LIANA'S POV
Ito naba 'yun? Is this where my life would end? Andami 'ko pang pangarap na hindi natutupad. Andami ko pang mga bagay na gustong gawin, pero bakit kailangan ganito? Bakit kailangang mauwi sa ganito?
"I'm so sorry, Mrs. Torres. But this is the result of her diagnostic test, she has acute lymphoblastic leukemia." malumanay na may halong awa ang maririnig sa boses ng doctor.
I thought I was hearing the wrong words, and I can't seem to understand what was the doctor saying. Only my mom was there to hold my hand and to calm me down. She's reassuring me that everything's going to be okay.
But it will never be okay.
Sinabi pa ng doctor na mas lumalala na raw ang sakit ko dahil hindi ito naagapan agad, mas mahihirapan daw silang gamutin ako, at wala ring kasiguraduhan kung gagaling pa ba ako.
I could only hear my heart explode with emotions.
• • • • •
Hindi pa man tapos ang pakikipag-usap kay Doc, lumabas na ako ng opisina nito dahil pakiramdam ko kailangan ko mag pahangin.Hindi ko maintindihan kung paano nangyari na bigla akong magkakaroon ng sakit. At leukemia pa talaga?! Hindi pwede, hindi maaari.
Hindi ko namalayang unti-unti na palang bumabagsak ang mga luha ko. Hindi ko 'to magawang punasan sa sobrang panghihinang nararamdaman. Bagsak ang balikat at nanlulumo ang bawat parte ng katawan ko.
Biglaan lahat ang nangyari. Kaibigan ko ang mga kasama ko nang mahimatay ako sa campus kanina, akala ng mga kaibigan ko ay normal lang iyon dahil madalas naman ako himatayin sa hina ng katawan ko at dala na rin ng pagod. Pero hindi na'min akalain nang madala nila ako sa hospital at pina-check up ay ganitong resulta pala ang kalalabasan.
Ilang minuto ang lumipas bago 'ko naramdamang may taong umupo sa tabi ko. Pag-angat ko ng tingin ay ang malungkot na ngiti ni mama ang sumalubong saakin. Pansin kong mugto na rin ang kaniyang mga mata.
Hindi kona napigilang yakapin siya at humagulgol sa akap niya.
"Ma, bakit ganon? Bakit ngayon pa?" walang tigil na tanong at pagrereklamo ko sakaniya.
Napaka unfair!
4th year college na 'ko. Bachelor of Secondary Education Major in English ang course ko, tulad ng dati ko pang pangarap; ang makapag turo sa larangang alam ko kung saan ako magaling at sasaya.
Pero mukhang sa susunod na buhay ko nalang iyon matutupad..
Malapit na ako makapagtapos. Kaunting tiis nalang oh, tapos ito ang mangyayari saakin? Hindi ko pa rin lubusang matanggap ang balitang ito.
"Anak, please kumalma ka. You have me, hmm? I'll be with you all throughout this process. You'll be okay, we'll be fine." pag-aalo niya saakin. Mas hinigpitan niya ang yakap saakin, at di kalaunan sinabayan na rin akong umiyak.
• • • • •
We're now on our way home para ayusin ang papers ko sa school. Starting tomorrow kailangan ko ng ma-confine sa hospital para mas mabantayan ang kondisyon at kalagayan ko. Mapait man aminin pero wala akong choice kung hindi sumunod sa doctor, alam kong para naman ito sa ikabubuti 'ko.
Umakyat na ako agad sa kwarto ko upang mag-impake. Labag sa loob kong itinupi ang mga damit, kinuha ang ibang mga gamit, at sabay sabay itong isinalangsang sa maliit kong maleta na kulay pink.
Pink is my favorite color. Because for me, it symbolizes beauty and hope. But I already loss the beauty in my hope.
Tinitigan kong muli ang kwarto 'ko; may mga stickers ni hello kitty, kpop groups, at kung ano ano pa. Maliit lang ako kwarto ko, pero puno ito ng masasayang memorya kasama ang papa ko. Sadly, he's already gone. He died because of cancer, the same illness that I'm having now.
YOU ARE READING
Last Beat of Love
RomanceLiana Claire Torres is a senior student with a big dream of becoming an English teacher one day. However, that dream was crushed when she found out that she was diagnosed with acute lymphoblastic leukemia. After hearing the news, her world crumbled;...