humungko din ako sa lamesa  tyaka tinitigan siya

"Gwapo mo" aniko at hinalikan siya sa pisngi

Ginising ko siya ng 10 pm na dahil na boring ako "doon kana sa kwarto ng dalawa matulog" aniko saka tumayo na papunta sa kwarto at sinarado ito at nilock

Humiga na ako at nagtaklob ng kumot pero biglang bumukas ang pinto at bumungad si Conan na nakangiti at may hawak na susi "misis ko nakalimutan mo ata na nasa labas ang susi" aniya saka humiga na rin sa katabi ko pagkatapos i lock ang pinto

Tumaliko na lang ako sakanya ng matapos lagyan ng unan ang pagitan namin "huwag mong aalisin iyan dahil hindi talaga kita bibigyan ng triplets" aniya

Sinabi niya kasi noong nakaraang linggo na gusto niya ng triplet at kaya ang kambal ay nasa iisang malaking kwarto lang dahil ang tatlong kwarto ay para sa triplets

Sumunod naman siya kaya natulog na ako. 4 am ng magising ako at nakita ko ang sarili ko na nakayakap sakaniya kaya mabilis akong tumalikod sakanya pagkalagay ng unan sa pagitan namin

7 am na ako nagising at ng pagkalabas sa kwarto ay nag-aalmusal na sila day-off ngayon ni Conan dahil Sabado at bukas na gabi siya babalik

Nakita kong ngiting ngiti ang mokong habang nakatingin saakin. Umupo na ako at nagsimulang kumain

"Pa, laro tayo mamaya ng chess ah?" Ani naman ni Atlas na naadik sa chess

Palagi siyang talo ng papa niya ta palagi itong nagpapractice pagwala ang papa niya, si Star naman ay tumingin saakin

"Ma, punta po tayo kay ate Milla sabi niya po kasi tuturuan niya ako ng taekwando" ani nito nahumaling siya doon ng makita si ate Milla niya sa cellphone ko na nagtataekwando

Black belter si Milla, nagpaturo siya noon para daw self defence niya. Namatay si Cj ng Magthree years old ang kambal kaya sobrang lungkot noon ni Milla ang kambal naman noon ay pinapasaya siya

Nang nasa bathroom ako ay pumasok si Conan "sabay na tayo maligo, nanonood naman ang dalawa ng movie eh saka action iyon hindi nila tayo maririnig" aniya at niyakap ako pero tinulak ko siya at pinalabas

Mahilig ang kambal sa action movies namangha sila doon sa mga nagbabarilan atsiyaka dahil din yung sa lolo nila nanood kasi sila ng action movies noon kaya naging paborito nila

Bumisita dito si papa nung magthree years old ang mga apo niya at binilhan niya ito ng mga gusto nito

Kumatok si Conan "akala mo ba hindi ko alam?" Aniya at tumawa

"Ang alin?" Tanong ko

"Na niyakap mo ako kagabi kaya dapat pinagbibigyan mo ako niyan para mabuo na natin ang triplets" aniya saka tumawa

Namula ako pero hinubad nalang ang damit at naligo, nagbihis na ako pagtapos noon at hindi pinapansin si Conan

Nasa bahay kami ni Milla, nanonood ako sa dala na nagpapractice ng taekwando. Nakita ko rin ang matamis na ngiti ni Star kaya ng inulit niya iyon ay pinicturan ko siya

Malaki na ang pinagbago ni Milla at pumayat din siya hindi na siya ang chubby na Milla ko namiss ko at mataba niyang pisngi

Nang matapos sila ay pumunta kami sa favorite ice cream shop ni Star at bumili ng mint choco paborito niya iyon dahil masarap daw

Ako naman ay yung matcha, pinapanood ko siyang kumain at ang cute niya para siyang ako nung bata

Carbon copy ko siya kaya lumalaki siyang kamukha ako, pinangako ko sa sarili ko na hindi ko ipaparanas sakanya ang naranasan ko. Gusto kong lumaki siya na buo kami

Ngumiti saakin si Star ng makita niyang nakatingin ako kaya ngumiti rin ako at ginulo ang buhok niya

I Love You Since ThenWhere stories live. Discover now