Pusong Kuting

2.6K 94 103
                                    

Author's Note: Naalala ko lang kasi yung first love ko bigla nung nagkalakal ako ng mga gamit at nakita ko yung sulat NIYA sa slambook ko. Pasensya na kung ganito ang pagkakasulat. POV kasi ito ng isang 10-12y/o na bata. Kinikilig at nanghihinayang pa rin ako pag naalala ko 'to.. Hehe.

Comment kayo guys! Gusto ko mabasa reaksyon nyo. :))

___________________________________________________________


Grade 6 na kami. Tumaas yung section ko, naging section 2. Mababait naman yung mga bago kong kaklase at masaya talaga silang kasama. Pero syempre hindi ko pa rin maiwasang mamiss yung mga kaibigan ko sa section 3.

Lagi akong tambay sa section 3. Sabay kasi kami umuuwi ng bestfriend kong si Hazel, mag kapit-bahay lang kasi kami. Isa pa, gusto ko din makita yung mga kaklase ko dati lalo na yung crush kong si Glenn.

Haay. Ang gwapo gwapo nya talaga! Maputi ang kutis, bilugan ang mata, matangos ang ilong, mapula ang labi tapos may dimples pa sya! ;""">

Kung tutuusin nga palagi ko lang yun inaaway at pinaiiyak nung grade 2.. Tapos ngayon may gusto na ko sa kanya.. Ewan ko ba! 

Kapag naiisip ko na hindi ko na kaklase Glenn at maraming pwedeng magkagusto sa kanya.. Naiinis ako!

Alam ko na! Kukunin ko na lang yung number nila sa bahay! Bright Alys! ^_____^

Malapit na silang umawas. Sa may bintana yung pwesto ni Glenn.

"Psst. Glenn!"

"Oh. Alys."

"Glenn anong number nyo sa bahay?"

"Bakit?"

"Kukunin ko lang. Para matawagan kita."

"Ahh eh magagalit si mommy."

"Sige na naman oh pls.."

Tumayo na si Glenn, awasan na sila. "Goodbye and thankyou Mrs. Balbuena!"

"Ah teka, eto oh." Isinulat ni Glenn sa kapirasong papel yung phone number nila.

OH MY GOSH! THIS IS IT!

Bago ko pa makuha ay hinalbot nung kaklase nilang lalake yung papel!!

"Akin na yan!" Naghabulan pa kami hanggang garden. "Hoy!!!"

Inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko. "Crush mo si Glenn no?!"

"H-hinde hah! Akin na kasi yan!"

Tinaas pa nya yung papel para di ko makuha! "Uy crush nya si Glenn!" Ayaw nya talagang ibigay hanggang di ako umaamin sa kanya. "Crush mo si Glenn!"

"Hindi nga sabi eh! Akin na yan! Tska bat ka ba nakikielam!? Sino ka ba? Hindi naman kita kilala!"

Natigilan sya. Ibinigay nya na sakin yung papel. "Tss. Yan nagusot na!" =_=

"Samen ka na lang tumawag!" Bigla nyang hinawakan yung kamay ko. "Tumawag ka saken!" Hinihila-hila pa nya ko!

"Ayoko! Baket ba!"

"Basta tumawag ka saken. Eto yung number.." Sinulatan nya ng ballpen yung palad ko. 562-7568

"ANO NAMAN 'TO HA?!"

Pusong KutingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon