Chapter 5

0 0 0
                                    

Sheena: Ano na? Di mo sasabihin? (nag tataka)

Napatingin naman ako sa telepono kong nasa lamesa. Sasabihin ko ba o hahayaan ko na lang syang malaman nya ng sarili nya.

Sheena: Ano? Di mo na sasabihin?

Tanong ng kaibigan ko habang kumakagat ng fried chicken.

Rocel: Hindi ko alam (malungkot)

Sheena: Bakit? (naguguluhan)

Ibinaba naman nya ang hawak na fried chicken.

Sheena: Sa tingin mo ba hindi pa rin sapat yan para sa kanya?

Hindi ako sumagot at ibinaling na lamang ang tingin sa sarili kong plato. Ni ako ay hindi masagot ang tanong nya. Makalipas ang ilang segundong pag iisip ay kinuha ko ang telepono ko at isinend kay tatay ang litrato ng card ko.

Sheena: I'm so proud of you! (masaya)

Natawa naman ako dahil sa reaksyon nya.

Sheena: Alam mo wag kang mag alala. Kumain ka pa nang kumain para hindi ka nag aantay sa reply ng tatay mo na parang sira.

Ani nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Hinyaan ko na lang sya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko matapos kong imessage ang tatay ko. Siguro ay dahil na rin sa mga sinasabi ng kaibigan ko ay nakakaya kong hindi sumuko agad. Kung hindi dahil sa mga payo at paalala nya ay hindi ko na alam ang gagawin.

Sa mga panahong pagod at sawa na ang utak ko ay nandyan sya upang pagaanin kahit papaano ang mga bagay na sumasagi sa isip ko. Ang mga salitang binibitawan nya ay nakakagaan ng pakiramdam. Maswerte ako at nagkaroon ng kaibigan na tulad nya.

Rocel: Salamat (masaya)

Pasasalamat ko pagkatapos nya akong lagyan ng pagkain sa plato. Tumango lang sya bilang sagot.

Sheena: Alam mo ba na halos mawala na lahat ng brain cells ko nung nag sasagot sa science?!

Pag rarant nya sakin. Hindi mo maiwasang matawa dahil sa reaksyon nya.

Sheena: Kaya nga bilib na bilib ako sayo lagi kasi kahit mahirap na subjects maning mani lang sayo e.

Kunwaring inis na sabi nya at kumuha pang muli ng pagkain at inilagay sa plato ko ng makitang paubos na ang mga pagkain na nilagay nya kanina.

Rocel: Talaga?

Sheena: Oo! Tanungin mo man lahat ng kaklase natin mag aagree sila. Tsaka alam mo ba, thankful kami lagi sayo kapag nag tataas ka ng kamay sa recitation.

Rocel: Bakit naman?

Sheena: Sino pa bang ibang sasagot kung hindi ikaw lang naman?!

Natawa na naman ako. May halong inis sa pagkakasabi nya nito pero mababakas pa rin ang pagkasarkasmo.

Sheena: Grabe yung lungkot ko nung ako yung lowest sa science (pahina nang pahina)

Tinigil nya ang akmang pag kuha ng pagkain at sumalampak ng sandal sa upuan. Naka cross pa ang mga braso at masamang nakatingin sa ibaba.

Sheena: Kahit anong aral ko talaga, luging lugi ako lagi sa science

Rocel: Hindi ka naman nag sasabi, e di sana nabigyan kita ng notes ko

Sheena: Wag na, 'no! Mamaya masira ko pa yon sa inis.

Umiling-iling na lang ako habang nakangiti. Kahit ganyan ang ugali nya ay hindi ko alam kung paano ko napag titiisan. Grabe talaga pag matagal mo na kakilala, 'no?

Hinayaan ko lang syang mag salita nang mag salita habang ako naman ay nakain. Hindi matigil ang bibig nya sa pag rereklamo tungkol sa mga subjects na sumira raw sa card nya. Habang pinakikinggan sya ay bigla na labg tumunog ang telepono ko—indikasyon na mayroong nag padala ng mensahe sakin.

Kinuha ko ito at hindi na maiwasang pangiliran ng luha ang aking mga mata. Parang unti-unting nawala ang mga iniisip at nararamdaman ko. Ang mga salitang dati ko pang gustong marinig ay nag katotoo na. Apat na kataga pero milyon ang kahalagahan para sakin.

'Proud ako sayo, nak' pag basa ko sa mensahe ni tatay.

Academic Pressure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon