Pagod na ako. Alas dose na ng madaling araw ng marating ko bahay na kinalakihan ko. For 1 year halos hindi ako nagpakita sa pamilya ko matapos nilang malaman na nag live-in ako with Jake. Tonight, they'll see me at my worst moment and I can hear my parents saying "ayan na nga ba ang sinasabi namin sayo".
But I have no choice. I can't find an apartment cheaper and on the spot for myself. And I won't go back to that bastard Jake. For sure nag move-in na doon ang babae niya.
I rang the doorbell. Once. Ewan ko, natatakot akong bumukas ang pinto ng gate but at the same time, I just wanna lay down on my bed.
"Lexi," mahinang sabi ni mama nang pagbukaan niya ako ng gate. Kita ko pagpilit niya sa sariling ngumiti ngunit kitang kita ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Anak... I'm sorry ate." Niyakap niya ako. Mahigpit.
Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng emosyon ko. I'm crying because of Jake but most of all, I'm crying because I missed my mom. I missed my fam. Pinagsisisihan kong inuna ko ang lalake bago ang pamilya ko.
Dad showed up and patted my head. Hindi sya tulad namin ni mama na humahagulgol pero kita ko sa mata niya ang lungkot. I was expecting him to say "I told you" kasi siya yung pinakatutol sa pag-move ko kay Jake. "Pumasok na tayo at malamok dito sa labas. Ma, pagpahingahin mo na muna si Lexi." Yan lang ang sinabi niya.
Humagagulgol pa rin kami ni mama. Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari na matagal tagal na ring nanlamig at tumabang ang relasyon namin pero hindi ko magawang umalis. Alam kong ganun din naman si Jake sa una. Eventually, nang makahanap siya ng bagong trabaho he changed. He acted like he's rich, he went out with his co-workers every weekend without me and he even started talking in 'conyo' as if graduate siya ng La Salle or rich af collage. To sustain this lifestyle, halos wala na siyang naaambag sa relasyon namin. I pay the apartment, bills, even for food. Wala akong reklamo sana kung at least nadadala niya pa rin ako for a date or at least give me an act of service pero wala! Worst part? Lahat ng pera at oras niya pala nalulustay lang para magpasikat sa babae niyang coworker niya.
I'm so dumb. I'm so fucking dumb.
"Alexis Stacy Falcon" My dad said firmly. "You're Falcon. You deserve more than that bastard. Now that you're back, we will show him what he took for granted."
Hinampas ni mama sa balikat si papa. "Anong pinaplano mo?"
"Pa, if this is part of your business, I am not going to partake on it. I told you..." napapahid ako ng luha ko. To be honest, isa ito sa dahilan kung bakit desidido ako noong sumama kay Jake kasi ayokong pinipilit ako ng papa ko na magwork para sa kaniya.
"Alam ko. Ilang beses mo nang sinabi sa akin yan. Ang gusto kong sabihin eh, bukas na bukas din dadalhin kita sa mall para magpaganda. Punta tayong salon, spa, bili ka ng bagong phone... lahat para gagawin ko para mag glow up ka."
Napatawa kami ni mama sa sinabi ni papa. "Pwedeng gym membership din?"
"Oo!"
"Ok, it's a date. Thanks ma and pa. Hindi ko talaga kayo deserve. Sorry." Napaiyak na naman ako. Sobrang miserable ko at yung guilt ko kinakain ako. Hindi ko na talaga uuliting talikuran ang pamilya ko. Ever!
Matapos akong kumalma kakaiyak, pinaghainan ako ni mama ng tirang pagkain. Ginawan niya rin ako ng hot chocolate. Sinabayan ako ni papa sa pagkain. Habang nagkukwentuhan kami bigla kaming nakarinig ng sigawan mula sa second floor. Dalawang boses ng lalake.
"Hayop! Kupal!" Hiyaw ng aking pinakamabait na kapatid na si Atlas. Kilalang kilala ko ang boses na yan. Medyo nakakairita.
"Gg" Tumatawang sabi ng isang boses. "Aww! Walang pisikalan!"
"Lakas mo rin kasing mang-asar."
Nagkatinginan kaming tatlong nasa hapag. Napailing na lang si mama. "Guys! Magpatulog kayo!" Sigaw naman ni papa na mukhang effective kasi natahimik sila.
"Sorry, tito!" Sagot ng isang boses na hindi ako sure kung sino. I have a hunch but not sure. It sounded different. My brother's voice is more deep and throaty na parang kinakain niya na ang mga salita niya. Meanwhile this voicd is more crisp and mellifluous but with a hint of mischief on it.
"Oh, nandito pala si Milo." Mama looked so confused. "Sabihan ko nga. Saglit." Tumayo si mama at pumanik ng hagdan.
"Si Milo Raymundo 'yon?" I askes papa. Hindi ako makapaniwala kasi last time na narinig ko boses non eh noong nagbibinata pa siya. Though that's like a decade ago. Not sure if I ever heard him talked for a while. I saw him, maybe 3 years ago, pero never kami nang usap. Madalas nakatitig o umiiwas lang siya ng tingin sa akin. I don't even remember if we ever talked to each other. Not that I care a lot, alam ko lang best friend siya ng baby brother ko at anak siya ng isang malaking client ng tatay ko.
"Oo. Uhm, ngayong bumalik ka ng biglaan. Ano.. kasi... pinapagamit namin ang kwarto mo kay Milo."
"Oh..." tumango ako. "But we have spare room. Why my room?"
"Sorry anak. Alam mo naman 'yang si Atlas at Milo hindi mapaghiwalay. At saka, mas mainam sa amin ng mama mo na sa second floor silang dalaqa para hindi kami masyado maingayan." Nasa main floor kasi ang master's bedroom sa bahay namin. So it makes sense lalo na kung napakaingay maglaro ng dalawa.
"Bakulaw?!" Hiyaw ni Atlas. Na nakadungaw sa baluster mula sa second floor. "Nagbalik na ang bakulaw!" Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan at niyakap ako.
I mean, sinakal ako. "Bitawan mo nga ako! Hindi ako makahinga." Tinulak ko siya.
"So ano? Harangan na ba natin sa kanto 'yang ex mo? Gago yun talaga. Sabi ko na walang betlog 'yun. So? Sigurin na namin ni Milo? Milo! Tara may bago tayong target!"
"Tumigil ka nga dyan Atlas." Nagmamadaling bumaba si mama ng hagdan at hinampas ang magaling kong kapatid. "Watch your mouth. Kakalaro mo ng video games badubal na yang pananalita mo. Dyos ko, bente tres ka na. Ganyan ka pa rin umasta. Pagsabihan mo nga ito Albert."
Habang sinisermunan ni mama at papa si Atlas, tila naman ako kinikilabutan dahil parang may nakatingin sa akin. Napalingon ako sa buong kusina. Wala. Sa may hagdan. Wala. Sa second floor kung saan dumungaw kanina si Atlas... doon. Nakita ko si Milo na nakatingin sa akin. When our eyes met, he tilted his head then gave me a tiny smirk. Sa unang pagkakataon, nagtama ang mga mata namin at hindi siya umiwas ng tingin. I felt dumbfounded. I knew this guy since he was 15 but never did I imagine him to be this tall and mature. Well, same as Atlas.
Hay nako, tumatanda natalaga ako. I'm 29 years old for fvk sake and I can't believe I'm single again, returning home and without a job.