*Rosallie's POV*
Napatigil ako sa pagsusulat ng tumunog ang bell. Hudyat iyon na tapos na ang third period at oras na ng lunch break.
"That's all for today class. See you next meeting." sabi ni Prof. Vasquez. Iniligpit nito ang mga gamit at pagkatapos ay lumabas na ng silid.
Mabilis naman na nagtayuan ang mga kaklase ko at lumabas na rin ng pinto para pumunta sa cafeteria.
Walang pagmamadali ko namang iniligpit ang mga gamit ko at ipinasok sa bag na dala ko.
"Sallie, tara. Kain na tayo" yaya ni Teresa. Nakatayo siya sa tabi ng mesa ko at hinihintay ako. Nakasukbit sa balikat niya ang bag nya.
Nasa unahang parte siya nakaupo samantalang sa hulian naman ako. Pero lagi nya akong pinupuntahan paglalabas na kami.
"Sige, tara." Sang-ayon ko. Tumayo na ko at binalingan ang iba ko pang kaibigan.
"Joie! Tin! Jeanine! Tara na." Tawag ko sa kanila. Nakaupo pa kasi ang mga ito at nagaayos ng gamit.
Nagmamadali naman nilang inayos ang mga dala nila at lumapit sa amin.
"Saan tayo kakain?"tanong ni Tin ng makalapit sa amin.
"Edi syempre ming, dun pa din sa dati", sagot ni Joie. "May mga baon naman tayo kaya di na natin kailangang pumila sa cafeteria".
"Oo nga." Pagsangayon ni Jeanine ng makalabas na kami ng classroom at naglakakad na sa hallway. "At saka naiilang parin ako kapag pinagtitinginan nila tayo eh". Sabi nya na ikinatahimik naming lahat.
Mayamaya ay napabuntong hininga ako. Halos tatlong buwan na mula nung Cruise namin pero di parin matapos tapos ang kalbaryo naming lima.
Kahit saan kasi kami magpunta ay may mga mata paring nakatingin sa amin. Ganun din ang mga bulung bulungan sa paligid.
"Di mo na dapat pinapansin yun. Pasasaan ba at magsasawa din sila." Sabi ni Teresa.
Napadako ang tingin ko sa binti niya. Makinis iyon. Walang bahid ng kahit anong sugat o peklat na natamo niya noon sa Cruise. Parang walang nangyaring aksidente sa kanya at di nanganib ang kanyang buhay.
Mula ng pumasok kami ulit sa school ay wala nang nagbanggit ni isa samin sa mga naganap ng gabing iyon. Parang lahat kami ayaw ng alalahan ang nangyari.
Kahit pa tanungin kami ng mga professors at principal namin ay nanatiling tikom ang mga bibig namin.
Wala rin naman kasing maniniwala kung ikwekwento pa namin ang pagkakaaksidente ni Teresa. Ni wala ngang kaming pruwebang ipapakita.
Lalo na kung ikwekwento ko pa ang mga nakita ko. Malamang ay dalhin ulit nila ako sa ospital para tingnan for any brain damage. Worst, baka sa mental hospital ang bagsak ko.
Nang tanungin naman namin ang mga professor namin kung paano nila kami nakita ay buong detalye naman nilang ikinuwento sa amin ang mga naganap ng gabing iyon.
Ayon sa kanila. Ng tumama ang malakas na kidlat sa barko at nagliyab ang bahaging tinamaan niyon ay pinapunta ng kapitan ang mga pasahero sa bandang unahan ng barko.
Napansin naman agad ng mga professors na nawawala kaming lima ng magroll call sila.
Sinubukan daw nila kaming ipahanap sa mga tauhan ng barko pero abala ang mga iyon sa pagapula ng apoy. Di lang kasi upper deck ang napinsala kundi pati ang mga silid sa ilalim niyon na malapit sa makina ng barko.
Inuna nilang inasikaso ang mga silid sa ibaba upang isalba ang makina. Mahirap na daw kasi pag tumigil iyon sa pag takbo. Malamang ay lulubog ang barko.
BINABASA MO ANG
Guillier Academy
FantasyGuillier Academy is not your typical school. Hindi ito gaya ng ordinaryong eskwelahan na nakafocus sa academics and sports but it focus on enhancing your magical and elemental abilities, as well as training you to use your spirit weapons. Inside the...