Angela pov.Nagulantang ako sa aking natuklasan hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang aking nararamdaman, tila nakaramdam ako ng kirot sa aking puso nang makita ko itong lumuluha sa harapan ko. may parte sa puso kona nasasaktan ako na tila ayaw ko itong nakikita sa ganitong sitwasyon" pero ang utak ko ay nalilito hindi ko mawarian ang totoo." minarapat kong tawagan
si uncle dahil gusto kong makumpirma buhat sa kanya kung ano talaga ang totoo.Mabilis kong denial ang phone habang nanginginig pa ang mga daliri ko. gusto
kong marinig mula sa kanya ang katotohanan? napasandal pa ang likod ko
sa tokador. habang inaantay sagutin ni uncle ang tawag ko. wala padin tigil ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata at mugto na ito.Please answer the phone."
Nakailang ulit nako sa pagdial ngunit tila answering machine lang ang sumasagot, marahil ay busy pa ito." Napagdesisyunan kona lamang puntahan si uncle sa kanyang kumpanya.
mabilis kong tinahak ang pinto." Pagbukas ko nito ay napasinghap pa ako nang bumungad saakin si Matteo, nakasandal sa pader habang nakahalukipkip ang mga kamay nito at mugto nadin ang mga mata,
tila wala din tigil ito sa pag iyak.B-baby please.. c-can we talk?"
garalgal nitong sabiS-sorry, h-hindi ko pa kaya.
ani ko dito sa mahinang boses, nakita kopa siyang natigilan habang napayuko, agad ko nang nilock ang unit at nagsimula nang maglakad hindi kona ito tinapunan pa nang tingin at diretso lang ang lakad. nahagip kopa ang akmang nitong paghakbang bago ako tumalikod, ngunit natigilan ito kalaunan at hindi na niya tinuloy ang pagsunod saakin. tila nakapag-isip na ito nang tama, Napahugot ako ng malalim na hininga bago marahas na pinakawalan ito.
Mariing napakagat ako sa aking ibabang labi. pinipigilan na huwag kumawala ang mga luha sa aking mga mata, ngunit sadyang traydor ito dahil unti- unting nagsipag landasan ang mga ito. mabilis akong pumasok sa papasarang elevator buti nalang at walang sakay, napasandal pa ako dito at hinayaan mag landas ang mga luha ko.
Nang makalabas na ako ng building ay agad na akong sumakay sa kotse, at mabilis ko itong pina-andar patungo sa kumpanya ni uncle, ilang oras din ang binaybay ko sa daan habang mugto ang mga mata
at panay ang punas ko dito. ubos nadin ang dala kong tissue minarapat ko munang ihinto ito sa gilid ng kalsada. dahil baka maaksidente ako." Dahil wala sa daan ang pokus ko kundi na kay Matteo."Mga ilan minuto din akong nakatanaw lang sa daan habang pinapakalma ang aking sarili. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago nagpasyang buhayin muli ang makina at marahang nagmaneho.
****
Nang makarating ako sa kumpanya ni uncle ay dirediretso lang ang pasok ko at hindi na nagtanong pa sa front desk, dahil kilala naman nila ako, dinig kopa ang pagbati ng securityguard ngunit hindi kona ito na gawang lingunin pa.
Agad akong pumasok sa elevator at pinindot ang 32floor direct sa office ni uncle, mabilis akong lumabas ng mag bukas ang elevator at tinungo agad ang office nito, kita kopa ang sekretarya ni uncle na tila natigilan nang makita ang pagdating ko, at pinindot pa ang intercom. Hindi kona nagawang kumatok pa sa pinto at agad ko na itong binuksan,
I saw uncle and Ethan, there was sitting in the couch and talking about business.
kita kopa ang pag-awang ng labi ni uncle at napakunot naman ng noo itong si Ethan,
They didn't expect me that I'm here."
Why are you crying?"
ang sabi ni Ethan habang nagtataka kung bakit ganito ang ayos ko dahil sa mugto ang mga mata ko. mabilis itong lumapit saakin, bakas sa mukha nito ang pag-aalala, tila napahagulhol naman ako ng yakapin ako nito at napasubsob ang mukha ko sa matipuno nitong katawan,

BINABASA MO ANG
HIS OBSESSION: Matteo Altamirano (Completed)
Romantik🔞R-18 read at your own risk! Sa edad na katorse si Matteo ay nakatagpo ng isang limang taon gulang na batang babae. Anak ng kanilang mayordoma. mula sa unang sulyap ay tila nahipnotismo siya sa angkin ganda nito. ang bilugang mga mata at ngiti na...